963 Spirit Beast Arena (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh na nasa kaniyang mga braso. Ang Spirit Beasts at

Spirit bodies may kaniya-kaniyang partikular na pagkakaiba. Ang pusang itim ay nagbibigay ng

pakiramdama sa mga tao na katulad ng sa isang ring spirit, habang si Lord Meh Meh naman,

kahit itago nito ang nangingibabaw na malupit na presensiya nito bilang isang Guardian Grade

Spirit Beast ay halata pa rin ng mga tao na isa itong Spirit Beast.

"Napulot ko siya sa daan." walang bahalang paliwanag ni Jun Wu Xie.

At iyon ay totoo.

May pagtataka pa ring naramdaman si Qing Yu at patuloy niyang sinabi: "Kung gayon, ang

munting nilalang na iyan ay maaaring nakatadhana sa iyo Young Master Jun. Kung huhusgahan

ang laki nito, maaaring ito ay isang low grade Spirit Beast. Ngunit kahit ang low grade Spirit

Beast ay nagtataglay ng antas ng poot at pagtanggi laban sa mga tao at bihirang lumapit sa

mga tao ng kusa. Maaari kayang ang isang ito ay isang napakabatang hayop at hindi pa

marunong mag-ingat?"

Hindi nakatingin si Qing Yu kay Lord Meh Meh ngunit kadalasan ang isang Spirit Beast na nasa

hustong gulang ay maingat at listo laban sa mga tao at tanging ang mga batang Spirit Beasts

ang hahayaan na sila ay tangayin ng walang pasubali at hindi man lang lalaban kahit kaunti.

"Meh."

[Ikaw ang wala pa sa gulang na hayop! Nasa tamang gulang na si Lord Meh Meh! Ikaw na

ignoranteng nilalang!]

"Hindi ako sigurado." padalus-dalos na sagot ni Jun Wu Xie. Si Lord Meh Meh ang kaniyang

huling alas at iyon ang pinakahuling paraan na hahayaan niyang malaman ng iba ang totoong

tapang ni Lord Meh Meh.

May katagalan ring nakasama ni Qing Yu sa kanilang paglalakbay si Jun Xie patungo sa

Thousand Beast City at alam niyang talagang ganoon ang pagkatao ni Jun Xie. Kaya naman,

hindi siya nagdamdam sa maigsi at malamig na sagot ni Jun Xie.

Ang Thousand Beast City ay isang maingay na lugar rin. Bagama't hindi ito maikukumpara sa

Imperial Capital ng Fire Country, gayunpaman iyon ay punong-puno ng tao at ingay.

Ngunit, sa lugar na ito, bukod sa mga kalsadang puno ng mga tao, ay makikita rin kahit saan

ang malaki at maliit na mga Spirit Beasts. Kung hindi karga ng mga tao ay naglalakad ang mga

ito na nakatali, ang kasalukuyang eksena na karga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kaniyang

mga braso ay isang normal na bagay lamang.

Sa loob ng Thousand Beast City, ang kadalasang makikita ay ang mga lugar kung saan

nagbebenta ng mga munting Spirit Beast.

Ang hustong gulang na Spirit Beasts ay napakahirap paamuin at kung nais ng mga tao na

magpaamo ng isang Spirit Beast, sila ay lalabas upamng mamili ng mga batang Spirit Beast na

kapapanganak pa lamang. Sa magkabilang gilid ng kalsada, maraming sanggol na Spirit Beast

ang nasa kulungan at tinitingnan ng kanilang musmos at ignoranteng mga mata ang mga tao

na naglalakaran paroo't parito. Bago pa mabuo ang kanilang kamalayan at diwa, sila ay nahuli

na at inilagay sa mga kulungan, ipinapakita tulad ng mga kalakal, pinagpatong-patong,

inaantay na sila ay mabili.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang mga munting Spirit Beasts na nakakulong at nagdikit ang kaniyang

mga kilay. Sa nakaraang buhay niya, ay nakakita rin siya ng parehong eksena. Upang

makagawa ng mga eksperimento sa fusion beasts, ang taong iyon ay nanghuli at nagdala ng

maraming uri ng ligaw na hayop. Sa tuwing sasapit ang gabi at tahimik ang paligid, ang iyak at

alulong ng mga ligaw na hayop ang pumapailanlang sa buong kabahayan. Nang mga panahon

na iyon, ang buong kabahayan ay laging laganap ang masangsang na amoy ng dugo bawat

sandali ng buong araw.

Ang tanging nakaaaliw na bagay na malaman dito, sa Thousand Beast City ang pagmamalupit

sa mga Spirit Beasts ay mariing pinagbabawal. At kung nalamang naggkasala, ang salarin ay

malubhang paparusahan.

Ngunit kahit ganunpaman, ang mga kilay ni Jun Wu Xie ay walang malay na nagdikit.

Ang ilan sa mga tao ay tangan ang kanilang mga anak upang mamili sa mga Spirit Beasts na

iyon. Sila magaspang sa mga munting Spirit Beasts at ang walang muwang at ignoranteng mga

sanggol na iyon ay takot na takot at talagang natataranta. Sa kahabaan ng kalsada, ang mga

malalambot at mahihinang iyak ay maririnig kahit saan, ang mga boses nila ay puno ng takot

at kaawa-awa.

"Lahat ng mga munting hayop na ito ay nahuli sa kagubatan na nakapalibot sa Thousand Beast

City, at ang iba ay ipinanganak ng mga Spirit Beasts na napaamo ng mga tao. Ang halaga ng

mga munting hayop na pinanganak sa loob ng siyudad ay mas mataas kumpara sa mga nakuha

sa ligaw, sapagkat mas madalas na sila ay mabait at madaling paamuin, at ang bilang nila ay

kakaunti lamang." napansin ni Qing Yu na ang mga mata ni Jun Xie ay nakatuon sa mga

kulungan at kaniyang naisip na ang bata ay interesado sa mga iyon.

avataravatar
Next chapter