639 Spirit Reinforcement (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pati ang kanyang tingin, ay hindi gumalaw mula sa Soul of Flames.

Agad na dinala ni Hua Yao yung kulay asul na Spirit Stone na hinanda niya sa harap ni Fan Zhuo. Binaba ni Fan Zhuo ang pilak na patalim, at kumha ng sipit sa kanyang balabal para hawakan ang Spirit Stone, bago ito ilagay sa taas ng spirit ring na tumitigas na.

Lumipas ang mga oras, na parang buhangin sa kamay. Parang kisap lang ng mata, ang ilang oras ay hindi napansin, at malinaw ang pawis sa mukha ni Fan Zhuo.

"Tapos na!" Nakangiti si Fan Zhuo, at agad na ginamit ang sipit para alisin ang nagawang spirit ring, sinarado ang tansong bola, para matago ang Soul of Flames, at pinatong ang naguusok pang singsing sa mesa.

Ang spirit ringna ginawa gamit ang itim na pilak ay kulay itim. Sa malalim na itim na iyon, makikita ang malamig na kislap. Isang kulay asul na Spirit Stone ay nanatili, nakapatong sa kumikislap na itim na singsing.

Hindi makapaghintay si Hua Yao. At napansin niya agad, na mayroong mga nakahulma sa gilid ng singsing, na hindi niya kilala. Pinalibutan ng mga ito ang labas ng singsing, at nakatago sa mga ito ay purong itim, na hindi agad mapapansin.

"Spirit Reinforcement?" Pinanood ni Jun Wu Xie ang buong proseso at nang makita niya ang mga hulma, tinanong niya iyon.

"Ano?" Nagulat si Fan Zhuo.

Tinuro ni Jun Wu Xie ang mga nakahulma sa singsing: "Matatandang rune ang mga ito, at ginamit sila para patibayin at palakasin ang mga espirito."

Sa halip na tawagin itong mga hulma, mas tama ang rune.

Ang mga nakahulmang iyon, nakita na niya ang mga iyon dati. Bata pa siya noon, at hindi pa siya nakikipagsama sa itim na pusa noon. Ang lalaking iton, ay abala sa pagsasaliksik sa mga bagay na may kinalaman sa spirit forms, at kung paano palalakasin ang mga ito. Sa panahong iyon, sinasaliksik ng lahat ang patungkol doon, at ang lalaking iyon, ay naghanap na sa buong mundo ng kaalaman patungkol doon.

Ang mga rune na iyon, ay kasama sa mga sinaliksik niya.

Nakita na iyon ni Jun Wu Xie dati, at sinabi sa kanya ng lalaki na kapag mahanap niya ang ibig-sabihin ng mga iyon, lahat ng mga katanungan nila tungkol sa mga espiritu ay malilinaw.

Gayunman, hanggang sa mamatay ang lalaking iyon, hindi niya natapos na hanapin ang ibig-sabihin ng mga rune, at nakakamit lang ng kaunting pagkaintindi sa kanila.

Para palakasin ang isang espiritu, kailangang kumuha ng lakas mula sa ibang espiritu, at tawag itong Spirit Reinforcement.

Bagaman mababa pa ang kaalaman ng lalaking iyon patungkol sa runes, ginamit parin niya ang hindi kumpletong kaalaman sa Spirit Reinforcement para idugtong ang kaluluwa ng maliit na itim na pusa sa kanyang katawan.

Mas marami pang ginamit ang lalaking iyon na rune kaysa sa nasa spirit ring. Ang bilang ng mga rune sa spirit ring ay maikli lang na pananalaysay.

"Little Xie? Alam mo ito?" Tinanong ni Fan Zhuo na hindi mapakali, na parang nakakagulat ang sinabi ni Jun Wu Xie.

"Hindi ko masasabing alam ko, pero nakita ko na dati." Pinaliwanag ni Jun Wu Xie, at umiiling. Hindi siya pinayagan ng lalaking iyon na lumapit sa kanyang pananaliksik, kaya kahit na nakita na niya dati, hindi niya napalalim ang kaalaman niya patungkol dito.

"Huwag mong sabihin na may nakilala ka nang ibang Ring Forger?" Tinanong ni Fan Zhuo.

Umiling si Jun Wu Xie

Bago banggitin ni Fan Zhuo ang mga Ring Forger kanina, hindi niya alam na may ganoong trabaho.

Pinaliwanag ni Fan Zhuo: "Ang gawa ng mga nakahulma ay ginagamit ng mga Ring Forger para udyukin at ilabas ang kapangyarihan ng mga spirit rings. Ang mga ibig-sabihin nila'y hindi malinaw sa akin. Nag-iwan sa akin ang aking ina ng tatlong larawan ng iba't ibang hulma at disenyo, at magkaiba ang epekto ng bawat larawan."

avataravatar
Next chapter