303 Soul Exchange (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagliwanag ang mga mata ni Qiao Chu sa balita ng iyon. Sa wakas ba ay mangyayari na iyon?

"Bumalik ka at ipaalam kay Jun Wu Xie. Alamin mo kung kailangan niya taong maghanda ng kung anuman." Si Jun Wu Xie ang utak sa likod ng planong iyon at naisip ni Hua Yao na kailangang malaman iyon ni Jun Wu Xie.

"Naghihintay lang pala kayong dalawa?" Sa wakas ay naintindihan na ni Qiao Chu ang dahilan ng kanilang ginagawa. Hinulaan lang ni Hua Yao ang itsura nni Ke Cang Ju, kahit na alam niya kung sinp si Ke Cang Ju, kailangan niya ng mas maraming panahon para ganap niyang magaya ang personalidad at mga mannerism nito. Higit sa lahat, hindi madalas makipagsabwatan si Ke Cang Ju at halos hindi ito nagpupunta kay Qin Yue. Kung sila ay padalos-dalos na nagtungo kay Qin Yue at humiling dito, baka maghinala si Qin Yue. Kaya naman nanatili sila dito at naghintay sa pagdating ni Qin Yue.

Tumango naman si Hua Yao bilang pagsang-ayon.

Nasabik naman si Qiao Chu. "Sige! Aalis na ako para sabihin ito kay Little Xie."

Agad namang tumayo si Qiao Chu at lumusot sa bintana. Nagtatakbo ito patungo kay Jun Wu Xie para sabihin dito ang balitang iyon.

Napaangat naman ang pang-itaas na labi ni Hua Yao habang nakatingin sa bukas na bintana.

Dumiretso si Qiao Chu kay Jun Wu Xie. Gaya ng kaniyang inaasahan, abala nanaman ito sa mga halaman. Lumapit ito kay Jun Wu Xie at sabik na nagsalita: "Darating dito si Qin Yue para kitain si Hua...Ke Cang Ju, pinapatanong ni Brother Hua kung may kailangan kang ipagawa o ipahanda sa amin."

Tumayo si Jun Wu Xie. Malinaw niyang narinig ang sinabi nito.

"Dalhin mo ito kay Hua Yao bukas at siguraduhin mong dala niya ito habang siya ay nakikipagdiskusyon." May inilabas si Jun Wu Xie na itim na pusa na nanggaling sa kung saan. Matamang tumitig sa kaniya ang bilog na bilog nna mata ng pusa.

Natigilan si Qiao Chu. Pamilyar sa kaniya ang pusang iyon.

"Iyan ba ang iyong ring spirit?" Naalala na niya! Nang sila ay itapon sa ilalim na silid ng gusali, nagtago ang pusang iyon sa likod ng shelf. Ngunit hindi niya na mulling nakita pa ang pusang iyon.

"Hindi sa ganoon. Hindi makakaramdam ng mali si Qin Yu dito." Kailanman ay hindi naging ring spirit si Little Black, wala itong kahit na anong spiritual power katulad ng sa ring spirit. Hindi makakaramdam ng kakaiba si Qin Yue dito at iisiping lang nitong ordinaryong pusa lang ito.

Tumango naman si Qiao Chu at inabot ang pusa para suklayin ang balahibo nito gamit ang kaniyang mga daliri. Muli itong nagtanong kay Jun Wu Xie: "Ang iyo bang ring spirit ay ang black beast na nagpakita nung una?" Hindi niya nakalimutan ang kabigha-bighaning black beast sa ilalim na silid.

"Hiss!" Inilabas ng pusa ang kaniyang matatalas na kuko na tumakot kay Qiao Chu. Tinitigan na lang ito ni Qiao Chu.

Saglit siyang natigilan nang makita ang kulay ginto at hugis kidlat na bakas sa dibdib ng pusa. Naalala niyang nakita niya rin iyon sa Black beast. Parehong pareho ito ng hugis pati ng kinalalagyan.

"Ito..." Hindi makapaniwala si Qiao Chi sa kaniyang naiisip nang ituro niya ang nasa dibdib ng pusang itim. Maya-maya ay bumakas ang gulat sa kaniyang mga mata.

"Oo." Nahulaan ni Jun Wu Xie ang iniisip ni Qiao Chu kung kaya naman ay sinagot niya na agad ito.

"..." Napanganga na lang si Qiao Chu, hindi siya makahanap ng tamang salita na maglalarawan ng kaniyang pagkagulat. Wala kang maramdamang ring spirit sa pusa at naisip ni Qiao Chu na hindi nga talaga ito ring spirit. Pero...ang pusang itim na nagbabago ng anyo at nagiging black beast ay hindi ordinaryong pusa!

Hindi niya alam kung bakit gusto ni Jun Wu Xie na dalhin ang pusa kay Hua Yao pero gagawin niya na lang ang sinabi nito. Nalaman niyang ang batang ito na hindi gaanong nagsasalita ay nakakagawa ng mga bagay na hindi maiisip ng normal na tao. Nahuhulaan niya ring hindi maintindihan ni Brother Hua ang desisyong iyon ni Jun Wu Xie.

Dalhin ang pusa...

Para saan?

"Isa pa pala." sabi ni Jun Wu Xie nang may bigla itong maalala.

"Ano?" Tumingin si Qiao Chu kay Jun Wu Xie at naghihintay ng isa pang hindi kapanipaniwala ng bagay.

"Bantayan mo ang labas ng aking kwarto bukas. Huwag mong hahayaang may makapasok na kahit na sino. Maging ikaw din." Matapos iyong sabihin ni Jun Wu Xie ay tumalikod na ito, karga ang pusang itim.

avataravatar
Next chapter