506 Sunod-sunod na Sampal - Ikaapat na Porma(6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagmadali ang mga guro ng Zephyr Academy sa lokasyon kung saan nila nakita ang putok ng senyales ng paghingi ng tulong.

Ang grupo na nakatalaga sa kaligtasan ng Spirit Hunt ay binuo ng mga piling tao ng Zephyr Academy. Ang pinuno ng grupo ay ang kapit- pitagang indigo spirit exponent ng Zephyr Academy na si Nangong Xu. Binubuo ang grupo ng lima pang magagaling na asul na antas ng spirit para maprotektahan ang mga disipulo sa kung ano mang sakuna na pwedeng mangyari sa loob ng Battle Spirits Forest.

Ang gulang ni Nangon Xu ay lagpas pa sa gulang na sisenta. Kung titignan mo siya, mukha na siyang setenta o otsenta ang edad dahil sa kaniyang puting balbas. Ngunit, ang totoong edad niya ay higit pa sa isang siglo at ang kaniyang pangalan ay kilala bilang isa sa pinakamagagaling na exponent. Kung ang distress signal ay nanggaling sadisipulo na may asul na antas ng spirit, mararapat na ang guro na nakatalaga sa asul na antas ang pupunta para iligtas ang mga disipulo, ngunit sa pagkakataong ito, si Nangong Xu ay sumama sa kanila. Ang dahilan ng pagsama ni Nangong Xu ay dahil sa ang senyales ng paghingi ng saklolo ay nanggaling sa labas sa markadong lugar ng Zephyr Academy kung saan isinagawa ang Spirit Hunt. Walang ay alam kung anong panganip ang kinahaharap ng mga disipulo at walang ibang magagawa sila kung hindi ang ipadala ang pinakamagaling sa kanila na si Nangong Xu.

Mabilis na iginiya ni Nangong Xu ang daan sa masukal na kagubatan kung saan nila nakita ang ilaw na senyales ng paghingi ng saklolo ng mga disipulo.

Bago pa man magsimula ang Spirit hunt, mahigpit at paulit-ulit na ipinagbilin nila na walang disipulo ang lalabas sa markadong lugar sa kani-kaniyang mapa. Ngunit nagyon, ang ilaw na nagtuturo kung saan ang mga disipulo na humihingi ng saklolo ay malayo na sa markadong lugar ng Zephyr Academy.

Nagulat si Nangong Xu at kasmang grupo sa nakita pagkarating nila sa lugar kung nasaan ang mga disipulo.

Nakita nila ang dalawampung disipulo ng Zeohyr Academy na nakaupo sa lupa, ang kanilang mga mukha ay namumutla na. Iilang matatangkad at matitikas na lalaki ang nakapalibot sa mga disipulo habang hawak ang kanilang mga espada.

"Sino kayo?! Sino kayo para mangahas na dukutin ang mga disipulo ng Zephyr Academy?!" makikita ang galit sa mukha ni Nangong Xu. Ang Zephyr Academy at ang uniporme nito ay kilala sa lahat ng bansa. Walang mangangahas na kalabanin ang Zephyr Academy. Subalit, ang nakita ng mga mata ni Nangong Xu ay humigit sa kaniyang inaasahan.

Ang ilang mandirigma ng Rui Lin Army na nagbabantay kay Lu Wei Jie at sa mga kagrupo nito ay nakakunot ang mga noo at bago pa man sila makapagsalita, ang mga guro na nasa likod ni Nangong Xu ay biglang umatake na sa kanila!

Walang nagawa ang Rui Lin Army kung hindi ang itaas ang kanilang mga kamay!

Sa isang iglap, naglaban na ang dalawang grupo. 

Ang mga mandirigma ng Rui Lin Army ay sugatan na bago pa dumating sila Nangong Xu at ang kanilang kakayahan at kapangyarihan ay mas mababa kumpara sa kalaban nilang mga gurong may asul na antas ng spirit. Malayang dumadaloy ang kanilang dugo sa mga sugat na muling nabuksan dahil sa pakikipaglaban sa mga guro.

Ang isang mandirigma ng Rui Lin Army ay halos nasa bingit na ng kamatayan. Hindi na nito maigalaw ang isang kamay, nanginginig ang isa pang kamay nito na may hawak ng espada para ipagtanggol ang sarili.

Hindi mapakali si Lu Wei Jie at ang kaniyang mga kagrupo habang hinihintay ang pagdating ng kanilang mga guro ngunit nabigla sila sa biglaang pagkikipaglaban ng kanilang mga guro sa Rui Lin Army. Ang tuwa na kanilang naramdaman sa pagdating ng kanilang mga guro ay napalitan ng pagkabigla dahil sa madugong paglalaban ng dalawang grupo.

"Guro Nangong! Tama na! Tama na!" mabilis na pumagitna si Lu Wei Jie, ang kaniyang mukha ay namumutla at makikita ang panginginig ng kaniyang katawan.

Tumaas ang kilay ni Nangong Xu at nang ibinuka niya ang kaniyang bibig para magsalita, isang malalim na boses ang narinig niya galing sa kaniyang likuran.

"Ganito ba ang pamamaraan ng Zephyr Academy? Ang kaniyang mga disipulo ay hindi nagtagumpay sa pagpatay kung kaya ang mga guro nito ang tatapos?" isang malamig na boses na batid ang galit ang maririnig sa buong paligid.

Lumingon si Nangong Xu sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang isang matangkad na lalaki na may kasamang isang grupo na nakasuot din ng uniporme ng Zephyr Academy ang naglalakad palapit sa kaniya at nakilala niyang ito ay ang anak ni Fan Qi, ang headmaster ng Zephyr Academy, si Fan Jin! 

avataravatar
Next chapter