509 Sunod-sunod na Sampal - Ikaapat na Porma (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Totoo bang ginawa niyo iyon?" Nanginginig sag alit si Nangong Xu, ang mag batang ito ay nagkamaling pagtangkaan ang Cloud Treading Peak at pati na rin ang Rui Lin Army. Ang mga hangal na ito ay gumawa ng isang malaking gulo!

Alam ba ng mga batang ito kung ano ang ibinibigay na atensiyon ng pinuno ng Zephyr Academy oara lamang mahanap si Mu Chen at ang mga hangal ay pinagtangkaan pang patayin ang mga disipulo ni Mu Chen!

Hindi kaya dahil sa insidenteng ito ay kalabanin na din sila ni Mu Chen?!

Sa sobrang takot ni Lu Wei Jie, wala ng kulay ang mababakas sa mukha niya. Nang maintindihan niya nang si General Long ay kabilang ng Rui Lin Army, dahan-dahan siyang umatras palikod at nadapa dahil sa takot, gusto niya nang umiyak at sumigaw ngunit nanatiling nakaestatwa.

"Teacher Nangong! Hindi ako ang pasimuno ng lahat ng ito, si Ning Xin! Si Ning Xin ang may gusto na ipapatay silang lahat sa Guardian grade Spirit Beast. Ako lang ang ginawa nilang pain!" Sigaw na pagmamakaawa ni Lu Wei Jie!

Mas lalong lumalaki ang gulo at hindi niya na kayang solohin ito.

Nang marinig aang pangalan ni Ning Xin, mas lalong mautla si Nangong Xu.

"Siya ang may pakana ng lahat! Alam niyang si Heneral Long at ang mga kasamahan nito ay may taglay na angking kakayahan, ginamit niya ang mapa na hawak niya kapalit ang mga matataas na antas ng spirit stones na mayroon sila Heneral Long. Hindi pumayag si Heneral Long at dahil na rin sa pagkapahiya kung kaya naman pinagplanuhan niyang patayin si Heneral Long at ang mga kasamahan nito. ANg lahat ng ito ay kagagawan ni Ning Xin. Siya lahat!" Dahil sa takot ni Lu Wei Jie, hindi na siya halos makapagsalita ng diretso, at lahat ay isinisi kay Ning Xin.

SI Ning Xin ay walang puso kaya hindi masisisi si Lu Wei Jie kung hindi ito naging matapat sa kay Ning Xin.

Gusto ni Nangong Xu na hindi paniwalaan ang kwento ni Lu Wei Jie ngunit naalala niya na kanina lamang, nakita ng mga guro ang ilaw ng senyales ng paghingi ng tulong ni Ning Xin hindi kalayuan sa kung nasaan sila kasalukuyan. At nang inihayag ni Ning Xin at Yin Yan ang boluntariyong pagsuko sa paligsahan ng Spirit Hunt na siyang pinagtakahan ng mga guro, at kahit si Nangong Xu ay nanghinayang sa pagbitis nila.

Ngayong narinig niya ang kwento ni Lu Wei Jie, naiintindihan niya na ang maagang pagbitiw ng dalawa sa paligsahan.

"Malinaw nab a ang lahat sa iyo ngayon?" tanong ni Long Qi. "Hinayaan mo ang mga disipulo niyo na magtangkang pumatay at magnakaw at ang mga guro niyo ay naging kasangkapan sa kasamaang ito sa pag-atake sa mga mandirigma ng Rui Lin Army. Dahil dito, ang Rui Lin Army ay siguradong pananagutin ang Zephyr Academy!"

Dagdag pa ni Rong Heng "ang insidenteng ito ay makakarating kay Master Mu Chen pagbalik ko at hahayaan kong humanap ng hustisya an gaming pinunon para sa amin!"

Nanghina ang dalawang paa ni Nangong Xu. Ang kapita-pitagang Rui Lin Army at ang tinitingalang si Mu Chen… Kahit pa hindi magpadala ng madirigma laban sa Zephyr Academy ang Rui Lin Army at si Mu Chen, ang balita lamang ng insidenteng ito, na ang Zephyr Academy ay papatay para lamang sa mga bato ay isang malaking kasiraan ng iniingatang pangalan ng Zephyr Academy. Ang pinakaiingatang reputasyon ng Zephyr Academy ay maduduruog sa maliliit na piraso!

"Nagmamakaawa ako sa inyong dalawa! Ang insidenteng ito ay dahil sa kakulangan ng disiplina ng mga disipulo ng Zephyr Academy! Sa ngalan ng Zephyr Academy, humihingi ako ng kaunting panahon upang mabigyan ng aksyon ito. Kinokondena ng Zephyr Academy ang mga kilos na ito ng mga disipulo!" Para maprotektahan ang pangalan ng Zephyr Academy, walang ibang magawa si Nangong Xu kung hindi ang humingi ng dispensa. Hindi niya pwedeng hayaan na lumaki pa ang gulo. Kung hindi ito maayos agad, ang iniingatang pangalan ng Zephyr Academy ay masisira ng ganoon lang!

"Sige, bibigyan namin ng pagkakataong makapagpaliwanag ang Zephyr Academy sa insidenteng ito. Pero kung babalewalain lang ito ng Zephyr Academy, kami na mismo ang kikilos para makamit ang hustisiya. Sana ay hindi kami biguin ng Zephyr Academy." Saad ni Long Qi.

"Oo." Sang-ayon ni Nangong Xu, pinunasan niya ang malamig na pawis na naglalandas sa kaniyang mukha. Malaki ang mawawala sa Zephyr Academy dahil sa nangyari, kung kaya hindi na siya makapaghintay na bumalik sa Zephyr Academy upang maiparating it okay Fan Qi, ang pinuno ng Zephyr Academy.

avataravatar
Next chapter