171 Spirit Devour (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang balak si Jun Wu Yao na pakawalan si Jun Wu Xie galing sa kaniyang pagkakayakap. Nakikita niyang magkasalubong na ang mga kilay nito. Banayad na hinaplos niya ang batok nito at bumulong: "Kung interesado ka, maaari kong ipaliwanag sa'yo."

Iniiwas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo palayo sa mukha ni Jun Wu Yao,kaya lang mabilis ito at mas lalo pang hinigpitan ang mga yakap niya at mas lalo siyang hindi makagalaw.

"Sige." Sagot niya at pilit na kinakalma ang sarili.

"Ang mga contractual spirit ay nakatira sa Contractual World. Ang iba sa kanila ay nagmula sa ancient spiritual beast, ang iba naman ay nagmula sa ancient celestial soldiers. Nang ang kanilang pisikal na katawan ay naglaho, ang kanilang espiritu ay bumalik sa Spiritual World at namuhay bilang contractual spirit hanggang sa sila ay maitakda sa isang tao. Sila ay gigisingin ng taong iyon at ang kanilang espiritu at kaluluwa ay ipagkakaisa hanggang sa ang kanilang master ay mamatay. Ang tao ay namamatay ngunit ang contractual spirit ay hindi. Ang contractual spirit ay babalik sa spiritual domain para maghintay sa taong itinakda para sa kaniya. Ngunit may kataliwasan ito…"

Saglit na tinignan ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie, nakita niyang wala na ang pagkakakunot ng noo nito at matamang nakikinig sa kaniya. Ngumiti siya at nagpatuloy: "Kahit na hindi namamatay ang contractual spirit sa oras na namatay ang kanilang master, hindi ibig sabihin noon ay hindi mapuputol ang kanilang koneksyon. Sa ibang kaso, natutunan nilang sumimot ng contractual spirit galing sa kaluluwa ng tao at sasakupin nila ang contractual spirit gamit ang ibang tao. Ito ang ipapakain nila sa contractual spirit."

"Sa oras na lisanin ng contractual spirits ang Spiritual World, ang usad ng kanilang pagsasanay ay bumabagal. Para ito ay bumilis, may dalawa silang pamamaraang maaaring ikonsidera. Una ay hahanap sila ng makakatulong para palakasin ang kapangyarihan nila o pangalawa ay makakamit nila ito sa pamamagitan ng pagsila ng ibang contractual spirit---ito ang tinatawag na spirit devour."

Sigurado si Jun Wu Xie na walang nakakaalam na kahit sino sa Kingdom of Qi tungkol sa sinabi sa kaniya ni Jun Wu Yao. Naalala niya pang sinabi ni Jun Wu Yao: "Hindi ito para sa inyong mga simpleng tao lang para malaman."

"Ang ginawa ni Little Black ay matatawag na Spirit Devour?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Umiling si Jun Wu Yao bago sumagot: "Ang Spirit Devour ay hindi basta-bastang nagagawa mag-isa ng contractual spirit. Ang iyong pusang itim ay sadyang espesyal at hindi ko pa ito nakikita sa tanang buhay ko. Wala pang beastial contractual spirit ang nakakaubos ng ibang contractual spirit. Ito ay kakaiba, katulad mo."

"Ang proseso para sa Spirit Devour ay pinasimple. Pero para maisagawa ito at tuluyang matalo ang kapangyarihan ng ibang contractual spirit ay hindi madali. Maswerte siyang natalo niya ang isang nasa ika-limang antas ng beast contractual spirit, ngunit kung nasa ika-pitong antas na iyon, baka pati ang kaniyang pisikal na katawan ay hindi kakayanin."

"Ika-lima? Ika-pito?" Naguluhan si Jun Wu Xie.

Mahinang tumawa si Jun Wu Yao at nagpatuloy sa pagpapaliwanag dito.

"Dito sa amin, ang mga contractual spirit ay may pinakamataas na antas at ito ang ika-pito. Ngunit ang pagkakaiba sa antas o ranggo ay hindi mahahalata. Tuturuan kita sa susunod kung paano makita ang pagkakaiba ng mga antas ng mga contractual spirit. Kapag nagtagumpay ng iyong pusa sa pagkuha sa espiritu ng Golden Lion, ang kapangyarihan at lakas niya ay mas lalong lalakas."

Mahinang kinagat ni Jun Wu Xie ang kaniyang labi. Ang misteryo kay Jun Wu Yao ay mas lalong lumalalim.

Ang salitang "dito sa amin" na kaniyang ginamit ay nangagahulugang hindi siya taga dito o kahit sa karatig bayan man lang. Hindi rin ito ang unang beses na sinabi niya ito.

Para namang nabasa ni Jun Wu Yao ang kaniyang isipan kaya naman napatawa ito, "Huwag kang mag-alala, kahit saan pa man ako nagmula, hinding hindi kita sasaktan."

"Pwede mo na akong bitawan." Tinignan ni Jun Wu Xie ang mga kamay na nakahawak sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong klaseng tao ito o kung anong nararamdaman nito, sa tuwing sila ay nagkikita, lagi siya nitong niyayakap.

Hindi sa ayaw ni Jun Wu Xie na dumikit ito ng ganon kalapit sa kaniya, hindi siya komportable.

avataravatar
Next chapter