637 Spirit Rings (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mag-iba ng anyo?" Tinanong ni Jun Wu Xie ng nakataas ang kilay.

Ang mga Ring Spirit, ayon sa kanyang kaalaman, ay may tatlong klase. Sa ngayon, ang alam lang niya ay ang tatlo, ang weapon spirits, beast spirits, at ang uri na mayroon siya, ang plant type ring spirit.

Ang unang klase ng ring spirit ay mayroong anyo at hindi sila nakakapag-iba ng anyo, ngunit ang mga plant spirit ay walang ganoong paghihigpit.

Nahulaan ni Fan Zhuo ang pagdududa ni Jun Wu Xie: "Iba ang mga Plant ring spirit. Bagaman hahayaan ng isang spirit ring na gawa sa itim na ginto ang pagiba ng anyo ng naunang dalawang klase, iba parin iyon sa iyong ring spirit. Hindi nila kayang mag-anyong tao ngunit kaya nila ang ibang anyo. Halimbawa, ang isang beast spirit ring na gawa sa itim na ginto ay pwedeng maging sandata."

"Nakakatukso." Sinabi ni Fei Yan habang kinukuskos ang kanyang baba.

"Kayang palakasin ng itim na ginto ang isang tao, ngunit napakadalang nito. Sa pagkakaalam ko, sa loob ng Labing-dalawang Palasyo, ang mga may spirit ring na gawa sa itim na ginto ay mas mababa sa tatlo, at sa ilang palasyo, ang Puno lang ang mayroon nito. Para makagawa ng isang spirit ring gamit ang itim na ginto, kailangan ng mahusay na ring forger para gumawa nito, kahit na bigyan niyo ako ng itim na ginto ngayon, hindi ako makakagawa ng spirit ring." Sinabi ni Fan Zhuo. Ang paggawa ng spirit ring na natutunan niya sa kanyang ina ay kaunti lang at kaunti lang ang mahuhusay na Ring Forger sa Middle Realm. Karamihan sa kanila ay hinati na sa Nine Courts ng Labing-dalawang Palasyo, at ang karamihang tao ay hindi makakakita ng isa sa kanilang buhay.

"Wag niyo nang masyadong isipin. Ang magkaroon ng Ring Forger na gagawa ng singsing natin, maswerte na tayo." Sinabi ni Hua Yao.

Nagreklamo si Fei Yan: "Sinasabi ko lang, na handa si Fan Zhuo na gumawa ng spirit rings para sa atin, ay isa nang pagpapala."

Tinignan ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie at sinabing: "Mayroon akong mga gamit na iniwan sa akin ng aking ina. Pwede na tayong magsimula ngayong mayroon na tayong itim na pilak, ngunit…" Nagduda si Fan Zhuo.

"Hindi ako tinuruan ng aking ina na gumawa ng plant type na spirit ring. Kaya… Wu Xie, para sa iyo, ihuhuli ko ito, dahil hindi ako sigurado kung gagana ito. Kung hindi ito gumana malaki ang problemang idudulot nito sa yong ring spirit."

Ang plant type ring spirit, ay madalang lang. Kahit si Fan Zhuo, na naturuan ng likas na Ring Forger, ay walang lakas ng loob na gumawa nito.

"Sige." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Mas naintriga siya sa paggawa ng spirit ring. Ang mga ring spirit ay isang klase rin ng espiritu. Ang paggawa ng spirit rings ay maihahalintulad sa pagpapalakas ng isang spirit form. Para kay Jun Wu Xie na nagsama ng dalawang espiritu, ang pag-intindi sa mysteryosong mga sikreto sa mga pangyayaring ito ay mas mahalaga.

Hindi nagtagal, nagpasyang mauuna ang kay Hua Yao, na galing sa Tribo ng mga Bone Shifter at ang kanyang Double Headed Bone Snake ay masasabing mas matatag kaysa kela Fei Yan, na dahilan ng pagkauna ni Hua Yao.

Hindi na tinamad si Fan Zhuo at agad na inalis ang tansong bola sa kanyang bewang. Ang bolang ito ay mukhang normal sa labas, at wala silang inasahan, ngunit ng ikutin ito ni Fan Zhuo, naglabas ito ng kulay berdeng apoy!

"Ito ang Soul of Flames na ginagamit lang sa paggawa ng spirit rings. Sa apoy lang nito, madudugtong ang isang espiritu at ang itim na pilak." Pinaliwanag ni Fan Zhuo.

Hindi numinga si Hua Yao at inipon ang lahat ng kanyang spiritual power sa kanyang spirit ring. Nagningning ito at inalis niya sa kanyang daliri, at inabot kay Fan Zhuo.

avataravatar
Next chapter