webnovel

Storm Clouds Loom (3)

Editor: LiberReverieGroup

Agad naman tumalima ang ilang disipulo ng Blue Cloud Peak, ngunit bago pa nila mahawakan si Jun Wu Xie ay agad na silang sinalubong ni Qiao Chu. Pinadyak lang nito ang isang paa at lahat sila ay tumilapon na sa kung saan!

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng hall dahil sa ginawang iyon ni Qiao Chu!

Parehong matapang ang dalawang disipulong dala ni "Ke Cang Ju" at nagsimula ang mga ito ng gulo!

Ang una ay nilantad ang lihim na kasunduan ni Qin Yue at "Ke Cang Ju", ang isan naman ay inatake ang mga disipulo ng Blue Cloud Peak dahilan para tumilapon ang mga ito palabas!

Ang kaguluhan ay sinimulan ni Qiao Chu sa hall ng Sovereign!

Hindi na nakapagpigil si Qin Yue! Nagpupuyos sa galit siyang tumayo at nanginginig ang daliring tinuro si "Ke Cang Ju" pagkatapos ay sumigaw: "Ke Cang Ju! Anong ibig sabihin nito?! May respeto ka pa ba sa akin bilang Sovereign?!"

Paghihimagsik!

Naghimagsik na ito!

Maaaring arogante si Ke Cang Ju ngunit nirerespeto pa rin niya si Qin Yue at alam nito ang kaniyang limitasyon. Subalit ngayon, nagdala si "Ke Cang Ju" ng dalawang disipulo na sinusubukan ang kaniyang pasensya at hindi na kayang tiisin pa ni Qin Yue ang kaniyang galit!

Ang gusto na lang gawin ni Qin Yue ngayon ay ang sakalin si "Ke Cang Ju hanggang sa ito ay mamatay!

Kalmado lang na nakatingin sa isang tabi si "Ke Cang Ju" Sa nagpupuyos na si Qin Yue. Siya ay nagsalita: "Aking mahal na Sovereign, hindi ka naman dapat magalit. Kaunting disipulo lang naman ang nasaktan. Hindi ka naman mabait sa mga disipulo dati hindi ba? Kaya hindi ka dapat gaanong maapektuhan sa kaunting disipulo ng Blue Cloud Peak. Higit sa lahat, ayon sa'yo, ang mga disipulo mo lang ang hindi idadamay sa pag-eeksperimento ng lason at hindi doon kasali ang pagsipa ngayon lang ng aking disipulo." Kung hindi nagsalita si "Ke Cang Ju", hindi maaapektuhan nag mga Elder. Ngunit ang sinabing iyon ni "Ke Cang Ju" ay nagpapatunay lang ng pagiging makasarili ni Qin Yue.

Gusto mong ipaghiganti ang iyong anak at isasakripisyo ang mga disipulo ng Qing Yun Clan para doon. Ngayon ay pinuntirya mo ang mga disipulo ng iba't-ibang pangkat at iniligtas ang sarili mong disipulo.

Ang mga disipulo ng iba't-ibang pangkat ay pinatay at nilapastangan ang katawan at hindi man lang gaanong apektado si Qin Yue. Isang beses lang na tinadyakan ang kaniyang mga disipulo at ngayon, ito ay galit na galit.

May ideya na ang mga Elder ng Qing Yun Clan sa tunay na ugali ni Qin Yue. Alam nilang ito ay isang hipokrito at pinatuyan lang ng mga binitawang salita ni "Ke Cang Ju" ang tunay nitong pag-uugali.

Ibig sabihin ba nito, ang mga ginawa ni Ke Cang Ju ay hindi lang para ipaghiganti si Qin Yu Yan kundi ay para na rin sirain ang mga posisyon ng mga Elder?

Nabuhay ang isiping iyon sa mga utak ng mga Elder. Kaya naman mas lumalim ang kanilang pagka-disgusto kay Qin Yue.

Namutla ang mukha ni Qin Yue at ito ay tumitig kay "Ke Cang Ju". Iniisip nitong nababaliw na si "Ke Cang Ju"! Ang mga sinabi nito ay mas makakapagpalala lang ng sitwasyon!

Nakatiim ang mga labi ni Qin Yue, hindi ito nangahas na labanan pa si "Ke Cang Ju" dahil may hawak itong ebidensya na ikakasira niya at hindi malabo ng ikatanggal niya sa pwwesto.

Hindi pa naranasan ni Qin Yue ang malagay sa alanganing posisyon. Ang Ke Cang Ju na tumulong sa kaniya para siya ay maging Sovereign ng Qing Yun Clan ngayon ay naging isang banta sa kaniya!

Humugot ng malalim na hininga si Qin Yue bago muling nagsalita: "Elder KE, ang iyong dalawang disipulo ay walang respeto sa Sovereign. Ayon sa tuntunin ng Qing Yun Clan, sila ay dapat na parusahan."

Kung hindi niya magagalaw si Ke Cang Ju, papatayin niya ang dalawang disipulo para siya ay matahimik! Gagawin niya iyon para man lang makaganti kay Ke Cang Ju.

Nagtaas naman ng isang kilay si "Ke Cang Ju" at tumingin sa tahimik na nakaupong si Jun Xie pagkatapos siya ay napangiti.

"Sovereign Qin, sigurado ka ba sa gagawin mo?" Halata kay Qin Yue na hindi niya na mapigilan ang sarili.