473 Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kagustuhan nitong iligtas ang sarili, sinabi ng bata ang lahat ng kaniyang nalalaman.

Bago dumating ang araw ng Spirit Hunt, lumapit sa kanila si Yin Yan. Ang grupo ay kinabibilangan ng seniors na galing sa Beast Spirit at Weapon Spirit faculties. Ang sariling kapangyarihan ng bawat isa ay maaaring hindi ang pinakamagaling, ngunit ang ring spirits ng mga ito ay may espesyal na abilidad. Kagaya na lang ng unang batang umatake na mayroong weapon spirit. Kung hindi dahil sa pagsali ni Fei Yan, matagumpay sanang naisagawa ng mga ito ang kanilang plano.

Ginamit ni Yin Yan ang kaniyang posisyon bilang disipulo ng Spirit Healer faculty para pangakuan ang mga disipulong iyon ng pabuya. Nagpahiwatig din ito na oras na matagumpay nilang mapapatay si Fan Jin, magiging sigurado ang posisyon ng mga ito sa Zephyr Academy.

"Alam ng lahat na malapit si Yin Yan kay Senior Ning at si Senior Ning ang anak ng Vice Headmaster. Kaya ang mga salita ni Yin Yan ay para na ring salita ni Senior Ning. Kami...kami ay nabulag! Senior Fan! Pakiusap, palayain mo ako ngayon. Hindi na Ako mangangahas na gawin ulit iyon." Pagmamakaawa ng disipulo. Kung hindi nila naisip na masasandalan nila si Senior Ning, hindi sila papayag sa sinabing iyon ni Yin Yan.

Wag pang kakalimutan na si Fan Jin ay ang inampon ng Headmaster!

"Ning Xin...Paanong...Paanong posibleng maging siya?" Nang marinig ni Fan Jin na nabanggit ang pangalan ni Ning Xin, tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha at napaatras siya dahil sa sobrang gulat. Hindi niya matanggap ang sinabi ng bata.

Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Fan Jin at humarap sa bata at nagtanong: "Bukod sa inyong narito, may iba pa ba?"

Agad naman itong umiling ng sunod-sunod: "Wala na! Wala nang iba! Sinabi saamin ni Yin Yan na piplitin niyang makasali ka sa Spirit Hunt kasama si Senior Fan. At kapag nahila-hila si Senior Fan ng mga walang kwentang disipulo...mapapadali kami ng gawin ang pinag-utos saamin." Tumingin ang bata kay Jun Wu Xie at takot na inilahad iyon.

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Fan Jin. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa disipulo.

Kung totoo ang sinabi ng bata, na intensyon ni Yin Yan na pilitin si Jun Xie na makasali sa Spirit Hunt, ibig sabihin non ang mga taong pumasok sa bamboo grove para isumpa at pagsalitaan ng masama si Jun Xie ay pinamunuan din ni Yin Yan?

Isang rebelasyon ang nabuo sa isip ni Fan Jin. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit angg dalawang kamay, habang pinagpapawisan siya ng malamig.

Kung ang mga tusong sabi-sabi na kumakalat patungkol kay Jun Wu Xie ay dahil siya ay mentor ni Jun Xie, at pinupuntirya ng mga ito si Jun Xie dahil sa kaniya...

Ibig sabihin hindi talaga si Jun Xie ang puntirya ng mga ito, sa halip ay siya! Siya ang naghila kay Jun Xie na masali sa gulong ito!

Ang realisasyong iyon ay ikinahilo ni Fan Jin.

Ilang sandali ng hindi makapagsalita sa Fan Jin at nagtanong pa ng ilang katanungan si Jun Wu Xie sa lalaki. Matapos masigurong wala nang impormasyon makukuha sa batang ito, tinignan ni Jun Xie si Qiao Chu.

Bago pa magmakaawa ng muli ang lalaki, agad nang pinutol ni Qiao Chu ang ulo nnito.

Matapos makitang natumba ang walang buhay na katawan nito, bakas sa mga mata ni Fan Jin na ito ay naguguluhan pa rin sa mga pangyayari. Tumingala siya saka humarap kay Jun Xie. "Little Xie, alam mong patibong lang ang lahat ng ito?"

Tumango si Jun Wu Xie.

"Simula noong dumating ang duguan disipulo, alam mo na?" Tumitig si Fan Jin kay Jun Xie.

"Imposible para sa isang labing pito o labing-walong taong gulang ang manatili sa branch division." Kalmado ng sagot ni Jun Wu Xie. Ang arte ng duguang disipulo na 'yon ay maaaring kapanipaniwala ngunit ang edad nito ang nagbuko sa kaniya. At ang katotohanang nakilala ng isang disipulo na galing branch division si Fan Jin sa unang tingin lang ay kaduda-duda.

avataravatar
Next chapter