76 SPIRITUAL ENERGY

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para maglaho si Mo Xuan Fei sa buhay ni Jun Wu Xie, napagpasiyahan ni Jun Xian at Jun Qing na manahimik na lang.

Nakakaligtaan ni Jun Wu Xie ang mga konklusyon na pumapaikot sakanya. Hindi niya akalain na ang isang wine lamang ay magpapalala sa mga pangyayari. Sa mata ng iba, siya ay naipagtambal na kay Mo Qian Yun.

Nang dahil sa wakas ay nakayan niya na kahit papaano ang Jade Nectar, hindi na siya makapaghintay kaya't mabilis siyang bumalik sa kaniyang kwarto. Dali-dali niyang isinara ang pinto, at tinawag si Little Lotus.

Nagpakita ang maliit na nakayapak na si Little Lotus at paika-ikang lumapit sa mesa habang nakatitig sa bote ng wine. May pagdadamot at pagnanasang makikita sa gilid ng kanyang labi. Nanliliwanag ang kanyang mata nang siya ay huminga ng malalim.

"Ahh...napakabango..." Ilang beses napalunok si Little Lotus sa wine na naisalin habang siya ay nakatingin dito, nakapako ang mga mata sa maganda at kumikinang na likwid na isasalin habang ang kanyang maliliit na kamay ay tatanggap.

Nakatingin si Jun Wu Xie sa sabik na si Little Lotus at nagniningning ang mata, "Pwede mo tong gamitin sa pagpapalaki, hindi ba?"

Saglit na nag-atubili si Little Lotus bago siya lumunok at umiling.

Mariing tumingin si Jun Wu Xie sakanya at agad nitong binawi ang kanyang maliit na kamay.

Matapos niya itong gamitin sa sarili at sa kaniyang pamilya at isang buto ng lotus para kay Mo Qian Yun, iisa na lamang ang natira kay Jun Wu Xie na buto ng lotus, pinaikot niya ito sa kanyang palad at siya ay kumuha ng mababaw na ceramic basin na akma sa pagtatanim ng mga lotus. Dahan dahan niyang ibinuhos ang Jade Nectar dito at ang amoy nito ay kumakalat sa paligid, na kahit sa mahinang singhot ay maamoy mo ito. Mapapalunok ka na lang habang nabubuhos ang likwid sa basin at lumikha ng maliliit na alon.

Patuloy na tumitig si Little Lotus sa kaniyang ginagawa at bahagyang nakaawang ang bibig, ang laway nito ay tumulo sa gilid ng bibig.

Ang maliit at itim na pusa ay nasa ibabaw ng mesa kung nasaan ang lotus basin at marahang dinidilaan ang mga kamay, sadya nitong pinapakita ang matatalim na kuko habang nakatitig kay Little Lotus na nasisinagan ang mga mata.

Dali-daling umatras si Little Lotus at pinunasan ang laway gamit ang isang kamay.

Ayon sa libro, para bumuhay ng isang snow lotus, kailangan nilang bigyang pansin ang temperatura---hindi malamig at hindi rin mainit na Jade Nectar. Naniniguradong inalam ni Jun Wu Xie ang temperatura nito sa pamamagitan ng pagsawsaw ng kanyang daliri. Matapos niyang gawin ito inilagay niya na ang buto ng lotus.

Nang mailagay na ang buto ng lotus sa Jade Nectar, ang pinagsamang halimuyak ng lotus at wine ay bahagyang maamoy at maya-maya lamang ay malakas na siyang maamoy sa buong kwarto.

Namula ang mukha ni Little Lotus sa pagkakaamoy pa lang nito at mas lalo pang nagningning ang kanyang mga mata.

Tumitig si Jun Wu Xie sa buto ng lotus na nasa wine nang may katagalan pero napansin na wala itong reaksyon maliban sa amoy nito na lalong tumatapang habang tumatagal. Kahit na maselan ang kaniyang pang-amoy, ang halimuyak nito ay hindi nakakaapekto sakanya, sa halip ay nakakapagpasigla pa. Nararamdaman niyang para siyang nililinis at animo'y nakalublob sa hot spring habang ang tensyon at stress ay nawala sa kanyang katawan.

Nalinis din nito ang ginawa niyang pag-aareglo sa ginawa niyang cultivation method habang naramadaman niya sa kanyang puso ang pagiging kalma at payapa.

Kahit na hindi niya alam ang spiritual energy, sa amoy nito, ay malinaw niyang nararamdaman ang warm wave ng hangin na nananalaytay sa kanyang katawan.

Maaaring ito na nga ba ang spiritual energy ng mundo?

Nagningning ang mga mata ni Jun Wu Xie nang siya ay umupo malapit sa lamesa, habang ineenjoy ang pagkakataon, payapa siyang huminga.

Kahit na mahirap hanapin ang mga materyal, siguradong epektibo naman ito.

Sa kabilang banda, hindi niya alam kung ang jug ng Jade Nectar ay sapat para madevelop ang buto ng lotus. Kakaunti nalang ang natitirang bariles ni Mo Qian Yuan nito, kung ito ay mauubos ng ganon kabilis, hindi niya alam kung saan maghahanap ng panibagong supply.

Ang probabilidad na makahanap nito sa Kaharian ni Qi ay malabo.

Hindi mailalarawan ang pakiramdam ng tumanggap ng spritwal na enerhiya sa unang pagkakataon, may pagka-mainit sa pakiramdam na para bang may malambot na yumayakap sakanya habang humahalo sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

avataravatar
Next chapter