1123 Spirit Absorbing Pearl (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa silid na halos mapanglaw ang liwanag ay tila walang anuman na nakatayo si Jun Wu Yao sa

gitna ng silid. Sa kaniyang kamay ay hawak niya ang isang malinaw na blood red gem. Nang

marinig ang yabag ni Jun Wu Xie, ay dahan-dahan siyang lumingo at ang bato sa kaniyang

kamay ay kumislap sa ilallim ng liwanag ng apoy.

"Naaalala mo pa ba noong sinabi ni Ye Sha sa iyo na nang magpunta siya dito sa Heavenly

Cloud Chambers ay mayroon siyang nadiskubre na interesante?" tanong ni Jun Wu Yao

habang nakatingin kay Jun Wu Xie, tumagilid ang kaniyang ulo at ang sulok ng kaniyang labi ay

kaakit-akit na napangiti.

"Iyon ang bagay na iyan?" tanong ni Jun Wu Xie, ang sulyap niya ay natuon sa blood red gem.

Ang bato ay napakalinaw ngunit hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na maramdaman na ang

batong iyon ay nabuo mula sa mga namuong dugo.

"Kabilang sa Twelve Palaces, ay mayroong isang nagngangalan na Soul Return Palace, at sila ay

dalubhasa sa paggamit ng mga spirit upang pag-eksperimtuhan ng iba-ibang bagay. Sa Soul

Return Palace, maraming magical spiritual artifacts at kabilang doon ay ang isang tinatawag na

Spirit Absorbing Pearl, na gumagamit ng dugo ng tao bilang kasangkapan na gagamitin sa

pagsasakripisyo ng spirit ng isang tao sa Spirit Absorbing Pearl, at magbibigay ng

kapangyarihan sa Spirit Absorbing Pearl. Sa ganoong limitasyon, ay magagawa ng Spirit

Absorbing Pearl na panatilihin ang kabataan ng isang tao, ngunit ang gamit nito ay hindi

lamang para doon." saad ni Jun Wu Yao habang pinaglalaruan ang Spirit Absorbing Pearl na

puno ng dugo.

"Ito ang ginamit ni Qu Xin Rui upang panatilihin ang bata niyang hitsura na tila dalawampu o

higit lamang ang edad?" bigla ay naintindihan ni Jun Wu Xie. Hindi nakakapagtaka na

pakiramdam niya ay mayroong mali sa hitsura ni Qu Xin Rui.

"Maaaring ginamit niya ito. Ngunit ang tunay na gamit ng Spirit Absorbing Pearl ay para sa

spirit ng isang tao at hindi sa hitsura nito. Na kung iisipin ay mayroong isang tao na mula sa

Soul Return Palace na napakatangang aksayahin ang gamit ng Spirit Absorbing Pear, iyon ay

talagang… interesante. Alam ba ni Little Xie kung paano ginagawa ang pagsasakripisyo para sa

Spirit Absorbing Pearl?" bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Yao, ang kaniyang sulyap ay

natuon sa batong sahig sa ilalim ng kanilang paa at nababalutan ng dugo.

Umiling si Jun Wu Xie.

Nakangiting sumagot si Jun Wu Yao: "Kailangan nito ng dugo mula sa isang buhay na tao

upang palaganapin ito, at ito ay kailangang maging dugo ng isang batang lalaki. Kapag

gumagawa ng handog ay kailangan nilang buksan ang sakripisyo mula sa dibdib hanggang sa

tiyan, buksan ang mga tadyang upang ilantad ang dibdib at ilagay ang Spirit Absorbing pearl sa

bukas na dibdib ng alay, upang pahintulutan ang dugo na ibigay ang nutrisyon nito, habang

unti-unting sinisipsip ang spirit at buhay ng inalay. At sa buong proseso, ang alay ay buhay,

hanggang sa masipsip lahat ng Spirit Absorbing Pearl ang lahat ng spirit at dugo, hanggang sa

huling hininga nito."

Napakislot ang puso ni Jun Wu Xie. Sobrang halaga ng hitsura ni Qu Xin Rui para sa kaniya at

upang mapanatili ang kaniyang batang hitsura sa mga nagdaang taon, marahil ay ilang lalaki

ang ginawa niyang alay.

Sa loob ng lugar na ito na puro dugo, ilang tao kaya ang nanlaban bago sila kinuha ng kamatay,

at ilang batang lalaki mula sa Thousand Beast City ang inalisan ng buhay sa lugar na ito?

"Sa totoo lamang, ang Spirit Absorbing Pearl ay nararapat gamitin sa mga balisang spirits o tao

na may spirit na kulang. Ang paggamit upang mapanatili ang hitsura ng isang tao ay walang

kwenta." saad ni Jun Wu Yao na may malaking ngiti sa mukha, ang kaniyang mata ay nakatuon

kay Jun Wu Xie. Nang makita na nangunot sa may pagitan ng kilay ni Jun Wu Xie, ay nagtanong

siya: "Kinamumuhian ba ni Little Xie itong demonyong bagay na ito?"

"Walang sinabi si Jun Wu Xie ngunit kumislap ang mata ni Jun Wu Yao. Bigla ay pinagdaop niya

ang limang daliri at dinurog ang Spirit Absorbing Pearl!

Ang malinaw na tunog ng pagsabog ay umalingawngaw sa buong silid at ang nasirang Spirit

Absorbing Pearl ay naging alikabok na nahulog mula sa daliri ni Jun Wu Yao.

"Kung hindi gusto ni Little Xie, kung gayon ay hindi ito dapat panatilihin pa."

Nagulat ng bahagya si Jun Wu Xie. Madalas niyang maramdaman na ang mga salita ni Jun Wu

Yao ay kakaiba, ngunit hinidi niya maituro iyon.

Naglakad si Jun Wu Yao papunta sa harapan ni Jun Wu Xie at inangat ang kamay upang

himasin si Little Xie sa kaniyang ulo.

"walang tigil ka ng nagtrabaho, marapat lang magpahinga ka na ngayon."

avataravatar
Next chapter