461 Sunod-sunod na Sampal - unang uri (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang dumamba ang black beast, tumalon palayo kay Li Zi Mu sina Hua Yao at Qiao Chu. Hindi man lang napansin ng sumisigaw na si Li Zi Mu ang black beast, pinako siya nito sa lupa. Bumuka ang bibig ng black beast at kinagat ang leeg ni Li Zi Mu. Narinig ang malakas na pagnguya nito at natigil ang pagsigaw!

Tumulo ang dugo sa mga pangil ng black beast at kumalat sa lapag.

"Gusto mo pa din ito?" Tanong ni Drunk Lotus na hawak ang Silver Wolf nang ito ay Humarap kay Jun Wu Xie. Patay na si Li Zi Mu at di magtatagal ay maglalaho na ang Silver Wolf pabalik sa Spirit World. Kung gustong gamitin ni Jun Wu Xie ang Silver Wolf para palakasin pa ang kaniyang spiritual power, kailangan nitong bilisan.

Tumango si Jun Wu Xie at isinabit naman ni Drunk Lotus ang wine jar sa tagiliran nito. Pumaikot ang kamay nito sa bewang ni Jun Wu Xie at mabilis na umakyat sa pinakamataas na puno. Agad itong naglaho sa paningin ng lahat at nakatago sa makakapal na sanga at mga dahon.

Pinakawalan na ng black beast ang leeg ni Li Zi Mu at umupo sa ilalim ng puno, dinidilaan nito ang duguan nitong kuko.

Mabilis ang mga pangyayari at hindi na nagkaroon ng panahon si Fan Jin na makapagsalita. Nakatayo lang ito sa isang tabi at blankong nakatitig sa nakaupong Black beast.

Ang buong akala niya ay ordinaryong itim na pusa lang ang ring spirit ni Jun Wu Xie at walang kakayahan sa pakikipaglaban. Nang nagpalit anyo ang itim na pusa sa pagiging black beast, siya ay gulat na gulat at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan!

Nasa anong antas ang isang ring spirit para ito ay makapagpalit ng anyo? Hindi na siya nangahas na isipin pa iyon.

Sa oras na iyon, napagtanto ni Fan Jin na wala siyang kaalam-alam tungkol kay Jun Wu Xie. Ang lakas nito, ang ring spirit, at ang husay nito sa Medisina...

"Ano ang ginagawa ni Little Xie?" Tiningala ni Qiao Chu ang mga puno. Ngunit Mukhang mahusay ang pagkakatago ni Drunk Lotus dahil hindi niya makita ang mga ito kahit na ang mga anino man lang.

Nagkibit-balikat lang ang kanilang mga samahan, hindi na nila pinakialaman kung ano ang balak ni Jun Wu Xie.

"Natakot ka ba ng sobra?" Lumakad si Hua Yao patungo sa tabi ni Fan Jin. Tinapik-tapik niya ang balikat nito para kalmahin ito. Naranasan niya na rin ang kasalukuyang nararanasan ni Fan Jin.

Tumango ng sunod-sunod si Fan Jin, hindi ito makapagsalita.

Ang katawan ni Li Zi Mu ay nasa ilalim pa rin ng puno, ang leeg nito ay binali ng black beast. Naglalawa ang dugo sa palibot nito.

"Gulat na gulat ba talaga siya?" Bulong ni Qiao Chu kay Rong Ruo. Mahin ang boses nito, iniingatang hindi marinig ni Fan Jin.

Mahin namang tumawa si Rong Ruo: "Kapag nakita mo ang isang maliit na kuneho na naging isang malaking lobo, kakailanganin mo rin ng panahon para maisip na totoo iyon."

Kung titignan ang katawan ni Jun Wu Xie at ang edad nito, iisipin mong hindi nito kakayanin manakit. Ngunit sa katotohanan, kapag ginalit ang maliit na kunehong ito, mapapahiya ang mga matatapang na halimaw sa bangis nito.

Ganong-ganon ang reaksyon ni Fan Jin. Ito ang laging pumoprotekta kay Jun Wu Xie at plano nitong ipagpatuloy iyon sa panahong sila ay nasa Battle Spirits Forest. Ngunit...ang taong kaniyang pinoprotektahan...ay mukhang mas mabangis pa kaysa sa kaniya...

Bukod sa naabot na ni Jun Wu Xie ang orange level spirit, ang black beast lang ay hindi na kakayanin ng mga tao. Hindi pa kasali ang white robed na bata...

Parang tumigil sa pagtibok ng ilang sandali ang puso ni Fan Jin...

Ang pagkakaalam niya ay siya ang magiging taga-protekta ni Jun Wu Xie!

Sa taas naman ng puno, inilagay ni Drunk Lotus si Jun Wu Xie sa isang malapad na sanga para ito ay makaupo na nakapagkrus ang mga binti---meditation pose, habang hawak siya naman ay hawak ang Silver Wolf sa isang tabi.

Kahapon lang nang tuluyang magamot ni Jun Wu Xie ang Snow Lotus, dahil doon kaya narito si Drunk Lotus ngayon.

"Paano gamitin ito?" Inalog ni Drunk Lotus ang Silver Wolf nang mapansin nitong ang puti na lang ng mata ng Silver Wolf ang nakikita sa mga mata nito. Kahit na alam niyang kailangang sumila ni Jun Wu Xie ng isang ring spirit para mas lumakas pa ang spiritual power nito, wala siyang alam kung paano niya gagawin iyon.

Nilabas ni Jun Wu Xie ang Spirit Prison sa cosmos bag at pinihit ito. Maya-maya lang ay parang may hindi makitang pwersa ang humahatak sa Silver Wolf na hawak ni Drunk Lotus. Unti-unti itong hinihigop papasok sa kristal.

avataravatar
Next chapter