497 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pareho ang naging reaksyon ni Qiao Chu at Fei Yan, maging ang mukha ni Hua Yao at Rong Ruo ay puno ng pagkagulat.

Ang dalawang ito ay pinagsususpetsahan na si Jun Xie na babae sa panahong kasama nila ito.

Pero hindi nila naisip na ito ang Young Miss na nakakatakot umatake sa buong kalupaan!

"Little Xie… ikaw ang kanilang… erm… Tinaas ni Qiao Chu ang kanyang kamay, at itinuro ng kanyang nanginginig na daliri ito. Tumungo ang tingin nito kay Long Qi at sa mga tao nito, mga matang hindi makapag tumbok.

Tiningnan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu ngunit wala itong reason. Hindi niya alam bakit gulat na gulat si Qiao Chu at ang mga tao.

Talaga bang napakalaking bagay ng kanyang pagkakakilanlan?

Para kay Jun Wu Xie, wala syang pakialam sa estado ng isang tao o sa pinagmulan nito. Ang nais niya alang ay kung paano niya ito makilala bilang isang tao at iyon lamang ang importante sa kanya.

Kaya, akala niya ganito rin mag-isip ang iba.

Hindi naman ganyan ka komplikado!

"Lubos ako na nagpapasalamat sa tulong na inilaan niyo para alalayan kami. Hayaan niyo akong lubos na mag-pasalamat bilang heneral ng Rui Lin Army, Long Qi." Tumayo si Long Qi sa mga sandaling iyon, ang tangkad nitong nakatayo sa harap ng mga kabataan.

Napailing si Qaio Chu at winagayway ang kanyang kamay sa pagmamadali.

"Huwag mong isipin ang kahit ano. Ang inyong… Y… Young Miss ang nagdala sa amin dito. Kanina lang ay ngatataka ako kung bakit siya di nag dalawang isip pumunta dito noon marinig niya na ilan g mga tauhan ng Rui Lin Army ay muntik ng mapatay. Kaya pala kasi kapamilya…" Sabi ni Qiao Chu at ang huling mga sinabi nito ay pabulong na lamang.

Tumango si Long Qi bilang pagkilala, nan aka postura ng maayos.

"Kailangan mob a ng tulong?"Si Rong Heng na nakatayo lang sa gilid at tahimik na lumapit kay Jun Wu Xie. At habang papalapit siya dito, mas lalo siyang nakakasiguro na ito ang parehong Jun Xie na pumunta sa Qing Yun Clan.

Tumango si Jun Wu Xie. "Itaas moa ng kanyang mga braso at itulak mo ang mga sugat ng sabay-sabay."

Ginawa ni Rong Hen gang eksaktong sinabi nito.

Ang kawal na ginagamot ay sobrang tuwa dahil ang Young Miss pa mismo ang gumagamot sa kanyang mga sugat at ang maputlang mukha nito kanina ay napalitan n g mamula–mulang mukha. Sinubukan nyang tumayo ng tuwid at hindi gumagalaw na mukha, para hindi siya mag mukhang kawawa gaya ng kanyang nararamdaman.

Malinis ang pagagakugupit nito sa kanyang braso at malinis na sugat, mas madali niya maayos ang muntik ng matanggal na braso.

"Ang kakayanan ng Spirit Beast ay di hamak na nakakasugat." Biglang sambit ni Jun Xie.

Nawala ang taglay na namumulang mukha ng kawal.

Lahat na nakapalibot kay Jun Xie ay walang masabi, hindi rin nila alam ang isasahot sa sinabi nito.

Alam kaya nito ang sinabi niya?

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ng kawal, tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay at ipinunas ang mga kamay nyang may dugo sa malinis na damit ng kawal at tumayo siyang nakuntento sa ginawa.

Ang mga ekspresyon na nakapalibot sa kanya ay hindi maipaliwanag ang pagkabigla sa mga mukha nito…

 Bumalik na si Ye Sha at base sa obserbasyon niya, ang Guardian grade Spirit Beast ay wala ng balak bumalik at magpatuloy pa sa laban. Tumungo na sa kanlurang bahagi at hindi na muli pa itong bumalik.

Dahil sa ulat na ito, nakampante na si Long Qi.

"Hanapin niyo ang lokasyon ni Ning Xin at ng kanyang grupo."Utos ni Jun Wu Xie kay Ye Sha at bakas sa mga mata niya ang panganib.

Pumayag na siya nung una kay Fan Jin na patawarin si Ning Xin at Yin Yan sa unang pagkakataon. Ngunit hinahanap nito ang kanilang kamatayan,at inilapat ang kanilang matutulis na kuko sa Rui Lin Army.

Dahil ayaw nila tanggapin ang daan papuntang langit, dadalhin niya ito patungo sa impyerno.

Ang utos sa Rui Lin Army ay naibigay na sa kanya at pinoprotektahan niya ang mga ito.

Nagtangka siyang galawin ng kamay niya ang mga kawal kaya pagbabayaran niya ito ng kanyang buhay!

Ang mga salita ni Jun Wu Xie ay lumamig sa buong katawan ni Fan Jin at may nais syang sabihin ngunit nakita niya ang basang damit ni Long Qi dahil sa dugo nito at ng mga kawal niya. Sa nakita niyang ito, nanahimik na lang siya ng maayos.

Kung hindi dahil kay Jun Wu Xie at sa mga kasama nito sa tamang oras, marahil ay patay na mga katawan ang naabutan nila dito.

Ang mga kawal ng Rui Lin Army ay respetado kahit saan. At si Jun Xie ang Young Miss ng mismong Lin Palace. Kung meron itong rason para ipaghiuganti ang mga tao nito dahil sa panganib na naranasan ng mga kawal niya ay walang ibang makitang rason si Fan Jin para kontrahin pa ito.

avataravatar
Next chapter