328 Storm Cloud Loom (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nalukot ang mukha ni Qin Yue at Nagyeyelo ang tingin nito.

"Oo naman."

Ang mga nangyari ngayon ay kailangan ng dugo upang masiil ito. Ang mga sinabi ni Jun Wu Xie ay naglantad sa sikreto ni Qin Yue at Ke Cang Ju. Kung walang gagawin si Qin Yue maisip ng mga Elder na iyon ay kaniyang kahinaan.

Kapag nagbayad ng dugo ang dalawang disipulo ng Hidden Cloud Peak, mapapakalma niya ang nagsimulang gulo.

Una, mapapalabas na si Qin Yue ay hindi pinapaburan si Ke Cang Ju at maging ang mga disipulo ng Hidden Cloud Peak na pinoprotektahan ni Ke Cang Ju ay papatayin kung sila ay nagkasala. Marami ang mga namatay na disipulo sa iba-ibang pangkat kung kaya ay makakatulong na maibsan ang galit ng mga Elder kung papatayin niya ang dalawang disipulo ng Hidden Cloud Peak.

Pangalawa...

Ang dalawang tampalasang iyon...ang isa ay madaldal at ang isa naman ay sinaktan ang kaniyang mga disipulo. Sinubukan ng mga ito ang kaniyang dignidad bilang Sovereign, kung hindi niya papatayin ang mga ito, makukwestiyon ang kaniyang awtoridad bilang Sovereign.

At may pangatlo pa...

Nagsalubong ang kilay ni Qin Yue habang siya ay nakatitig kay Ke Cang Ju.

Pangatlo, upang gisingin ang arogante at hambog na si Ke Cang Ju!

Nakatayo na ang mga disipulo ng Blue Cloud Peak. Bakas ang takot sa kanilang mga mata habang sila ay nakatingin kay Qiao Chu. Nagbitaw na ng utos si Qin Yue, at iyon ay ang parusahan si Jun Wu Xie at si Qiao Chu.

Ngunit natumba ang mga disipulo sa isang tadyak lang ni Qiao Chu kaya naman mas lalo pa silang natakot dito.

Gusto nang arestuhin ng mga disipulo ang sina Qiao Chu at Jun Wu Xie ngunit...

Ang dalawang iyon ay masyadong malakas para sa kanila!

"Bakit kayo nakatayo pa diyan!? Kunin niyo na ang dalawang ito ngayon din!" Sigaw ni Qin Yue.

Nagpalitan ng tingin ang mga disipulo ng Blue Cloud Peak, sila ay natatakot at hindi alam ang gagawin.

Saglit na natigilan ang mga ito bago maingat na humakbang upang sana ay lumapit kay Qiao Chu.

Subalit...

Sa isang kisapmata lang, ang mga disipulong iyon ay tumilapon muli sa labas ng main hall dahil kay Qiao Chu. Kalat-kalat silang nakahandusay sa labas at hindi makagalaw, halos lahat sila ay tila nawalan ng malay!

Ang mga disipulo ng Qing Yun Clan ay mas bihasa sa Medisina at hindi sila magaling sa kanilang spiritual power. Maraming inanyahan ang Qing Yun Clan na mga eksperto na taga-labas at maging desperadong upahan. Mahihina ang mga disipulo kung ikukummpara kay Qiao Chu.

Matapos atakehin ni Qiao Chu ang mga disipulo, pinagpag nito ang alikabok sa kaniyang palad at napangisi.

Nagdidilim ang mukha ni Qin Yue. Hindi niya inaakalang may ganoong kakayahan ang disipulo ni Ke Cang Ju. Isang grupo ng kaniyang Blue Cloud Peak disciples ay itinapon palabas ng main hall ng ganoon kabilis.

"Ke Cang Ju!! Hindi mo ba isusuko ang iyong mga disipulo!?" Muling sigaw ni Qin Yue.

Dahan-dahan tumayo si "Ke Cang Ju" aat sumagot: "Mahal kong Sovereign, ikaw ang may gustong gumawa ako ng lason at ikaw din ay pumayag para gamitin ang mga disipulo ng bawat pangkat para pag-eksperimentuhan sa aking lason ngunit ngayon gusto mong gamitin ang aking mga disipulo para pawiin ang galit ng mga pangkat. Hindi ko magagawang pumayag doon."

Nanlaki ang mga mata ni Qin Yue habang ito ay nakatingin kay "Ke Cang Ju". Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig! Sa kaniya lahat isinisisi ni "Ke Cang Ju" ang lahat!

Humarap si "Ke Cang Ju" sa mga Elder at sinabing: "Hanapin niyo ang hustisya sa nakakataas, ang Qing Yun Clan ay pinamumunuan ng ating Sovereign at siya ang nagsimula ng lahat. Kung hindi siya pumayag, paano ko magagalaw ang inyong mga disiuplo? Si Qin Yue ang nag-utos sa akin ngunit ngayon ay gusto niyang ako ang sumalo ng lahat ng sisi. Hindi ako papayag na akuin ang mabigat na responsibilidad na iyon."

Nanginginig sa galit si Qin Yue ngayon at ang mga Elder ay galit na galit na rin.

Imposible nang magbago si "Ke Cang Ju" ngunit may saysay ang mga sinabi nito. Kung hindi niya nakuha ang permiso ni Qin Yue, hindi niya nga magagalaw ang mga disipulo!

Ang trahedya ng ito ay nagsimula kay Qin Yue at naging posible dahil sa kaniyang pag-aapruba!

Ang paagka-disgusto ng mga Elder dati kay Qin Yue ay dahil sa lagi nitong pinapaburan si Ke Cang Ju, ngunit ngayon ay mas lalo iyong lumalim dahil sa mga kaganapang ito!

avataravatar
Next chapter