641 Spirit Reinforcement (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumuko na si Jun Wu Xie sa ideya nang mapakinggan niya si Fan Zhuo. Kung ang runes ay magkahawig sa kung ano ang nasa spirit ring ni Hua Yao, malaki ang posibilidad na mas malaki ang epekto nito sa kanilang mga spirit rings.

Sa kasamaang palad, halos wala silang alam sa ibig sabihin ng mga characters na iyon, at hindi nila ito magagamit. 

Mataas ang posibilidad na ito'y naglalaman ng malaking kapangyarihan, hahayaan lang ba nilang lumipas ang oportunidad na ito?

Pinaliit ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata habang nagiisip nang biga siyang lumingon kay Fan Zhuo.

"Turuan mo ko pano magforge ng singsing."

Nabigla at nagulat si Fan Zhuo sa kahilingan ni Jun Wu Xie.

"Gusto mong subukan?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Bumuntong hininga si Fan Zhuo at sinabi "Kung interesado ka talaga, pagkabalik natin mula sa Heaven's End Cliff, ituturo ko sayo."

"Sige."

Matapos magkasundo ng dalawa, hindi na nagsalita pa si Jun Wu Xie tungkol dito at umupo na lamang sa isang gilid habang tinititigan ang mga characters na sinulat niya sa isang pirasong papel, sinusuri ang bawat isa.

Si Fan Zhuo, sa kabilang banda, ay patuloy na humuhulma ng spirit rings para sa iba.

Lumipas ang araw at dumating na ang kadiliman ng gabi sa kabuuan ng lupa. Nagbalik si Qiao Chu at si Mu Qian Fan nang may bitbit na punong punong mga supot ng kagamitan at marami pang iba. Matapos nila itong maligpit, hindi na nakapagintay si Qiao Chu at siya'y dumiretso kay Fan Zhuo para mapanood ito sa paghulma na spirit ring.

Ang proseso ng paggawa ng spirit ring ay mahaba't napakahirap. Hindi sapat ang isang araw para sa paghulma ng spirit ring ng lahat. 

Nanood at nagobserba lamang si Jun Wu Xie sa buong proseso ng paghulma ng isang spirit ring. Kung ano man ang gusto niyang matutunan, kailangan niya munang pagmunimunihan at pagisipang maigi para maintindihan ito.

Sa kwarto ni Jun Wu Xie, umupo siya sa gitna nito. Humiga ang maliit na itim na pusa sa kanyang lamesa habang tinititigan lamang ang kanyang maestrang malalim ang iniisip. Nabusog si Lord Meh Meh at ito'y humiga lamang sa kama't masarap ang tulog.

"Isa ba yung buong taludtod sa isang pahina, o maiiksing pangungusap na halo halo…?" Nasabi nya ang kanyang mga iniisip. Nakahanap siya ng paraan kung paano gamitin ang Spirit Reinforcement pero hindi parin niya ito napapahusay, at nabigo ito dahil dito. 

Isinawsaw niya ang kanyang daliri sa kanyang tsaa at nagsulat sa lamesa gamit ang kanyang daliring basa, ang mga simbolo'y palutang lutang sa kanyang pagiisip.

Tahimik na nakahiga ang maliit na itim na pusa sa kanyang tabi habang winawagayway ang buntot nito. Gabing gabi na ngunit mukhang hindi parin inaantok si Jun Wu Xie. Sa kabilang banda, nakaramdam na ang pusa ng pagod. Nag inat ito ng katawan at tumayo, humakbang ng dalawang beses, at gustong tumalon sa lamesa.

Gayunpaman, bigla itong nakaramdam ng napakainit mula sa kanyang mga paa.

Sa sumunod na sandali, nabalot na ito ng isang bolang apoy!

"MEOW!!!"

[ANO TO?!]

Ang biglaang pagliyab ng apoy ang nagpasigaw sa maliit na itim na pusa, ang lahat ng balahibo'y nakatayo na. Mabilis itong tumalon papalayo sa lamesa, pero ang apoy ay nakapalibot parin sa katawan nito. Sa isang serye ng mga meow niya't tili, patalon talon na siya sa buong silid para mawala ang apoy sa katawan niya.

Nanlaki ang mata ni Jun Wu Xie sa apoy na nakapalibot sa katawan ng kanyang pusa.

Ilang segundong nagdaan, biglang nawala ang apoy sa katawan nito. Naligo na sa malamig na pawis ang pusa, ang kanyang kuko'y nakabaon maigi sa kurtinang may dalawang malaking kalmot.

"Meow…"

[Ano yung nangyari? Halos mamatay ako dun!]

Tumalon mula kurtina ang pusa at yumakap kay Jun Wu Xie, ang katawa'y nanginginig parin mula sa pagkabigla sa mga nangyari.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Jun Wu Xie sa pusang nasa kanyang yakap. Naintriga ng gusto si Jun Wu Xie sa nangyari kanina.

"Di.. hindi ko alam. BIglaan… bigla nalang akong nagkaapoy…" Naiyak lang ang maliit na itim na pusa. Gusto niya lang naman matulog, ano ang nangyari?

Binuhat ni Jun Wu Xie ang pusa't sinuri ang katawan nito. Walang natamong sugat na kahit na ano ang pusa at ang balahibo nito'y makinis at madulas parin.

avataravatar
Next chapter