1076 Spirit Taming Bone Flute (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Jun Wu Xie ay isa nang kakampi ng Thousand Beast City.

Kaya naman hindi magawang maniwala ni Xiong Ba na si Qu Wen Hao ay gagawa ng bagay na salungat sa kakampi nito.

"Sinabi kong lumabas kayo!" Bakas ang galit sa boses ni Qu Wen Hao. Nauubusan na ito ng pasensya.

"Chieftain! Ano ba talagang gagawin mo? Kakampi natin si Young Master Jun!" Hindi gustong umalis doon ni Xiong Ba. Nanatili siya doon habang nakatitig sa likod ni Qu Wen Hao, habang nakakuyom ang palad.

Tahimik lang si Qu Wen Hao. Sapo pa rin nito ang Spirit Taming Bone Flute, maging ito ay nagtatalon ang kalooban.

"Chieftain, angg mga kasamahan ni Young Master Jun ay nag-iimbestiga na kung saan dinadala ang mga taong kinukulang kasama ni Madam. Sila ay ibabalik dito, lahat tayo ay makakalaya na kay Qu Xin Rui, konting tiis na lang…" Hindi maintindihan ni Xiong Ba kung bakit biglang naging ganito na si Qu Wen Hao. Hindi niya hahayaang mangyari kung anuman ang binabalak nito ngayon.

Gumalaw ang daliri nh nakahawak sa Spirit Taming Bone Flute.

Napansin naman iyon ni Xiong Ba. Anuman ang dahilan ni Qu Wen Hao ngayon, naniniwala pa rin siyang si Qu Wen Hao ay ang tipo ng taong may isang salita.

"Malapit nang mangyari iyon. Antayin mo lang, darating na dito si Madam at makakasama niyo na siya ng Young Miss." pag-uudyok pa ni Xiong Ba. Kasalukuyan siyang ninenerbiyos pero hindi niya maaaring ipahalata iyon.

Ngunit Kakatapos pa lang magsalita ni Xiong Ba ay binunot na ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute!

"Grand Chieftain!" Gulat na gulat si Xiong Ba sa ginawang iyon ni Qu Wen Hao.

Galit na sumigaw si Qu Wen Hao: "Bilang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, inuutusan kitang lumabas! Ngayon din!"

Hindi humarap si Qu Wen Hao dito. Nanatili lang itong nakatalikod kay Xiong Ba.

Naramdaman niya ang gulat at takot sa boses ni Xiong Ba, hudyat ng pagiging tapat nito sa kaniya.

Pero…

Wala siyang magawa.

Inilapat ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute sa kaniyang labi at tumitig kay Lord Meh Meh na nakahiga sa kama.

"Chieftain!!!" Sigaw ni Xiong Ba. Kahit ayaw niyang paniwalaan, lumabas na ngayon ang tunay na intensyon ni Qu Wen Hao!

Gusto nitong gamitin ang Spirit Taming Bone Flute kay Lord Meh Meh!

Si Lord Meh Meh ay Spirit Beast ni Jun Xie, at ang ginawa ngayon ni Qu Wen Hao ay labag kay Jun Xie!

Umalingawngaw ang tunog ng flute sa silid, hindi iyon katulad ng tunog na maririnig sa pangkaraniwang musika. Mararamdamang galing iyon sa kaluluwa ng isang tao.

Nang tumungo an flute, si Lord Meh Meh na nakahiga sa kama ay umungol ng malakas!

Nagsimulang mangisay ang katawan nito. Nakapikit ang mga mata nito sa sobrang sakit na nararamdaman!

Ang Spirit Taming Bone Flute ay ginagamit para baliin ang pagtutol ng isang Spirit Beast. Inuubos nito ang lakas ng Spirit Beast para kusa itong sumunod sa sinuman ang may ng Spirit Taming Bone Flute!

avataravatar
Next chapter