494 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung hindi ito nakita ng mga mata nila mismo, walang maniniwala ni isa na kayang lumigtas sa mga atake ng Guardian grade Spirit Beast.

At ito ang nangyari sa nakita ni Ning Xin at ng kanyang mga kasama!

Nang nakita ni Ning Xin at ng mga kasama nito ang biglang pagsulpot ng dalawang anino, hindi nila aakalaim na ganito ang mangyayari.

Hinila ng Black Beast ang mga katawan ng mga kawal ng Rui Lin Army mula sa labanan at mabilisang pagkapanalo nito at isang aroganteng lalake na bastos na itrinato si Ning Xin at si Lu Wei Jie na hindi nag dalawang isip na lumuhod sa anyo na hindi nila makita!

Lumaki ang mga mata ni Ning Xin sa hindi kapani-paniwala na nangyayari!

Nang makita niya na ang klarong imahe nito, laking gulat nito at hindi agad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan!

Ang maliit na anyo na nakikita niya ay hindi ba si Jun Xie, na kanyang ginamit para ipahiya at daigin ang kumikinang na reputasyon nito!?

"Bakit siya…" Hindi makapaniwala si Ning Xin sa nakita. Pagkatapos niyang mamutla ay agad itong nanghina!

Pagkatapos iiwas ni Ning Xin si Long Qi at ang mga tauhan nito sa pangil ng kamatayan, bumalik agad ito sa Guardian grade Spirit Beast. At noong nakangiti pa siya sa galak at minaliit si Jun Xie, may mga anyo oang lumabas at tumalon ng sunod-sunod!

At nahilo siya sa mga nakitang ilaw na lila at nagulat siya sa mga makapangyarihang Purple Spirits ng mga ito!

"Imposible… Hindi ito posible…" Gulat ang tingin niya sa Guardian grade Spirit Beast na inaatake ng grupo ni Jun Xie at magagaling ang mga ito dahil na rin sa kakayanan nila at pagkakaisa. Nilingon niya bigla si Yin Yan, na manghang-mangha sa nakikita at sumigaw siya:

"Di ba sinabi mo sa akin na maliit ma ordinaryong itim na pusa lamang ang Ring Spirit ni Jun Xie? Ano itong dambuhalang itim na hayop ang nakikita ko!? At saan galing itong mga Purple Spirits na sumulpot!?"

Takot ang nakikita sa mata ni Yin Yan habang tinitingnan ang mga nagyayari. Nang narinig niya ang sigaw ni Ning Xin, natauhan ito ng konti at ramdam ang lamig sa buo niyang katawan habang nanginginig at tumigil: "Hindi… hindi ko alam… nakita ko talaga… ang Ring Spirit niya… ay isang munting pusang itim… yan… Black Beast… hindi ko pa nakita kailanman… yang Purple Spirits… yang Purple Spirit Users… Purple Spirits… hindi ko talaga alam…"

Gustong maiyak ni Yin Yan. Paano niya maipaliwanag ang biglaang pagbabago kay Jun Xie?

At ang nakakatakot pa nito ay mayroon siyang apat pa na kakampi na Purple Spirit Users!

Apat na Purple Spirits! Anong klaseng kalokohan ito!?

Ilang siglo nila di nakita ang pagkabuhay ng Purple Spirit at kahit may isa, sa lahat ng pagkakataon, ito ay isang hermitanyo at nabubuhay na sa mahabang panahon! Hindi ito posible sa mga kabataan!

Pero kahit ano pang kaimposiblehan ang iniisip nila, ang katotohanan na nakita ng kanilang mga mata ay hindi na mababago.

Lahat ng nakita nila ay talagang nangyari na!

"Bwisit!" Ningatngat ni Ning Xin ang kuko nya dahil sa pagkadismaya at matinding pagbabago ng matim nyang hangarin. Hindi niya pwedeng isisi lahay kay Yin Yan. Lahat ng inutusan niyang pagmasdan si Jun Xie ay pare-pareho sila ng ulat tungkol dito.

Sa nakikita nila sa lugar ng digmaan sa Battle Spriits Forest, lahat ng kaalaman nila kay Jun Xie ay hindi na nito mababago ang katotohanan.

Ang maliit na batang iyon ay ganung kakayahan pa lang hindi nila inaakala.

Laging nasa tabi nito ang Black Beast an hindi siya iniwan kahit saglit, kahit ang apat nitong kakampi na Purple Spirit User ay magagawa nitong lumikha ng ganung klaseng digmaan sa ilalim ng langit!

Hindi mabilang ni Ning Xin ang mga tumatakbong tanong sa kanyang isipan. Inaalala niya kung nakaharap niya itobsa Zephyr Academy. Pagkatapod niyang makita ang kakayahan at kapangyarihan nito sa digmaan, hindi niya ididikit ang kahit anino niya dito kahit anupaman ang magiging kapalit nito.

Kampante syang humhinga na ginagamit si Yin Yan para itulak kay Li Zi Mu para dalhin ang mga utos nito at hindi niya naisip si Jun Xie.

Mayroon pang tyansa, tyansa para ipanalo ito!

avataravatar
Next chapter