645 Spirit Reinforcement (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang mapagtanto niya ang kondisyon ng kanyang katawan, hindi nagmadali si Jun Wu Xie na ipagpatuloy ang pagsubok sa iba't ibang epekto ng spirit reinforcement runes pero ito'y kanyang isinulat agad ng detalyado sa mga nasubukan na nila.

Maliban sa apoy at hangin, karamihan ng ibang spirit reinforcement runes ay nagpalakas o pinatibay ang kanilang ibang kakayahan.

Isang ehemplo ang nabanggit ni Fan Zhuo. May tatlo siyang alam na spirit reinforcement runes na nakakadagdag sa bilis, lakas o katatagan. Nakakilala siya ng dalawang runes mula sa tatlong iyon at nakadiskubre siya ng dalawa pa na nagpagaan ng katawan o magtago ng kanilang presensya.

Iba't ibang spirit reinforcement runes ay nagbibigay ng iba't ibang epekto. Kung maitutugma ang mga epekto ng runes at maayos ang pagkakalagay nito, ang resulta'y siguradong kamangha-mangha!

Pagod at nakahilata sa lamesa, nakapagrelax ng maigi si Jun Wu Xie para sa paghigop ng spiritual energy mula sa Snow Lotus.

Kahit nadiskubre niya kung paano magamit ang spirit reinforcement, at naintindihan niya ang mga epekto na binibigay ng spirit reinforcement runes, mahihirapan parin siya kung gagamitin niya ito sa laban. Ang pinakaimportanteng kailangan niyang malaman ay kung paano ito ididikit sa katawan ng mga spirit bodies para mas matagal ang epekto nito sa labanan.

Habang nagmumuni muni si Jun Wu Xie dito, dahan dahan siyang nakatulog. Pagod na pagod na si Little Black, pero napilit niyang tumayo at kumuha ng kumot para kay Jun Wu Xie, kahit hirap na hirap na siya.

Matapos ang maraming subok, sumuko na si Little Black, ang kanyang katawa'y di na magalaw sa lamesa. Sumandal ito kaunti kay Jun Wu Xie at pumikit upang makapagpahinga.

Kinaumagahan, kumatok si Qiao Chu sa pinto ni Jun Wu Xie. Nagising ito at kinarga ang kanyang pusa bago binuksan ang pinto.

"Sinabihan ako ni Little Zhou na tanungin ka kung gusto mo siyang panooring humulma ng spirit rings namin." Sabi ni Qiao Chu na puno ng lakas. Tinulungan ni Fan Zhuo si Hua Yao at Fei Yan na ihulma ang kanilang spirit rings kahapon, at ngayon ay kay Rong Ruo at kanya naman ang ihuhulma ni Fan Zhuo.

Hindi dapat pupunta si Jun Wu Xie, ngunit matapos niya itong pagisipan, siya'y tumungo.

May kakaibang metodo si Jun Wu Xie para pagyabungin ang kanyang spiritual powers na nakakatulong sa pagbalik at pagpuno muli ng kanyang kapangyarihan ng mabilisan. Ngunit, hindi ganoon para kay Fan Zhuo. Hinulma niya ang spirit rings ni Hua Yao at Fei Yan kahapon ng magkasunod. Sa palagay niya ang spiritual powers nito ay halos paubos na. Base sa kanyang kaalaman, hindi dapat ituloy ni Fan Zhuo ang kanyang paghuhulma ngayon.

Pumunta si Jun Wu Xie sa kwarto ni Fan Zhuo habang karga niya si Little Black. Nang makita niya si Fan Zhuo, hindi naman malala ang kanyang kalagayan tulad ng kanyang iniisip, at mukhang hindi rin nauubos ang kanyang spiritual powers. Naguluhan si Jun Wu Xie at ito'y tinanong niya ng direkta. Nagulat si Fan Zhuo pero ito'y nginitian niya.

"Wag mo kalimutang taga-Middle Realm ako. Ang mga tao sa Middle Realm ay may espesyal na metodo para pataasin ang kanilang spirit powers. Kung ginamit ko ang spirit powers ko ng hindi ginagamit ang metodong iyon, malamang nahimatay na ako sa paghulma ng isa singsing lamang."

"Isang espesyal na metodo?" Tanong ni Jun Wu Xie ng nakataas ang kanyang kilay. Naging mausisa si Jun Wu Xie sa kakayahan ni Qiao Chu at ng iba na ipwersa ang kanilang spirit powers sa lilac na lebel matapos niya itong makita.

"Oo. Ang mga tao sa Middle Realm ay sinilang ng may ganoong kakayahan." Tumungo si Qiao Chu sa gilid.

"Kung interesado kang makaalam pa, sasabihin ko sayo ng detalyado sa ibang araw." Nangako si Fan Zhuo ng may malaking ngiti. Umalis ng maaga sila Fei Yan at Hua Yao. Gusto nilang makahanap ng lugar para masubukan ang bagong hulmang spirit rings at makita kung gaano kalakas na ang kanilang ring spirits.

"Di ako nagmamadali." Sumagot si Jun Wu Xie agad. Nang maklaro ang kanyang mga pagdududa, wala siyang nakitang dahilan para magtagal pa at siya'y lumabas na. Gusto nyang maghanap ng materyales na makakatulong sa kanyang paglagay ng spirit reinforcement runes sa spirit bodies ng mas matagal na panahon.

avataravatar
Next chapter