491 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong Porma (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Iyon ang dambuhalang Black Beast. Ginamit nito ang kanyang ulo sa katawan ni Long Qi bago pa ito bumagsak sa lupa. Pinulupot nito ang kanyang buntot sa katawan ni Long Qi at mula sa taas nilagay niya ito ng dahan-dahan sa maayos na lugar.

Ramdam ni Long Qi ang pang-appoy ng kanyang likod na akala mo'y nasusunog. Pilit siyang tumatayo ngunit nahihirapan siya habang nakatingin sa halimaw na sumagip sa kanya na siyang bumalik agad sa labanan ng mabilisan. Agad inipon nito ang mga kawal ng Rui Lin Army para iiwas.

Nang nakita ni Long Qi ng malapitan ang halimaw, nanigas agad siya!

Pamilyar ito sa paningin niya. Ilang beses na siyang sumunod sa parehong Black Beast, nakadikit ang tingin niya sa munting anyo na nasa likod nito, tiningnan niya ito at nakaupo ng tuwid ang mga likod nito!

"Kung ayaw mong mamatay, diyan ka lang." Rinig niya ang pamilyar na boses. Ang boses na ito ay malamig ngunit tila parang tubig sa batis na mainit at nakakaginhawa na siyang parang binalot ang kanyang buong katawan!

Tinungo niya ng tingin kung saan galing ang boses at lumuhod ang kanyang isang tuhod kahit nahihirapan siya at nasasaktan dahil sa mga sugat nito! Pinagmamalaki niya ang kanyang pagyuko at kanyang boses ay puno ng pag galang: "Malugod kong tinatanggap ang aming Young Miss!"

Ang boses niya ay may bahid na panginginig!

Dahil ito sa pag-alog ng kanyang emosyon, kasabay ng pananabik!

Tumayo ang maliit na anyo sa harap ni Long Qi. Kahit maliit ito at tila mahina, ang itsura ng taong ito ay nagbigay ng seguridad na pakiramdam kay Long Qi na hindi magagawa ninuman!

Ang anyo nito ay may kakaibang katangian na laging matatandaan, ang mukhang tila walang damdamin. Pero ang malamig na mukha nito ay nagbibigay ng pagkamangha sa ibang tao!

Habang nawawala ang boses ni Long Qi, bumalik na ang Black Beast matapos ipunin ang mga sugatang kawal ng Rui Lin Army at binaba ang mga ito sa lupa bago tumabi sa isang anyo.

Ang mga natakas na kawal ng Rui Lin Army mula sa mabagsik na labanan ay di pa rin makapaniwala sa biglang lumabas na Black Beast at sa gulat nila'y wala na silang nasabi!

Bilang miyembro ng Rui Lin Army, naatasan sila sa Lin Palace na pangalagaan ang kaligtasan ng tatlong henerasyon ng pamilyang Jun. Nang mangyari ang patayan sa Imperial CIty, agad nilang sinundan si Long Qi para kunin ang mga opisyales at masaksihan ang munting dalaga na desedido at matibay na siyang ikinatagumpay noong araw!

At sa mga ala-alang iyon,ang mapanganib at dakilang Black Beast ay naroon din, tulad ng nakita pa lang nila, eksaktong pareho!

Sa pagkakataong ito, lumuhod ang kanilang heneral sa harap nila at ang maliit na anyo ay nakita nila. Kakaiba man ngunit pamilyar.

Hindi nila matandaan kailan nila ito nakita noon, pero ang mga nito ay isa pang namumukhaan nila. Nanlalamig sila ng maramdaman nila ang presesyang ito. At sa isip nila ay namangha ang mga itp ng napagtanto nila!

"Young Miss!" Hindi alintana ang sakit sa mga katawan ng Rui Lin Army, nanginginig silang lumuhod dito at pati ang kanilang boses ay nanginginig din sa pananabik!

Sa ilalim ng malawak na kalangitan tatlong tao lamang ang niluluhudan ng mga kawal ng Rui Lin Army bilang pagbigay ng galang. Tatlo lamang.

Duke Jun Xian, ang kataas-taasang Jun Qing at ang isa pang tao. Ang Young Miss ng Lin Palace Jun Wu Xie!

At siya lamang ang taong kayang kontrolin ang nakakatakot na halimaw!

Maaring umiba ang mukha nito, umiba ang damit, ngunit hindi magkakamali ang mga kawal sa anyong nakita nila. Sa harapan nila nakatayo ito kasama ang Black Beast ay nag-iisang Dyosa sa mga puso nila. Jun Wu Xie!

Ang natatanging tao, na para sa Lin Palace, at para sa Rui Lin Army na kayang gumawa ng milagro mag-isa!

Subalit, ang maliit na anyong ito ay hindi pinansin ang pagluhod ng mga 'to o bigyan sila ng pagpapalang sagot. Agad itong tumalon sa likod ng Black Beast bago pa man nila ito tingnan ulit, itinapon nito ang sampung gamot at elixirs, at dumistansya na kasama ang Black Beast patungo sa Guardian Graden Spirit Beast na muntik ng kunin ang buhay ni Long Qi at ng mga tauhan nito!

avataravatar
Next chapter