495 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Huminga si Ning Xin at biglang sumigaw si Yin Yan.

"Tahimik!" Galit na tiningnan ni Ning Xin si Yin Yan na may tinuturo habang maputlang mukha nito. Tiningnan nito ang tinuturo at nang makita niya kung ano ito, parang kinidlatan ang kanyang puso sa nakita at tuluyan siyang hindi nakagalawa sa kanyang kina katayuan.

Isang mataas na anyo ang sumama kay Long Qi at sa mga kasama nito!

"Fan Jin! Di Fan Jin… buhay pa siya…" Hindi mapigilan ni Yin Yan na manginig ang buo nyang katawan. Bigla syang humawak sa balikat ni Ning Xin at sinabing: "Senior Ning, buhay pa si Fan Jin! At kasama nila si Jun Xie sa grupo nila!"

Ang mga katagang iyon ay biglang sumabog sa utak ni Ning Xin!

Tama iyon! Paano niya nakaligtaan ang posibilidad na pwede itong magsama? Nakalimutan niya na pwedeng mangyari ito dahil abala siya sa pagiging masaya na akala niya'y nahulog na sa patibong niya si Fan Jin!

Buhay si Fan Jin. Ibig sabihin, palpak ang kanilang planong ginawa. Dumating si Fan Jin pagkatapos ni Jun Xie at ang iba ay sinasabing magakakasama sila kanina pa…

Ang buong plano niya ay tuluyan ng natapos!

Tuluyang namutla na si Ning Xin dahil sa pag-aakalang makukuha niya si Jun Xie.

Kahit pa inutos niya na lahat ang mga plano niya kay Yin Yan pagdating sa Battle Spirit Forest, at ang pakay nilang ampon ng Headmaster na gusto nilang patayin at ang tanyag na ito ay napapalibutan ng mga disipulo ay nagawa nitong hindi sila nakampante. At para dagdagan yan, binigyan ni Ning Xin si Yin Yan ng konting kaalaman patungkol sa ama nitong pagbibigyang ang kanyang hiling kapag matapos na ang utos nito.

Ang planong ito ay matinik at hindi ito inaasahan nanmabigo ni Ning Xin.

Ngunit nandito si Fan Jin buhay na buhay!

Napakahusay na nakapangyarihang Purple Spirits, apat na Purple Spirits na magkakasama!

Nang mapagtanto niya ito, nanghina ang mga tuhod ni Ning Xin.

Tapos na. Sa pagkakataong ito, tapos na…

Hindi siya nag-aalala kung malaman ni Fan Jin ang kanyang paghihiganti matapos malaman ang katotohanan, pero hindi niya alam at lubos maisip paano niya sisimulang kalabanin ang mabagsik na si Jun Xie!

"Tara na! Kailangan natin bumalik agad!" Nakasandal si Ning Xin ng mariin sa puno at nahihirapan siyang umalis dito. Hindi niya na kayang hintayin tapusin ni Jun Xie at mga kasama nito pabagsakin ang Guardian grade Spirit Beast bago pa sila makatakas! Kung hihintayin pa nila ito, marahil ay di na sila makakaalis na buhay sa lugar na iyon…

"Ano!?'' Hindi makapaniwala si Yin Yan sa narinig!

Tinaas ni Ning Xin ang kanyang kamay at sinampalbsi Yin Yan ng malakas bago siya sumigaw: "Tanga ka ba!? Hihintayin mo pa bang tuluyang mapatay ang Guardian grade Spirit Beast at bigyan ng pagkakataong patayin nila tayo dahil bakante na ang mga kamay nila? Buhay pa si Fan Jin at lahat ng plano natin ay alam na! Kahit walang gawim si Fan Jin sa atin, paano si Jun Xie!? Hindi mo ba makita!? Halos lumabas na ang kanyang Yellow Spirit!! Alam mo ba kung ga ano kalakas at makapangyarihan ang kanyang Ring Spirits!? Kahit hindi tayo galawain ng mga kasama niyang may Purple Spirits, kayang-kaya tayong patayin ni Jun Xie na mag-isa lang siya!"

Nahimasmasan si Yin Yan at hinawakan ang umiinit niyang pisngi dahil sa sampal na natamo kay Ning Xin na galit na galit pa at nanggigil!

"Umalis na tayo ngayon! Balik sa Zephyr Academy! Nandun ang aking ama at kahit maghiganti sa akin si Jun Xie, kayang pigilan ito ng mga tauhan ng aking ama. Kung magtatagal pa tayo dito. Wala tayong ibang makikita kundi ang masaklap nating kapalaran." Ang mukha ngayon ni Ning Xin ay parang patay na dahil sa pagkaputla nito. Hindi siya kailanman nanaginip na ang paslit na gagamitin niya laban kay Fan Jin ay may ganoon ka lakas na pwedeng ikapahamak din ng kanyang buhay.

"Oo...oo…'' Tumango agad si Yin Yan habang ang katawam nito ay nanginginig pa.

Nagsuportahan ang dalawang ito para makatakas sa masukal na gubat. Si Lu Wei Jie at ang mga kasama nito ay naghintay sa buong pagkakataon at nakita nila bigla si Ning Xin at ang iba na pabalik at may mapuputlang pagmumukha.

avataravatar
Next chapter