1077 Spirit Taming Bone Flute (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para magkaroon ng bisa ang Spirit Taming Bone Flute, kailangang gamitin ni Qu Wen Hao ang kaniyang spirit power. Hindi mahirap na pasunurin ang isang Spirit Beast, ngunit para sa pinupuntirya nito ngayon na isang Guardian Grade Spirit Beast, may kahirapan iyon.

Kahit na gamit ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute, kinakailangan niya pa ring gumamit ng mas malakas na spirit power para tuluyang mapasunod ang isang Guardian Grade Spirit Beast! Kahit na tuluyan niyang mapasunod ang Spirit Beast, isang pagkakamali lang ay maaari na ulit itong makawala.

Sa ilang dekadang nakalipas simula ng maitaguyod ang Thousand Beast City, iilan pa lang ang nangahas na magpasunod ng Guardian Grade Spirit Beast. Mas gugustuhin pa nilang kumuha ng ilang high grade Spirit Beast kaysa sa kumuha ng Guardian Grade Spirit Beast.

Dahil kapag pumalag ang Guardian Grade Spirit Beast hanggang sa mamatay ito, mayroon iyong epekto sa nagmamanipula!

"Grand Chieftain! Hindi mo ito maaaring gawin!" Pigil ni Xiong Ba habang pinapanuod si Lord Meh Meh na namimilipit sa sakit. Gustong tumalon ni Xiong Ba kay Qu Wen Hao para pigilan ito. 

Ngunit habang palapit siya ay may dalawang taong biglang sumulpot sa kaniyang tabi. Hindi lang basta-bastang tao ang mga ito, sila ay ang dalawa pang mga Clan Chief at si Lin Que.

Bukod kay Lin Que na tuluyan nang pumanig kay Qu Xin Rui, labag din sa loob ng dalawa pang Clan Chief ang ginagawa ngayon ni Qu Wen Hao. Iisa sila ng layunin, at hindi inaasahan ni Xiong Ba na darating ang mga ito dito para pigilan siya!

Habang siya ay hawak ng dalawang Clan Chief, nagulat si Xiong Ba nang makitang hawak din si Qing Yu ng dalawa pang Deputy Clan Chief.

"Xiong Ba, huwag kang sasali dito. Para gawin ito ng Grand Chieftain, mayroon siyang sapat na dahilan." Saad ng isa sa mga Clan Chief kay Xiong Ba.

"Lintek! Bitawan niyo ako! Hindi niyo pwedeng gawin iyan sa Spirit Beast ni Jun Xie! Magkakampi tayo! Kaibigan natin si Jn Xie, kaya siya nandito ay para tulungan tayo!" Napagtanto niyang handa si Qu Wen Hao sa pagpunta dito. Dala nito ang iba pang Clan Chief kasama na rin ang kanilang mga kinatawan.

Hindi natigil ang tugtog ng flute sa silid, patuloy din ang pamimilipiti at pangingisay ni Lord Meh Meh habang nagsisisigaw ito sa sobrang sakit.

Gustong pigilan ni Xiong Ba at Qing Yu ang nangyayari ngayon. Ngunit sila ay hawak sa kanilang magkabilang kamay at paa. Wala silang ibang magawa kundi ang panoorin ang paghihirap ni Lord Meh Meh! 

Namumuo na ang pawis sa noo ni Qu Wen Hao, namumutla na rin ang mukha nito. Ito ang unang beses niyang makaharap ang isang Guardian Grade Spirit Beast simula nang siya ay maging Grand Chieftain ng Thousand Beast City. Mapanganib ang ginagawa niya ngayon.

Natigilan naman ang Sacrificial Blood Rabbit sa kinatatayuan nito habang pinapanuod si Lord Meh Meh na dumadaing. Masyado pang bata ang kuneho para maintindihan ang nangyayari. Pero alam niyang nasasaktan si Lord Meh Meh ngayon.

Tumalon ito sa katawan ni Lord Meh Meh. Kinalimutan nito ang pang-aapi sa kaniya ng tupa. Hinaplos nito ang katawan ni Lord Meh Meh, iniisip na makakatulong iyon upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng tupa. Maririnig ang pag-aalala ng kuneho sa sitwasyon ni Lord Meh Meh ngayon.

avataravatar
Next chapter