496 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ning Xin, ano ang nangyari sainyong lahat?" tinungo ito ni Lu Wei Jie papunta sa kanila, bakas sa mukha nito ang pag-alala ngunit tinulak ito Ning Xin ng walang pasensya.

"Gusto ko ng bumalik!" Sabi ni Ning Xin na determinadong umalis at hindi pinansin ang pag-alala sa kanya ni Lu Wei Jie at di na pinansin ang mga nag-aalalang tanong, hila-hila niya si Yin Yan kasunod niya.

Nagtataka si Lu Wei Jie at ang ilang mga disipulo at walang kaalam alam sa tunay na nagyari.

Ang ilang kabataan ay napatanong rin: "Anong nagyari kay Senior Ning? Hindi pa tapos ang Spirit Hunt, bakit nagmamadali siyang umalis? Di ba sinabi niya sa atin na maghintay matapos ang mga tao para manakaw natin ang mga katawan nito?"

Sa gilid ay napahigpit ang mga labi ni Lu Wei Jie. Mas nainsulto siya sa ginawa nitong pagtulak at hindi lamang sina alang-alang ang kanyang mararamdaman.

"Hayaan niyo siyang umalis, manatili tayong maghintay dito." Marahang sabi ni Lu Wei Jie na bakas ang pagkadismaya.

Taglay nito ang matinding kapal na nakatago sa makapal na balahibo nito na nakabara sa lahat ng atake ngunit hindi nito maiwasan ang mga atakeng binabato sa kanya ng kalaban. Ang kanyang malakas na sigaw noon ay napalitan ng mahinang ungol dahil sa pagod na dala ng mga tinamong sugat at sakit. Nang mapagtanto nito na hindi na niya kayang labanan ang mga ito, nakapagdesisyon ang Guardian grade Spirit Beast na tumalikod at tumakbo patungo sa kung saan nakatayo si Long Qi at ang mga tauhan nito…

"Tuamakas" ang Guardian grade Spirit Beast na siyang ikinagulat ni Qiao Chu at ng mga taon g handa ng isugal ang kanilang buhay sa laban na ito. Tinitigan nila ang mga mata nitong nagugulat habang ang Guardian grade Spirit Beast ay binaba ang kanyang buntot mula sa puno, ang ilaw na lila mula sa Spiritual Powers ay siyang umiilaw pa ng maningning sakanilang mga palad.

"Bakit tumakbo bigla ito…" Kinamot ni Qiao Chu ang kanyang ulo dahil hindi niya maintindihan ang ginawa ng Guardian grade Spirit Beast. 

"Ang Guardian grade Spirit Beast ay nagtataglay ng mataas na katalinuhan at hindi nila hahayaang mamatay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban. Kung hindi ay wala na silang iba pang paraan para makatakas, sa laki nito maghahanap sila ng sitwasyon na maaring alternatibo." Ang huling taong sasali sa laban ay si Fan Jin, na nagpaliwanag habang humihingal. Subalit, ang mga mata nito ay may pag alinlangan na tingin kay Qiao Chu at sa iba pang kasama nito na nagtataglay ng lila na maliwanag, hindi niya pa tanggap sa isipan niya ang mga nakita niya.

Paano niya matanggap na apat na araw siyang nabubuhay kasama ang di kapani-paniwalang kabataan apat na Purple Spirit!?

Sila ang magigiting na ng Purple Spirit Exponents, ang tanyag na kapangyarihan!

Ang Guardian grade Spirit Beast na biglang umurong na nakita ni Jun Wu Xie at nagbabala ito: "Mag-ingat."

Kumislap si Ye Sha at nawala sa paningin nila.

Tumungo naman si Jun Wu Xie kasama ang Black Beast sa kinaroroonan ni Long Qi at ng mga kawal nito.

Nakita ni Long Qi at ng mga tao nito na paparating si Jun Wu Xie kaya agad na lumuhod ang mga ito. Nagamot ang mga sugat nila at naayos ng mabuti. Muntik na silang sumali ulit sa digmaan ngunit tapos na ito.

Si Rong Heng at ang dalawang disipulo nama'y respetong nakatayo sa gilid. Pagkatapos nitong lahat, may maganda silang ideya sa pagkakakilanlan ng mga kabataang ito bago sila. 

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pagluhod ng mga ito at dumiretso ito sa mga kawal na halos maputol na ang mga braso nito. Tumalon siya mula sa Black Beast para tingnan ang isang kawal na sugatan.

Biglang gustong tumayo ng kawal na mahina ang katawan nang makita niyang lalapitan siya ni Jun Wu Xie ngunit nahirapan siyang gumalaw.

"Binabati kita Young Miss.Patawarin mo ang huli kong pagbigay pugay saiyo."

"Clunk!" Tunog ng isang metal.

Ang espada ni Fan Jin ay binaba niya sa lupa sa gilid niya.

Si Qiao Chu at Fei Yan naman ay nanatiling nakatayo. Nakabuka ang mga bibig nito. Hindi man lang sila kumukurap. Para silang estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. Blanko ang kanilang mga isipan ng pinagmamasdan nila ang kalamadong si Jun Xie.

"Y…Young… Young Miss… N… ng… Rui… Lin… Army… Ang… Young Miss…" Lumangoy sa isipan si Fan Jin sa mga katagang iyon habang inuulit ulit nila ito ng walang katapusan. Hindi gumagana ang utak niya sa pagkakataong iyon.

"Babae si Jun Xie!?"

"BABAE si Jun Xie!!"

"Siya ang Young Miss ng RUI LIN ARMY!!?"

Lin Palace… Pamilyang Jun… Jun Xie…"

Nanginig ang buong katawan ni Fan Jin dahil sa mga rebelasyong ito!

avataravatar
Next chapter