403 Spirit Healer (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang ibig-sabihin ko'y dalhin mo at aralin sa sarili mong oras." Pinaliwanag ni Gu Li Sheng.

"Natapos ko na."

"Ha?" Nakatitig si Gu Li Sheng kay Jun Wu Xie ng hindi makapaniwala.

Inulit ni Jun Wu Xie: "Natapos ko na."

Mas manipis pa ang libro sa libro ng mga alituntunin ng Akademya kaya madali lang ang pagkakabisa nito sa kanya.

"....." Napatitig lang si Gu Li Sheng at matapos ang isang matagal na katahimikan: "Natapos mo na? Sabihin mo sa akin ang pangalawang taludtod sa pang-walong pahina kung kaya mo."

Tinignan ni Jun Wu Xie si Gu Li Sheng at nagsalita ng mabagal at malinaw. Sinabi niya ang pinapasabi sa kanya ng mismong katulad sa libro, walang pagkakamali, bawat salita ay malinaw…..

Medyo natakot si Gu Li Sheng.

Nagdududa parin siya kaya naglagay siya ng ilan pang mga libro sa harap ni Jun Xie at sinabing: "Pati ang mga ito."

Tinignan ulit ni Jun Wu Xie si Gu Li Sheng at sumuko sa kanyang sumpong at binasa ang lahat ng mga libro isa-isa.

Bago pa magtanong si Gu Li Sheng, pumili na si Jun Wu Xie ng mga basahin sa mga libro at sinabi ito ng malakas.

Pagkatapos…..

Pinulot ni Gu Li Sheng ang mga libro at binalik sa istante.

Nangako siya sa sarili niya, na hindi na niya ipapakita ang mga librong ito sa mga disipulo niya kahit kailan!

Nakakahiya!

Nung siya'y nagsisimula, para lang makabisado ang mga librong ito, pinag-hirapan niya ang mga ito sa loob ng anim na buwan. Hindi niya inakalang may disipulong kayang kabisaduhin ang lahat ng ito bago pa maubos ang isang insenso.

Nahiya siya sa sarili niya…..

*Ahem*"..... Madali lang magkabisa ng mga salita. Matalas ang memorya mo. Ngunit mas importante….. ang maintindihan ang binasa mo." Hindi pa napapahiya ng ganito si Gu Li Sheng sa harap ng kanyang mga disipulo. Lagi niyang pinanatili ang imahe niya bilang isang misteryoso at magarbong guro sa harap nila at naramdaman na kailangan niyang bawiin ang kanyang lingas.

Nagtaas si Jun Wu Xie ng isang kilay at sinabing: "Nakabase ang Spirit Healing sa likas na spiritual power ng isang tao at ginagamit ito para gamutin ang anumang kakulangan ng espiritu. Bgunit ang pamamaraan nito ay hindi pwedeng gawin ng matagal. Ang dami ng spiritual powerna nakakain ay hindi patas sa pagkakagamot na natatanggap ng espiritu. Ang sobrang pagkawala ng spiritual power ay magsasabi lang na mali ang pamamaraang ginamit."

Nakatala sa mga librong iyon ang bawat detalye ng Spirit Healing at mukhang mahirap intindihin ang mga nilalaman, ngunit para kay Jun Wu Xie, na nakakaintindi ng mga pagkakadugtong ng mga pala-angkanan at napakahusay sa bahaging iyon ng medisina, madali nalang para sa kanya ang pagintindi ng paglipat ng enerhiyang ganito. Basta't mayroon siyang magandang basehan, marami siyang makukuhang mga sagot sa simpleng basehan niya.

Para sa kanya, mahirap na paggamit ng spiritual power ang Spirit Healing, ngunit ang pamamaraang ito ay gumagamit ng sobra para sa maliit na kapalit.

Magagamit na ito, ngunit kailangan pa ng labis na pag aaral para mas mapaganda ito.

At ang mga ilang librong iyon ang nagtanggal ng mga pagdududa ni Jun Wu Xie, at nagbigay sa kanya ng mga bagong ideya.

Nalaman niya mula sa mga libro na ang isang spiritual body ay pwedeng gawing enerhiya na pwedeng gamitin. Nang kinain ng maliit na itim na pusa ang Gintong Leon, pwedeng sabihin na ito ay isang paraan ng pagkain ng enerhiya, at ang enerhiyang iyon ay nagbago sa loob ng espiritu ng itim na halimaw at naging lakas ang espiritu ng Gintong Leon, na nagpalakas sa itim na halimaw.

Sa Spirit Healing naman, ginagawa nitong spiritual energy ang spiritual power ng isang tao. Kahit na hindi ito kasing puro ng pagkain ng mismong ring spirit, pwede nitong abutin ang parehas na epekto sa ilalim ng ilang kondisyon.

Ang Spirit Healing ay misteryo sa lahat ng ibang tao, ngunit para kay Jun Wu Xie, matapos basahin ang mga libro, may naisip siya…..

Ang lahat ng ito….. ay hindi naman pala ganoon kahirap.

Masyado niyang pinahirapan ang kanyang sarili sa mga aspektong espirituwal ng mundong ito at ginapos ang kanyang isipan sa mga ito.

Nalubog si Jun Wu Xie sa kanyang pagiisip at hindi namalayang nagsasalita na siya patungkol sa mga kakulangan ng Spirit Healing ni Gu Li Sheng, at nasabi rin ang mga bagay na pwede pang mas ayusin.

Dahil hindi napansin ni Jun Wu Xie na nagsasalita na pala siya, hindi rin niya napansin na si Gu Li Sheng, na nakaupo sa hrap niya, ay nakanganga, at mukhang hindi matikom ang kanyang bibig.

avataravatar
Next chapter