326 Storm Clouds Loom (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi inaasahan ni Qin Yue na kayang ilantad ng ganoon ang sikreto nila ni "Ke Cang Ju" ng isang hamak na disipulo ng Hidden Cloud Peak! Ayaw na siguro nitong mabuhay!

Nataranta naman si Qin Yue. Kung magsasalita pa si Jun Xie, mas lalong lalala ang sitwasyon. Ngunit hindi hinayaan ni Jun Xie na siya ay pigilan kung kaya't nagpatuloy pa ito: "Sabi ng Sovereign ay gusto niyang maghiganti para kay Eldest Miss at Elder Jiang kaya naman nagpapagawa siya ng lason kay Elder Ke. Ang mga disipulong aming kinuha ay isinakripisyo upang sa kanila subukan ang lasong iyon. Kaunting disipulo lang naman iyon para magtagumpay ang paghihiganti para sa Eldest Miss at Elder Jiang."

Malakas ang boses ni Jun Wu Xie at malinaw iyong narinig ng mga Elder. Hindi man lang ito natigil nung siya ay nagsasalita, ngunit hindi mabilis at hindi rin mabagal. Sinisiguradong maririnig ng lahat ang bawat katagang kaniyang bibitawan.

Namula ang mukha ni Qin Yue.

Gulat na gulat naman ang ekspresyon sa mukha ng mga Elder. Hindi sila makapaniwalang tumingin kay Qin Yue.

Narinig nila ang balita ng pagkamatay ng Eldest Miss at Eldest Jiang isang buwan na ang nakakalipas. Akala nila ay agad na magpapadala si Qin Yue ng tao para maghiganti. Ngunit isang buwan na ang lumilipas ay wala pang nangyayari, ang buong akala nila ay nagbago na si Qin Yue.

Ngunit dahil sa rebelasyon ni Jun Xie, naisip nilang hindi talaga balak ni Qin Yue na hayaan na lang ang mga pumatay, kundi ay may binabalak pala itong masa masahol!

Hindi na dapat makikialam ang mga pangkat sa paghihiganti ni Qin Yue. Ngunit sinong mag-aakalang mabubulagan si Qin Yue ng kaniyang galit at isasantabi niya ang mga Elder para hayaan si "Ke Cang Ju" na lapastanganin ang pangalan ng Qing Yun Clan at ipahiya ang mga Elder!?

Kahit na kailangan nila ng magsasakripisyo para sa kanilang ineeksperimentong lason, ginamit na lang sana nila ang mga disipulong galing sa Outer House. Bakit pinilit ng mga itong gamitin ang kanilang mga disipulo mismo? Malinaw na alam ni Qin Yue simula pa lang kung ano ang ginagawa ni "Ke Cang Ju" pero hinayaan pa rin nito ito. Sinasabi niyang para iyon sa kaniyang paghihiganti para kay Qin Yu Yan at Jiang Chen Qing ngunit ang totoo ay para lang talaga iyon kay Qin Yu Yan at ginamit lang nitong dahilan si Jiang Chen Qing!

Bilang Sovereign, sarili lang nito ang kaniyang inisip at walang awang pinatay ang mga disipulo. Isinantabi nito ang dignidad at reputasyon ng mga Elder. Hindi iyon gawain ng isang mahusay at epektibong pinuno!

Nagbabaga ang galit sa mga mata ng mga Elder habang sila ay nakatingin sa Sovereign.

"Bastos kang bata ka! Tumigil ka sa kasinungalingan mo! Ako,bilang Sovereign ng Qing Yun Clan, bakit ako papayag sa anumang makakasama sa aking pinamumunuan!?" Gusto nang sakalin ni Qin Yue ang bata sa kaniyang harapan.

Pinayagan niya si "Ke Cang Ju" na gawin iyon ngunit iyon ay dapat na sikreto lang. Kung malalaman ng mga Elder iyon, ikakasama niya iyon!

Laging pinoprotektahan ni Qin Yue si Ke Cang Ju ngunit hindi niya iyon lantarang ginagawa. Kailangan niyang magpanggap na patas at pantay-pantay ang trato niya sa lahat.

Malinaw sa kaniya na ang mga kasunduan nila ay sikreto lang at hindi dapat mailantad.

Pinarito niya si Ke Cang Ju ngayon dahil ang akala niya ay nagyayabang si "Ke Cang Ju" ngunit hindi ito bobo. Para mapakalma ang sitwasyon, kailangan ni "Ke Cang Ju" na humingi ng tawad sa mga Elder at kunyari ay pagsabihan niya bilang Sovereign.

Subalit hindi niya inaakala ang gagawin ni "Ke Cang Ju". Hindi man lang ito nagpakita ng pagsisisi o pagtanggap sa kasalanan bagkus ay nagdala pa ito ng disipulo para ilantad ang kanilang sikretong dapat ay sa kanilang dalawa lang!

Kailan pa naging ganito kababaw si "Ke Cang Ju"? Hindi niya ba naiisip kung anong magiging kinalabasan nito!?

"Mga guwardiya! Ilabas niyo ang sinungaling na ito!" Ayaw nang makarinig pa ni Qin Yue ng kahit ano galing kay Jun Xie. Papalalain lang nito ang sitwasyon.

avataravatar
Next chapter