493 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa hindi mabilang na bote ng medisina, may ilang lunas para sa panlabas na katawan at elixirs naman na iniinom. Si Rong Heng at ang mga disipulo nito ay gumalaw agad ng mabilisan para ipamigay at ilagay ang mga medisina sa mga kawal mg Rui Lin Army sa ilalim ng utos ni Long Qi at mga puso nila ay mabilis na tumitibok dahil sa nararamdamang takot.

Hindi umiimik si Rong Heng kahit isang salita ay di nito magawa, ang takot na kanyang nararamdaman ay bagama't wala sa kilos, makikita naman ang di nito pag-alis sa kanyang mga mata.

Marahil hindi nakita at napansin ng dalawang disipulo ng Cloud Treading Peak ngunit nakita niya ito ng malinaw. Hindi ba ang batang iyon na nakasakay sa likod ng Black Beast ngayon ay siya mismong si Jun Xie na hinarap ang Qing Yun Clan?

Sa araw na natalo niya ang Qing Yun Clan, si Mu Chen na ang namuno sa lahat mg disipulo pababa mula sa Cloud Treading Peak patungo sa pinakababa mg bundok. Si Rong Heng at mga tauhan nito ay may mataas na respeto at tiwala para kay Mu Chen at hindi nila kwinestyon ang desisyon nito, ni isang beses. Alam lang nila ng mga oras na iyon ay may masamang nangyari sa Cloudy Peaks, maliban sa Cloud Treading Peak, lahat ng disipulo mula sa ibang peaks ay napatay lahat!

Hinanap ni Rong Heng sa buong lugar si Jun Xie, na natatakot para sa kaligtasan nitong may mabuting puso ngunit may malamig na mukha, na siyang gumawa ng medisina para sa kanyang kondisyon. Sa kabutihang palad, hindi niya nakita ang labi nito sa Cloudy Peaks. Ngunit kung nakita niya si Jun Xie at mataimtim niya itong ipagdarasal sa kanyang puso ang taong iyon ay nakaalis ng Cloudy Peaks, lugar kung saan nakatago ang di nasabing kapahamakan.

Hindi akalain ni Rong Heng na makikita niya si Jun Xie muli sa Battle Spirits Forest!

Ang ikinagulat niya pa ay ang hindi pagdalawang isip na pagluhod ni Long Qi dito at ang ibang kawal mula sa Rui Lin Army at alam niyang tinawag nilang Young Miss... si Jun Xie…

Sigurado siya dito… Si Young Miss ito…

Sa pansamatalang pagsunod niya kay Mu Chen na silbihan ang Lin Palace, alam ni Rong Heng na sumusunod lang ng utos ang Rui Lin Army mula sa parehong dugo sa pamilyang Jun. Jun Xian, Jun Qing,at isa pang tao na hindi nagpapakita sa kanila noon, ang kanilang Young Miss, Jun Wu Xie.

At si Long Qi at mga kawal nito ay tinatawag siyang Young Miss…

Jun Xie… Jun Wu Xie…

Hindi ba sila… iisa at pareho?

Hindi mabilang sa ulo ni Rong Heng ang tanong at pagkagulat sa mga rebelasyon. Ngunit napagtanto niya na hindi ito tamang oras para itanong ang mga iyon.

Ang Guardian grade Spirit Beast ay nasa kanila pa lang kanina at kailangan niya ng tulong para makaraos at gumaling sa maikling panahon ang mga kawal ng Rui Lin Army.

Ngunit, habang nanghihinahon si Rong Heng sa mga kagulat-gulat na pangyayari, napansin niya ang hawak niyang mga bote ng gamot, bigla namang nagulat ang kanyang puso!

Bilang disipulo ng Qing Yun Clan, taglay niya ang konting kaalaman sa medisina. Mabilis niya lang nakita ang mga medisinang ito ngunit alam niyang ang mga binigay ni Jun Xie na gamot ay kakaiba at walang bihirang, mahalagang gamot! 

Ang sugat na kita ang buto at laman nito ay nilagyan ng lumalamig na lunas at nang nailagay na ito ay agad itong huminto sa pagdurugo at naisara ang sugat. Ang mga kawal naman na nagsusuka ay agad huminto ng painumin sila ng mabangong elixirs!

Saan gawa ang mga gamot na ito?

Ang epekto ng mga ito ay mas mainam kaysa sa mga medisinamh makita niya noon sa Qing Yun Clan!

Nilagay at binigay niya kay Long Qi ang mga gamot at sa mga tauhan nito habang gusto niyang matigil ang pagkagulat niya sa mga nangayayari. Punong-puno mga bagay-bagay ang ulo ni Rong Heng sa mga nangyayari at nakikita.

Lahat ng bagay na ito ay tumatakbo pa sa kanyang isipan at wala man lang siyang masabi.

At tulad ng mga kawal na humanga at wala ding masabi.

Sa ilalim ng anino, ang mga kabataan ay matyagang naghihintay matapos ang laban para manakaw ang mga katawan. Matindi ang gulat sa kanilang mga isipan at sa mga nakikita nila!

Noong nakikita niyang natatalo si Long Qi at ang mga tauhan nito sa laban, at nakikita niyang dumadanak ang mga dugo nito sa sariling katawan, ay hindi matawaran ang ngiti mga labi ni Ning Xin. Nang inaakala niyang matatalo na si Long Qi at ang mga tauhan nito at mamamatay na dahil sa hindi pagbigay pugay at sa hindi magandang trato nito sa kanya ay biglang may biglang sumulpot na malaking dalawang anino na siyang winasak ang kanyang mga ninanais!

At ang natigil ang kanyang di matawarang ngiti at ang ekspresyon ng mukha nito unti-unting hindi na makapaniwala at gulat na gulat sa mga nakikita!

Si Long Qi at ang mga tauhan nito ay nailigtas!!

avataravatar
Next chapter