503 Sunod-sunod Na Sampal-Ikaapat Na Porma (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis tumakas ang dalawang iyon at iniwan ang kanilang grupo ng mabilisan. Sinadya nila itong gawin para gawin itong paraan ng kanilang pagtakas at nagbabakasakaling ang walang awa at matulis na paghihiganti nito ay uunahin ang mga ulo ng kanilang kasama bago pa sila habulin.

Matalino ang hakbang na ito, gamitin ang ibang tao habang tumakas sila sa galit na mga kawal ng Rui Lin Army.

Ngunit masama ito kung iisipin. Iiwan ang buong grupo ng ganun kadali para isalba ang kanilang mga sarili.

Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kilay at hindi siya nagbigay ng reaksyon sa mga sandaling iyon.

Umigting ang nerbyos ni Fan Jin dahil sa tahimik na reaksyon ni Jun Wu Xie at malalakas na kabog ng dibdib ng mga disipulo dahil naiisip na din nila ang kamatayan.

Nang marinig nila ang pagtawag ni Fan Jin kay Long Qi na "Heneral Long", alam ng mga kabataan na mataas ang posisyon ng taong ito. Hindi sila espesyal na mga tao gaya ng sinasabi ng iba ngunit mga ordinaryong taong may pagkakakilanlab 

Heneral…

Ito ang tawag sa sa komander sa army!

Matinding sakit pa rin ang nararamdaman ni Lu Wei Jie mula sa pagkasipa sa kanya at puno ng takot pa rin siyang nakatingin kay Long Qi.

Alam niyang mas higit pa ang kakayahan ni Long Qi at ng mga tao niya kaysa sa mga pinapakita nito, pero hindi niya aakalain na sa army ang mga pinanggalingan nito. Kahit saang galing bansa pa nagmulabang mga ito, ang isang komander ay may sapat na rason at kakayahang kitilin ang isang buhay ng tao. Dahil sa planong muntik at pwedeng ikamatay ng komander, hindi ito ordinaryong pagkakamali na papatawarin lang ng Zephyr Academy at hindi rin ito pagtatakpan!

Sa nakakatakot na mga sandaling ito, hiling ni Lu Wei Jie na mahuli agad si Ning Xin at kaladkarin pabalik dito at bigyan niya ito ng dalawang malutong na sapak. Kung hindi siya inuuto ni Ning Xin palagi, hindi sana siya pumayag sa maiitim na mga plano nito dahil mas lalo pa siyang napahamak. At kung inabot ng kamalasan na ay tatakas na ito at iiwan sa mga nakakapangilabot na mga kawal na ito!

Habang tinitingnan niya ang kumikinang na espada sa harapan niya ay nagsisimulang magkaroo ng balak sa puso niya na patayin si Ning Xin.

Sa kabutihang palad, pinigilan ito ni Fan Jin ngunit kung titingnan ang mukha ni Heneral Long ay bakas dito ang pagsalungat sa mga sinabi nito, hindi na masyadong umasa si Ku Wei Jie. Ngunit nakita niya na lumingon ito sa maliit na anyo at tinitingnan nito ang mga mata at naghihingi ng opinyon.

Sinundan ng tingin ni Lu Wei Jie ang tingin nito at nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya na ang batang ito isang beses noon. Bago pa sila pumasok sa Battle Spirits Forest, tinuturo na ito ni Ning Xin sa kanya, na sinabi nitong ang batang ito ay may kakayahang tawagin lahat ng sumpa at hamakin sa salita ang mga disipulo mula sa Zephyr Academy.

Bilang pumapangalawa sa huling Spirit Battle Tournament, hindi isinaalang-alang ni Lu Wei Jie ang presensya ng batang ito. At tungkol naman sa mga sumpa nito, may naririnig na siya patungkol dito, pero hinayaan niya ito at ayaw niyang maabala dahil lang dito. Pero dahil sa pagpupumilit ni Ning Xin na gawing malaking bagay ito, ngayon niya lang napagtanto kung bakit matindi ang galit niya dito. Ang taong hindi niya pa nakita na may mga batas ng nagawa sa Zephyr Academy.

At hindi niya lubos maisip na ang kanyang kapalaran, maging buhay man o patay, ay mapapa sa kamay ng batang ito.

At sa sa nakikita niya sa mga mata ni Long Qi na isang tango lang ni Jun Wu Xie ay agad ng maghihiwalay ang ulo niya sa mismong katawan din niya!

Hindi niya maisip ang rason kung bakit ang makapangyarihang "Heneral Long" ay hihingi ng opinyon sa batang ito.

Pero alam niyang nakasasalay kay Jun Wu Xie ang kanyang buhay sa mga oras na ito.

Nawala ang kanyang pagmamayabang at wala na siyang pakialam sa sakit na nararamdaman ng kanyang katawan. Pinilit niyang umupo ng maayos at puno ng takot at kaba ang kanyang mga mata para magmakaawa kay Jun Wu Xie: "Jun Xie! Ikaw si Jun Xie, di ba!? Nagmamakaawa ako sa'yo! Iligtas mo ang buhay ko kahit ngayon lang. Sisiguraduhin kong babawi ako sa nangyaring ito! Itong insidente… itong insidentena hindi namin ginusto. Si Ning Xin! Si Ning Xin, ang walanghiyang babaeng iyon! Siya ang nagplano ng lahat ng ito! Binigyan niya ng utos si Yin Yan para akitin ang Guardian grade Spirit Beast dito! Siya lang ang may mapa ng mga rehiyon dito. Hindi nga namin alam kung nasaan ba talaga ang silid Guardian grade Spirit Beast!"

avataravatar
Next chapter