644 Spirit Reinforcement (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napanganga ang maliit na itim na pusa sa gulat. Parang… pakiramdam niya... dinamay niya si Little Lotus dito.

Walang ano pang salita, dali daling pinatawag ni Jun Wu Xie si Little Lotus.

Tumayo si Little Lotus na nakayapak, ang kanyang maliit na mukha'y nakatingin kay Jun Wu Xie na walang kamuwang muwang. Agad niyang nakita si Lord Meh Meh na natutulog sa kama at ang kanyang punggok na katawa'y agad na nanginig.

"Maestra.. May kailangan po ba kayo?" Tanong nito habang dahan dahan itong lumalayo sa kama.

Minumulto parin si Little Lotus ng kanyang katakot takot ng alaala sa paghabol at pagkagat sakanya ni Lord Meh Meh.

Kung hindi dumating ang Maestra at hinatak si Lord Meh Meh papalayo sakanya, maaring naging maliit na buto ng bulaklak nalang siya. 

"May ipapagawa ako sainyo ni Little Black." Sagot ni Jun Wu Xie.

Tumungo si Little Lotus, agad agad na sumangayon, ang kanyang matabang pisngi'y nagpakita ng malaking ngiti.

"Gagawin ko ang lahat para sa utos na ibibigay sakin ng Maestra ko!" 

Hindi magawang tignan ni Little Black si Little Lotus sa mata, at kanyang tinakpan ang mukha nya gamit ang isa sa kanyang mga paa sa hiya't konsensya.

Sa ilang sandali pa, hindi na makakangiti ng ganyan si Little Lotus.

May pagkamusmos parin si Little black. Kahit pinatawag ni Jun Wu Xie si Little Lotus, hindi ibig sabihin ay nakakaligtas na siya.

Kumuha si Jun Wu Xie ng isang basong tubig at nagsulat ito ng isang serye ng mga Spirit Reinforcement runes sa sahig bago ito pinasubukan kayla Little Lotus and Little Black ng salitan. Ang dalawang maliit na katawa'y natrauma ng maigi na pakiramdam nila'y mas madali pang mamatay na laman sila. Hindi nagtagal ay naiyak na si Little Lotus pero wala siyang ibang pwedeng gawin kungdi magpatuloy sa pagsubok ng iba't ibang epekto ng Spirit Reinforcement rules habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. 

Habang nagsusulat si Jun Wu Xie ng mga Spirit Reinforcement runes, naramdaman ni Jun Wu Xie ang pagkahina ng kanyang ispiritwal na kapangyarihan. Matapos niyang magsulat ng dalawang pung mga characters, tuluyan nang naubos ang kanyang kapangyarihang ispiritwal.

Hiningal siya nang siya'y makaupo. Tinignan niya ang dalawang pagod na pagod, si Litlle Black at Little Lotus, na sa sobrang kapaguran ay di na makatayo. Napakunot ang kanyang noo.

Sa simula, hindi niya naramdaman ang pagkabawas ng kanyang ispiritwal na kapangyarihan. Ngunit nang dumami ang mga nasulat niyang runes, bigla niyang naramdaman ang kanyang kapangyarihan na mabilis nauubos. Hindi naman ito nangyari nang siya'y nagsusulat ng runes sa papel.

"Nakakaubos nga ng spiritwal na kapangyarihan ang pagsulat ng Spirit Reinforcement runes." Pinagmuni-munihan ito ni Jun Wu Xie. Sinubukan niyang magsulat ng runes sa papel at pinasubok sa dalawa, pero walang naging epekto ito.

Halata naman na nakakaubos ng spiritual energy ang pagsulat ng spiritual reinforcement runes kung ito ay nagagamit ng isang spirit body.

Kung hindi ito nagagamit, hindi nakakabawas sa spiritual energy ng isang indibidwal. Nang gumamit siya ng tubig, at ang mga runes ay nasalin sa katawan nila Little Lotus at Little Black, nakain nito ang spiritual energy niya.

Nang mapagtanto niya iyon, maraming naging klaro para kay Jun Wu Xie.

Nagtaka si Little nung hinuhulma ni Fan Zhuo ang mga spirit rings, kinailangan niyang panatilihin ang walang tigil na pamalit ng spiritual energy. Mukhang ang mga spirit reinforcement na matagal ang epekto ay gagamit ng mas maraming spiritual energy.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang Heaven's Flask na may tubig ng Heaven's spring. Gamit ng nagapalusog na tubig ng Heaven's spring, naguumapaw ang Snow Lotus ng spiritual energy. Nang ito'y hinigop ni Jun Wu Xie, nagulat siya sa naging proseso nito ngayon.

Nagdoble ang bilis ng paghigop niya ng spiritual energy!

Halos naubos ang kanyang spiritual energy sa nangyaring pagsubok ng mga runes, pero ang bilis ng pagkuha niya muli ng spiritual energy ay isang bagay na di pa niya nararanasan noon.

Makikita sa mga mata nito ang kanyang pag-iisip. "Hindi ko inakalang ang pagkabilis na pagkaubos ng spiritual power ko ay makakapagdala ng di inaasahang resulta."

avataravatar
Next chapter