471 Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino kayo?" Naunawaan na ni Fan Jin ang lahat. Pumasok na sa kaniyang isipan ang intensyon ng grupong ito.

Ngunit hindi niya inaasahang mayroong gustong pumatay sa kaniya!

"Kami angg mga taong narito para patayin ka." Malamig na tumawa ang lider ng grupo. Isa-isa nitong tinignan sina Jun Xie at ang mga kasama ni Fan Jin.

"Kung kayo ay galing sa branch division at ayaw niyong mamatay, umalis na kayo. Kung mangangahas kayong magsumbong ng nangyari dito, hindi ko kayo titigilan!

Nagpalitan ng mga tingin sina Qiao Chu at ang mga kasamahan nito. Pinatunog ni Qiao Chu ang kaniyang leeg at nagtanong kay Jun Xie: "Paano 'to?"

Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. "Patayin."

"Roger!"

Pinangunahan na ni Qiao Chu ang paggalaw, habang si Hua Yao, Fei Yan at Rong Ruo ay sumunod sa kaniyang likuran.

Malakas na pinatunog ni Qiao Chu ang kaniyang mga buto sa kamay at nag-inat ng kaniyang leeg. "Pasensya na. Pero walang aalis at ayaw din naming mamatay ngayon. Pwede kayong makapili kung kusa niyong ibinigay ang katawan niyo at hahayaan naming buo iyon pagkatapos."

Hindi inaasahan ng lider ng kabataan na magiging ganoon kaaroganteng magsalita ang isang galing lang din sa branch division. Saglit siyang natigilan bago tumawa ng malakas.

"Isa lang kayong mga basura! Wag masyadong mataas ang tingin niyo sa sarili niyo!"

Ang silver flash ng kidlat ay napakabilis at hindi nila namalayan kung saan galing iyon. Hindi nila naintindihan ang pagkakatakas ni Fan Jin ay akala nila gawa mismo ni Fan Jin.

"Little Xie, may ititira ba taong buhay?" Tanong ni Qiao Chu. Hindi siya gaanong Interesado sa grupo ng kabataang mamaya ay tatakasan na ng buhay.

"Isa." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Walang problema!" Malapad na ngumiti si Qiao Chu. Bago pa man makagalaw o makapagsalita ang mga kabataan, sila ay kumilos na. Parang kidlat sa bilis ang kanilang galaw at halos hindi na sila makita.

Ang mga kabataang puno ng yabang kanina ay nakitang biglang naglaho ang apat na tao sa kanilang harapan. Nagkapira-piraso ang kanilang pagkatao ito at bago pa man nila mapagtanto ang nangyayari nasa tabi na ng lider ng grupo si Fei Yan. Ang mabigat na kamao ni Fei Yan ay sumuntok sa guluguran ng lider!

Isang nakakatindig balahibong tunog ng nadudurog na buto ang umalingawngaw!

Umungol naman ang lider. Nahati sa dalawa ang gulugod ng lider. Marami ring dugo ang lumabas sa bibig nito.

"Ititira ka naming buhay." Saad ni Fei Yan ng nakangiti. Sinipa nito ang isa pang bata na lalapit sana sa lider upang ito ay tulungan.

Ang tunog ng nadudurog na buto ay muling umalingawngaw. Sunod na gumalaw ang tatlo. Matulin ang galaw ng mga ito at halos hindi ito makita. Makalipas ang ilang segundo, halos kalahati na lang ang natira sa mga ito!

Wala ni isa sa mga ito ang aakalaing may ganong kakayahan ang apat na itong galing sa branch division. Sa ilalim lang ng kamay ni Qiao Chu at ng mga kasama nito, walang nagawa ang dalawampung iyon!

Ang unang bata na binalian ng buto ni Fei Yan ay namamaluktot sa lupa, gulat na gulat ito sa nangyayaring madugong pagpaslang sa mga kasama niya. Nakita niyang isa-isang pinapatay ang kaniyang kasamahan na animo'y si kamatayan ang kaniyang nakikita at kinukuha ang mga buhay nito!

Ang apat na disipulong ito na galing sa branch division, anong klaseng halimaw ang mga ito!?

Paanong napakalakas nila!?

Ang buong pag-aalala nila, na sa lahat ng miyembro ng "pinakamahinang grupo" kasama si Jun Xie, tanging si Fan Jin lang ang mahirap kalabanin. Ngunit ang madugong katotohanang nasa kaniyang harapan ay sinampal siya, patunay kung gaano talaga kalakas ang mga ito!

avataravatar
Next chapter