640 Spirit Reinforcement (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang ginamit ko sa spirit ring ni Hua Yao ay pampalakas sa bilis at kilos ng kanyang ring spirit. Ang ring spirit niya ay mabilis gumalaw. Kaya kung bilisan pa natin ito, lalakas ito sa labanan. Maliban sa pagpapabilis sa isang ring spirit, ang dalawa pang hulma ay nakakapagpalakas at nagpapabanat sa mga espiritu. Ayon sa sinabi ng aking ina, ang iba't ibang larawan ay may iba't ibang epekto sa mga ring spirit, at kung mas malakas ang Ring Forger, mas marami siyang pwedeng gamitin na hulma at mas mapapalakas ang mga ring spirit." Nagsisisi si Fan Zhuo.

Nang umalis ang kanyang ina, bata pa siya, at hindi niya masyadong nahigop ang kaalaman patungkol sa mga Ring Forger, at sa mga alam niya, tatlo lang ang nagagawa ng mga rune.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie sa pagiisip. Magagamit ang Spirit Reinforcement sa ganitong pamamaraan? Bagaman hindi niya maintindihan ang ibig-sabihin ng mga rune, kung sinubugak niyang intindihin ang mga ibig-sabihin nito base sa mga larawang mayroon si Fan Zhuo, baka hindi sila masyadong mahirap intindihin.

At si Fan Zhuo na ang nagsabi, na sa pagkakaiba-iba ng mga rune na gagamitin sa spirit ring, iba-iba rin ang magagawa nito sa spirit ring.

Mali ba na, isipin niyang ang bawat rune ay may sariling epekto sa resulta nito

Maraming ideya ang lumitaw sa isip ni Jun Wu Xie, at may matatapang na pagiisip na dumating sa kanya. Napaupo si Jun Wu Xie sa mesa, kumuha ng pera, at nagsulat ng mga hindi mabasang letra dito. Base sa hugis ng mga titik na iyon, halos parehas sila ng itsura sa mga nakalagay sa singsing ni Hua Yao.

"Mula dito, ilan ang naaalala mo?" Napuno ni Jun Wu Xie ang papel sa loob ng maikling oras at inabot ito kay Fan Zhuo.

Kinuha ni Fan Zhuo ang papel at tinignan ito. "Sa mga ito, dalawa ang nakikilala ko. Ito at ito." Tinuro niya ang dalawang kilala niya. "Ginamit ito sa singsing ni Hua Yao, at ito naman ang ginagamit ko para magpalakas."

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang dalawang titik na tinuro ni Fan Zhuo. Sa mga letrang nandoon, walang pagkakasunod-sunod ang mga pwesto nila, at ang mga titik ay lumitaw ng isang beses lamang.

"Little Xie, saan mo nakita ang mga ito?" Tinanong ni Fan Zhuo habang nakatingin sa maraming matatandang letra. Hindi man maintindihan ng iba ang ibig-sabihin ng mga ito, ngunit malinaw ito para sa kanya.

Alam lang niya ang tatlong grupo ng runes para sa paggawa ng spirit rings, ngunit ng makita ang mga sinulat ni Jun Wu Xie, mas marami pa sa isang daan ang mga ito!

Sa dami ng mga titik na iyon, ano kaya ang mga epekto ng mga ito?! Hindi na niya inisip. Nagpasya siyang kahit ang pinakamahusay na Ring Forger ay hindi pa nakakagamit ng ganoon karaming kombinasyon.

Wala pang nakikilalang Ring Forger si Jun Wu Xie dati, kaya paano niya alam ang mga ito?

"Hindi ko matandaan." Yumuko si Jun Wu Xie. Mula sa kanyang pagkabata, matalas na ang kanyang memorya, at naaalala ang lahat ng kanyang nakikita. Ang lalaking iyon ang nagpakita sa kanya ng mga rune na iyon at natandaan niya ang lahat ng iyon sa isang sulyap. Kahit na wala pa siyang gamit sa mga ito, natatandaan parin niya ang mga ito.

Kung sasabihin ang katotohanan, ang mga rune na nakita niya ay mas marami pa kaysa sa mga sinulat niya, ang dinala ng lalaking iyon, ay nakaukit sa balat ng kambing na dalawang daliri ang kapal. Ang mga rune na mabilis niyang sinulat, ay dalawang pahina lang ng kabuoan.

"Magagamit mo ba ang mga ito?" Tinanong ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo.

Umiling agad si Fan Zhuo.

"Hindi ko kilala lahat ito, at kapag hindi ko inayos ang gamit ko sa kanila sa spirit ringsm hindi ko alam ang magiging epekto ng mga ito. Kung may mangyaring aksidente, baka makasama ito sa ring spirits."

avataravatar
Next chapter