964 Spirit Beast Arena (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Gusto mo rin ba ang mga Spirit Beasts Young Master Jun?" tanong ni Qing Yu.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie. Wala siyang pagtutol laban sa mga munting mabalahibong may

buhay na bagay ngunit namumuhi siyang makita ang mga iyon na nakakulong at mukhang

takot na takot.

Hindi dapat ganoon ang hitsura ng mga nilalang na iyon.

Bagama't mahal ni Jun Wu Xie ang mga iyon, hindi niya kailanman pinuwersa ang isyu. Mula

sa kaniyang pananaw, kahit na maging tao o hayop man, ay pare-pareho lang ang mga ito. Ang

lahat ng buhay ay magkakapantay at kung pupuwersahin ng mga tao na sumunod ang mga

hayop na iyon, iyon ay isang bagay na kaniyang kinamumuhian.

Hindi mahalaga kung iyon man ay ang pusang itim o si Lord Meh Meh, sila ay nananatili sa tabi

ni Jun Wu Xie sa sarili nilang kagustuhan at hindi kailanman gugustuhin ni Jun Wu Xie na

puwersahin ang mga ito na labag sa kanilang kalooban.

Kung iyon ay labag sa loob ng isang spirit, kahit gaano kagaling pa itong natapos o isinagawa,

isa pa rin iyong uri ng pamimilit!

"Kung ikaw ay interesado Young Master Jun, may alam akong lugar na nababagay kitang

dalhin upang iyong makita." hindi alintana ni Qing Yu kung ano ang iniisip ni Jun Wu Xie kaya

nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita na naisip niya ay makapagpapasaya kay Jun Xie.

"Sa Thousand Beast City ay mayroong Spirit Beast Arena. Doon ginaganap araw-araw ang mga

labanan sa pagitan ng mga Spirit Beasts at kung makakakuha ka ng magandang resulta, maari

rin na manalo ka ng isang Spirit Tamer Bracelet na tanging sa Thousand Beast City lamang

mayroon." saad ni Qing Yu na may maliwanag na ngiti.

Nang marinig ni Jun Wu Xie na binanggit ang Spirit Tamer Bracelet ay biglang nagliwanag ang

kaniyang mga mata.

"Saan iyon?"

Nang makita ang interes ni Jun Wu Xie sa wakas ay nakahinga si Qing Yu at sinabi: "Young

Master Jun maaari ako ay iyong sundan."

Habang nasa daan, nagpatuloy sa pagsasalita si Qing Yu, pinapaliwanag kay Jun Xie kung ano

ang mga kaganapan sa loob ng Spirit Beast Arena.

Ang Thousand Beast City ay mayroong malaki-laking populasyon at halos bawat isa sa kanila

ay hilig ang pagpapaamo ng Spirit Beasts. At dito, ang matinding nilalayon ng mga tao ay ang

magawang paamuin ang isang mataas na uri ng Spirit Beast. Bagama't ang Thousand Beast

City ay mayroong Spirit Tamer Bracelets, ang katulad niyon ay bihirang bihira lamang sa

kanilang siyudad, at ang isang ordinaryong tao ay hindi magagawa na magkaroon nito. Higit pa

doon, ang pagnais na gamitin ang Spirit Tamer Bracelet lamang upang mapaamo ang isang

Spirit Beast ay imposible sapagkat ang Spirit Tamer Bracelet ay hindi tulad ng Spirit Tamer

Bone Flute na may kahalintulad na kapangyarihan.

Upang mapagtagumpayan na mapaamo ang isang Spirit Beast, bukod sa Spirit Tamer Bracelet,

ay mayroong isang bagay pa na kailangan.

At iyon ay ang Beast Contro Principle!

Ang Beast Control Principle ay isang natatanging kayamanan ng Thousand Beast City na

nakatago sa loob ng kanilang sarili. Bukos mga miyembro na nasa loob ng tahanan ng Grand

Chieftain, tanging ang apat na Clan Hall Chiefs ang nakakaalam tungkol sa Beast Control

Principle. Upang matutunan ang Beast Control Principle kailangan ay maging miyembro muna

ng isa sa mga angkan at ibibigay ang iyong buong katapatan sa kanila, bago mabigyan ng

pahintulot na aralin iyon.

Bilang ang Beast Control Principle ang kanilang pondasyon at sinamahan ng kapangyarihan ng

Spirit Tamer Bracelet, ay kaya ng isang tao na mapaamo ang Spirit Beast sa sandaling panahon

lamang. At depende rin sa uri ng Spirit Tamer Bracelet malalaman kung anong antas ng Spirit

Beast ang kayang paamuin ng isang tao.

Tulad ni Xiong Ba at Lin Que na may napakataas na posisyon bilang Clan Hall Chiefs ay

nagtataglay sila ng Spirit Tamer Bracelets na magagawang magpaamo ng mataas na uri ng

Spirit Beasts. Ang mga ganoong uri ng bracelets ay bilang lamang sa sampu sa buong

Thousand Beast City. At bukod sa Clan Hall Chiefs ay walang miyembro ng angkan ang

kwalipikadong magkaroon ng katulad ng sa kanila.

At sa loob ng Clan Halls, kung ang isang miyembro ay nakagawa ng huwarang kontribusyon,

sila ay maaaring gantimpalaan ng isang Spirit Tamer Bracelet, ngunit ang mga bracelets na

iyon ay magagawa lamang paamuin ang mababang uri ng Spirit Beasts. Kapag ang isang tao ay

nagtataglay na ng Spirit Tamer Bracelet at nalangkapan ng Beast Control Principle, ay

magagawa na niyang mapaigsi ang panahon upang paamuin ang isang Spirit Beast. Dahil dito,

ang Spirit Tamer Bracelet ay isang bagay na nagpapasabik at matinding umaakit sa atensyon

ng lahat sa loob ng Thousand Beast City.

Bukod sa iba-ibang Clan Halls, ang tanging lugar kung saan maaaring makakuha ng Spirit

Tamer Bracelet ay sa Spirit Beast Arena na nasa Thousand Beast City!

Doon, kahit sino ay maaaring ilahok ang kanilang napaamong Spirit Beast sa labanan. At

hangga't magagawa nilang manalo ng sampung laban na sunud-sunod, ay makakakuha sila ng

kwalipikasyon na hamunin ang sampung pinakamagagaling sa loob ng Spirit Beast Arena.

avataravatar
Next chapter