508 Sunod-sunod na Sampal - Ikaapat na Porma (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi niya na kailangan pa ng paliwanag dahil malaman na agad ang sagot sa reaksiyon ni Lu Wei Jie.

"Ang Zephyr Academy ay isa sa tatlong sikat at pinakamagandang Academy ngunit mukhang hindi ito magaling, lalo na sa hindi magandang pamamaraan nito! Ang mga disipulo nito ay nagtatangkang pumatay para lang makapagnakaw at ang mga guro ay nanghahamak ng mga mas mahina at walang kapangyarihan na tulad ng sa kanila. Isang kahihiyan ang dala sa magandang pangalan ng Zephyr Academy, hindi ba kayo nahihiya para sa inyong sarili?" walang gatol na hayag ni Rong Heng. Siya ay galing sa makapangyarihan na angkan, ang Qing Yun Clan, at bago pa mawala ang angkan na ito, hindi nila tinatanggihan ang sino man na lumapit sa kanila, kahit ang pinuno ng Zephyr Academy ay gustong makausap sila.

Ano ngayon kung isang indigo spirit exponent si Nangong Xu?

Ang dati nilang mandirigma ay nagtataglay din ng indigo spirit!

Kahit wala na ang Qing Yun Clan, ang kaniyang guro na si Master Mu Chen na siyang natitirang nakakatanda ng Qing Yun Clan ay buhay pa. Isang salita lamang ni Mu Chen, magpapadala ito ng maraming magagaling na eponent para lang sa pabor niya.

May galit nang kipkip si Rong Heng dahil sa mga sugat na natamo ng mga Rui Lin Army habang ipinagtatanggol siya at ang mga kasamahan. Mas lalong ikinagalit ni Rong Heng ang pag atake ng mga guro ng Zephyr Academy nang hindi man lang muna nakinig sa paliwanag at basta nalang umatake.

Namula ang mukha ni Nangong Xu. Naiinis siya sa malayang pang-iinsulto nito sa malinis na pangalan ng Zephyr Academy.

"At sino ka? Sino ka para insultuhin at dumihan ang pangalan ng Zephyr Academy?!"

Malamig na tumawa si Rong Heng bago nagsabing "Ako si Rong Heng, galing sa Cloud Treading Peak, isang disipulo ni Elder Mu Chen!"

Ang inis na makikita sa mukha ni Nangong Xu ay napalitan ng gulat!

Cloud Treading Peak!

Ang kasikatan ng Cloud Treading Peak ay hindi nagtagal. Ito ay dahil sa biglang pagkawala ng Qing Yun Clan, ang tatlong salitang iyon kasabay ang pangalan ni Mu Chen ay mabilis na kumalat. Ang huling nabubuhay na Elder ng Qing Yun Clan at ang iilang natitirang disipulo nito!

Sa kasalukuyan, pagkatapos ng pakawala ng Qing Yun Clan, si Mu chen ang naging Qing Yun Clan!

Ang totoong kahulugan ng pangalang iyon ay humigit pa sa inaasahan ng nakakarami!

Kahit sa panaginip lamang ni Nangong Xu, hindi niya naisip na masasabit si Lu Wei Jie at ang mga kasamahan nito sa Cloud Treading Peak!

Hindi lamang si Nangong Xu kung hindi pati na rin si Lu Wei Jie ay hindi kailanman naisip ito…

Ang alam niya si Long Qi at ang mga kasamahan nito ay nabibilang sa mga importanteng tao ngunit hindi niya inakalang si Rong Heng at ang mga kasamahan nito ay parte…

Parte ng Cloud Treading Peak!

Nang mawala ang Qing Yun Clan, pumalit si Mu Chen at ang mga disipulo nito…

Hiniling ni Lu Wei Jie na mamatay na lamang sa mga oras na iyon. Ngayon niya lang mas lalong naintindihan na kinalaban niya nag grupo na hindi niya kailanman dapat kalabanin!

Sa mataas at pinupuring posisyon ngayon ni Mu Chen, isang salita lamang nito, maraming exponent ang hahabol sa kaniya! Kahit sino man ang umatake sa mga disipulo nito, kahit ang pinuno ng Zephyr Academy ay hindi makakapigil kay Mu Chen!

Mas lalong pinanlamigan si LU Wei Jie at nanginginig.

"Ako at ang iab pang disipulo ay pumunta sa Battle Spirits Forest kasama si Heneral Long at ang mga mandirigma ng Rui Lin Army at nakasalubong ang mga disipulo ng Zephyr Academy. Sinabi nilang mayroon sila ng mapa ng Battle Spirits Forest at iginya kami rito. Ngunit, pinagtangkaan nila kaming pagnakawan at patayin." Galit na sabi ni Rong Heng.

Dahil sa narinig, nawalan ng lakas si Nangong XU.

Rui Lin Army!

Kilala ito sa pagkakaroon ng magagaling na mandirigma!

Hindi niya pinanaiwalaan si Rong Heng noong una ngunit nang marinig niya ang Rui Lin Army, mas lalong nakumbinse si Nangong Xu. Hindi lamang sikat ang mga Rui Lin Army dahil sa galing nito sa pakikipaglaban kung hindi pati na rin sa reputasyon nitong walang takot at bagsik sa pakikipaglaban. Determinado at hindi umuurong. Ang mga mandirigmang may ganoong reputasyon ay hindi magkakamaling mang akusa ng kasinungalingan sa iba!

Hindi malaman ni Nangong Xu ang dahilan kung bakit pagtatangkaan ni Lu Wei Jie at ng grupo nito ang mga disipulo ng Cloud Treading Peak at mandirigma ng Rui Lin Army…

Hinahanap na siguro nila ang kanilang kamatayan!

avataravatar
Next chapter