462 Sunod-sunod na Sampal - unang uri (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang unang mapagtagumpayan ni Jun Wu Xie ang pagpapalakas sa kaniyang spiritual power, sinila niya ang Soaring Serpent. Naging sobrang hirap noon para sa kaniya at pinaghandaan niya iyon. Nasa tabi niya si Drunk Lotus para gabayan siya.

Matapos isara ang Spirit Prison, huminga ng malalim si Jun Wu Xie. Katulad ng ginawa niya nong una, pinihit niya ang ibabaw ng Spirit Prison at pinikit ang kaniyang mga mata, hinihigop niya ang espiritu na lumalabas sa Spirit Prison at papasok sa kaniyang katawan.

Ngunit ngayon ang paghigop ng espiritu ay mas madali kumpara nong una. Sinila ni Jun Wu Xie ang Silver Wolf at naramdaman ang kapangyarihan nitong lumulukob sa kaniyang buong katawan.

Madali lang ang naging proseso na nakapagpaalala kay Jun Wu Xie. Nunca at nalaman niyang ang nasa ika-limang baitang na Silver Wolf ay hindi maikukumpara sa Soaring Serpent.

Noong silain niya ang Soaring Serpent, kung wala si Jun Wu Yao ay baka naging imposibleng tuluyan niyang masila ang Soaring Serpent. Kaya naman pagkatapos ni Jun Wu Xie na mapagtagumpayan silain iyon, madali na lang sa kaniya ang sumila ng nasa ika-limang baitang na ring spirit.

Inabot lang ng halos dalawang oras si Jun Wu Xie para tuluyang mahigop ang espiritu ng Silver Wolf. Pagkatapos niya itong tuluyang masila, isang dilaw na ilaw ang bumalot sa katawan ni Jun Wu Xie. Ang liwanag niyon ay tumagos sa mga dahon at nilukob ang buong lugar ng liwanag nito!

Naghihintay sina Qiao Chu sa ilalim ng puno nang makaramdam sila ng bugso ng spiritual power. Nag-angat sila ng tingin at nagulat nang makakita ng dilaw na liwanag na umiilaw galing sa likod ng mga dahon.

"Yellow spirit...naabot na ni Little Xie ang yellow spirit level ng ganon kabilis!" Nanlalaki ang mga mata ni Qiao Chu. Kung tama siya ng pagkakaalala, si Jun Xie ay labing-apat na taong gulang pa lang at kakagising lang ng ring spirit nito. At ngayon, nakaabot na ito sa yellow spirit sa loob ng saglit na panahon?

Kahit na sina Qiao Chu at ang mga kasamahan nito ay kayang maglabas ng kakayahan ng katulad sa purple spirit, ang epekto noon ay pansamantala lang. Sa katanuyan ay ginamit nila ang paraan na ginagamit sa Middle Realm para makamit ang kapangyarihan ng purple spirit sa saglit na panahon. Lubos silang nasurpresa sa bilis ng pagtaas ng kapangyarihan ni Jun Xie.

Halos di na makapagsalita ang mga tao nang malaman nilang isang labing-apat na taong gulang na bata ay narating na ang orange level spirit, kung malaman pa nilang si Jun Xie ay nasa yellow level na ngayon...

Napalunok si Qiao Chu nang kaniyang lingunin ang natatanging "normal" Sa kanila---si Fan Jin.

Bakas ang gulat at pagkabigla sa mukha ni Fan Jin. Laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata nito. Para silang mga estatwang nakatingala.

Si Fan Jin ay may angking talento din. Nagawa nitong makaabot ng yellow level sa edad na labingpitong taong gulang at kinonsidera na itong pinagpala. Si Jun Xie na mas bata ay halos kasing-lakas na ng spiritual power nito. Hindi niya iyon matatawag na pinagpala, halimaw nang matatawag iyon!

Parang naapakan ang kumpiyansa sa sarili ni Fan Jin!

Ilang sandali lang ay bumaba na si Drunk Lotus kasama si Jun Wu Xie. nililipad ang roba nito na animo'y isa itong anghel na bumaba sa lupa.

Bumalik na si Jun Xie at Drunk Lotus, ngunit ang Silver Wolf na dala ni Drunk Lotus ay wala. Inisip na lang nina Qiao Chu na bumalik na ang Silver Wolf sa Spirit World at hindi na nagtanong pa.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Qiao Chu, pagkatapos ay sinipa ang katawan ng patay nang si Li Zi Mu. Nakita ng ibang kabataan na umalis si Li Zi Mu kasama si Jun Xie at Fan Jin. Kung may makakakita nito dito, mahihirapan silang magpaliwanag.

"Iwan niyo siya." Saad ni Jun Xie nang sulyapan nito ang bangkay saka nagpatuloy: "Narito tayo para mangaso ng Spirit Beast, at siguradong ang mga Spirit Beast ay lalaban."

avataravatar
Next chapter