170 Spirit Devour (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lubos na nag-aalala si Jun Wu Xie sa spirit ni Little Black. Bago nakipag-isa ang spirit nito sa kaniya, ang pusa ay parang isang puppet na walang sariling ulirat.

Ang Golden Lion ay nag-iba ng anyo galing sa pagiging contractual spirit papuntang spiritual energy. Nang silain ni Little Black ang Golden Lion, inubos nito ang spirit nito at hindi ang dugo't laman.

Sa nakaraan, dahil sa mga iba't ibang ekspirementong kaniyang isinagawa, nalaman na ito ni Jun Wu Xie. Ang mga sintomas na pinapakita ngayon ni little black cat ay ang eksaktong sintomas ng isang chimaera na sumailalim sa parehong ekspiremento.

Tahimik na isinalin ni Jun Wu Xie ang kaniyang enerhiya kay little black para tulungan ito sa pagsugpo ng espiritu ng Golden Lion.

Nakatulog ng mahimbing ang pusa at nanaginip. Sa kaniyang panaginip ay puno ng kadiliman at may kaunting sinag ng liwanag na kulay ginto. Ang liwanag na iyon ay unti-unting lumalaki at sinasakop ang kadiliman.

"ROAR!!" Tumayo ang sinilang liyon sa kaniyang panaginip.

Ang nanghihinang pusa ay takot na tumitig sa liyon. Gusto niyang magpalit ng anyo---ang anyo niya noong ito ay kaniyang talunin ngunit hindi niya magawa.

Sumagpang ang malaking liyon sa itim na pusa!

"MEOWRR"

Ang nahihintakutang iyak ay narinig ni Jun Wu Xie galing sa karga niyang pusa. Tinignan niya ang pusa sa kaniyang bisig, ang mga mata nito ay nakapikit pa. Mayamaya ay nanigas ang leeg nito at inilabas nito ang kaniyang mga kuko. Kumalmot ito sa manggas ng kaniyang damit at ito ay napunit. Natamaan din ang kaniyang balat kaya naman ito ay nagdugo.

Binalot ng gintong liwanag ang katawan ng pusa. Huminga ng malalim si Jun Wu Xie at niyakap ng mas mahigpit ang pusa. Hindi niya na pinansin ang pagbaon ng kuko nito sa kaniyang balat.

Ang pusa lang ang nanatili sa kaniyang tabi mula noon.

"Iyan ay isang espesyal na contractual spirit." Isang boses galing sa likuran ng kaniyang tenga ang kaniyang narinig. Bago pa man makasagot si Jun Wu Xie, naramdaman niya ang pares ng bisig na yumakap sa kaniya mula sa likuran. Isang malaking kamay ang kumuha kay Jun Wu Xie galing sa kaniyang pagkakahawak.

"Ibalik mo siya!"Inabot ni Jun Wu Xie ang pusa ngunit ang isa nitong kamay ay nanatiling nakayakap sa kaniya kaya naman ay hindi niya ito maabot.

Ihinilig ni Jun Wu Yao ang ulo nito sa kaniyang balikat at bahagyang ngumiti.

"Wala ka nang magagawa. Sinila nito ang Golden Lion, kailangan nitong talunin ang espiritu nito gamit ang kaniyang sariling lakas. Hindi ko akalaing makakakita ako ng spirit devour sa ganitong lugar." Pinikit ni Jun Wu Yao ang kaniyang mga mata at sininghot ang amoy ni Jun Wu Xie na may halong halamang gamot.

"Spirit devour?" Tumigil sa pag-alma si Jun Wu Xie.

Nanatiling isang misteryo si Jun Wu Yao, pero ni minsan ay hindi niya sinaktan si Jun Wu Xie at mas may alam siya sa mag-ama ng Jun Family.

"Talunin ang spirit ng ibang contractual spirit at hayaan siyang silain ito. Makakatulong itong palakasin ang kaniyang kapangyarihan at tuluyang makuha ang spirit ng kaniyang tinalo." Paliwang ni Jun Wu Yao. Bumuti ang kaniyang kalooban nang mayakap niya si Jun Wu Xie.

Silain ang spirit ng iba?

Natigilan si Jun Wu Xie, hindi niya akalain na possible pala iyon!

Ang katotohanang kinain ni little black ang Golden Lion ay hindi niya na nga mapaniwalaan. Kung titignan ang itsura ni Mo Qian Yuan at ng iba pang naroon sa pangyayari bakas sa kanila na hindi rin sila makapaniwala. Pero bakit parang natural at hindi ito bago kay Jun Wu Yao…

"Hindi ito para sa inyong mga simpleng tao lang, pero ang contractual spirit na ito ay ipinanganak na may ganitong abilidad. Makakatulong siya saakin." Ngumiti si Jun Wu Yao at tinignan ang pusang nasa kaniyang bisig.

avataravatar
Next chapter