325 Storm Clouds Loom (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang bakas ng takot o pag-amin sa kasalanan ang makikita sa mukha ni Ke Cang Ju. Kasama nito ang dalawa nitong disipulo.

Isang tingin lang sa kanila ay nagliliyab na sa galit ang mga Elder. Kung wala lang sila sa harap ni Qin Yue, sinugod na nila ito at binalatan ng buhay.

"Elder Ke, mayroon taong dapat pag-usapan dito. Iwan mo ang disipulo mo sa labas." Saad ni Qin Yue. Naisip niyang sumusobra na si Ke Cang Ju sa kaniyang mga ginagawa. Bakit nito dadalhin ang mga disipulo nito sa pulong ng Sovereign at mga Elder?

Sumagot naman si "Ke Cang Ju" : "Wala silang hindi dapat marinig. Dahil inanyayahan ako dito ng Sovereign, narito ako. Kung dadalhin ko ang aking disipulo o hindi, hindi iyon dapat problemahin ng Sovereign."

Dahil sa arogante nitong sagot, mas lalong nandilim ang mga mukha ng mga Elder at maging si Qin Yue.

Hindi pinansin ni "Ke Cang Ju" Ang utos ni Qin Yue bagkus ay arogante pa itong sumagot. Nagpapakitang Binalewala nito ang posisyon at awtoridad ni Qin Yue.

Nandilim ang mukha ni Qin Yue at kung hindi dahil sa hawak na ebidensya ni "Ke Cang Ju" laban sa kaniya, pumutok na siya sa galit.

Napilitan si Qin Yue na pigilan ang kaniyang galit at nagpatuloy.

"Elder Ke, alam mo ba kung bakit kita ipinnatawag dito?" Pilit na pinapakalma ni Qin Yue ang kaniyang boses at pananalita.

"Alam ko." Sagot ni Hua Yao. Pinaypay nito ang kaniyang kamay bilang senyas kila Jun Xie at Qiao Chu na sumunod dito, pagkatapos ay naupo ito sa isang tabi. Inignora nito ang mga matatalim na titig sa kaniya ng mga Elder.

"Kung alam mo kung tungkol saan ito, hindi ba't dapat kang magbigay ng sagot sa mga akusasyong ibinabato sa'yo?" Maingat na tanong ni Qin Yue. Ito ang unang beses na nagkaroon ng ganito kalalang gulo sa Qing Yun Clan. Hindi lang ang mga Elder ang natatakot , maging ang mga disipulo rin ng Inner House. Hindi inaasahan ni Qin Yue na aabot sa ganito ang sitwasyon. Kung alam niya lang na hahantong sa ganito, hindi na sana siya pumayag sa gusto ni Ke Cang Ju.

Ngunit huli na para bawiin iyon.

"Sagot? Anong sagot?" Nakakunot noong tanong ni Hua Yao.

Napaangat naman ang isang sulok ng labi ni Qin Yue. Hindi na maiguhit ang mukha ng mga Elder dahil sa sobrang galit.

Hindi na nakatiis si Cai Zhuo at ito ay nagsalita: "Ke Cang Ju, ayon nga sa kasabihan, hindi tayo dapat sumobra sa ating mga ginagawa at umasang maayos ang lahat kapag tayo ay nagkita! Ngunit pinatay mo ang mga disipulong kinuha mo, hindi ka Maaaring umaliss hanggat wala kaming nakukuhang maayos na sagot galing sa'yo!"

Tumitig naman si Hua Yao sa agresibong si Cai Zhuo at ngumisi. Itinaas niya ang kaniyang kamay at itinuro si Jun Xie na nakaupo sa kaniyang tabi at sinabi sa lahat: "Gusto niyo akong sumagot sa napakaliit na bagay? Ang aking disipulo dito ang sasagot sa inyo." Sumandal itong muli sa kinauupuan.

Ikanainis naman iyon ng mga Elder!

Nagpunta sila dito para ayusin ang mga bagay kay "Ke Cang Ju", ngunit itinuro lang nito ang kaniyang disipulo upang sumagot para sa kaniya. Anong ibig sabihin noon? Ang bastos nitong ugali ang pinakamalala sa lahat!

Ipagtutulakan nito ang disipulo nito para sumagot sa mga Elder? Kalokohan! Isa iyong kabastusan! Ang isang hamak na disipulo lang ay makikipagdiskusyon na parang ka-lebel lang ng isang Elder?!

Naging sentro ng atensyon si Jun Wu Xie habang ito ay nakaupo sa main hall at kaharap ang mga nagpupuyos sa galit na mga Elder. Ang kaniyang malamig at walang emosyong boses ay umalingawngaw sa buong hall.

"Gusto ng kasagutan ng mga Elder kaya ibinigay ko iyon. Ang mga ginawang iyon ni Elder Ke ay inaprubahan ng Sovereign. Higit sa lahat ang ginawang iyon ni Elder Ke ay hindi para sakaniya, kundi para ipaghiganti si Eldest Miss at Elder Jiang." Marahang saad ni Jun Wu Xie.

Gulat na gulat si Qin Yue sa sinabi ni Jun Wu Xie. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng batang katabi ni "Ke Cang Ju" na diretso ang tingin at malinaw ang pagkakabitaw ng bawat salita.

Ang batang iyon! Alam niya ba ang kaniyang sinasabi!?

avataravatar
Next chapter