203 Soul Calming Jade (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa madilim na gabi, ang mga gwardya ng palasyo maging sa labas o loob man ay naatasan sa seguridad, hinati sila sa pagpapatrol. Wala ni isang nakahalata sa anino mula sa itaas.

Nakakapit si Jun Wu Xie sa braso ni Jun Wu Yao at ito ang kanyang unang pagkakataong "paglipad".

"Doon!" Itinuro nang walang pag alinlangan ni Jun Wu Xie ang palasyo kung saan natutulog si Mo Qian Yuan.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Jun Wu Yao at nagtungo ito sa itinuro na direksyon ni Jun Wu Xie.

Muntik nang malaglag ang mga armas ng mga gwardya sa labas nang makita nila ang pagbaba ng anino sa palasyo. Tinitigan nila ito ng mabuti at nakita nila sa anino na may kasama ito sa kanyang bisig at nakilala nila ito. Si Jun Wu Xie. Ang Young Miss of The Lin Palace!

Alam ng buong Imperial City na si Jun Wu Xie at Mo Qian Yuan ay "tunay na nagmamahalan", at naghihintay lang silang lahat ng kasulatan para imbitahan si Jun Wu Xie na manirahan na sa East Palace at maging Empress.

Nanlambot ang kanilang mga tuhod nang makita nila ito at halos matumba na sa kanilakanilang kinatatayuan.

Taglay nito ang pagiging nakakatakot at malakas na awra. Ang mga mata nito'y puno ng tapang na syang kinatakutan nila.

"Nasa loob ba ang Mahal na Hari?" tanong ni Jun Wu Xie matapos makaalis sa pagkakapit sa bisig ni Jun Wu Yao. Hindi halata sa mga mata nya ang pagsisisi nang harapin nya ang nga gwardya.

"Oo." Matapang na sagot ng mga gwardya.

Naglakad si Jun Wu Xie patungo sa silid.

Sinundan ito ni Jun Wu Yao at gustuhin man syang harangin ng mga gwardya ay hindi nila magawa dahil naduduwag sila sa taglay nitong awra ng pagiging matapang. Nanatili silang tahimik habang nakatayo sa pinto.

(Mahal na Hari, hindi sa hindi namin ginagawa ang aming tungkulin ngunit ang lalakeng kasama ng mahal na reyna ay masyadong matapang!!!)

Binuksan ni Jun Wu Xie ng malakas ang pinto kung saan biglang natigil si Mo Qian Yuan sa kayang pagbibis para matulog.

Humarap si Mo Qian Yuan at gumalaw ang kanyang bibig na para bang nilalamig nang nasilayan nya sa gilid ng kanyang pinto si Jun Wu Yao. Nanatili syang di pa natatapos sa pagbihis at ang sinturon nito ay hindi nakaayos gayunman ang damit pang itaas nito kung saan kita ang kanyang dibdib.

Dahil sa pag aalaga ni Jun Wu Xie at sariling pagsisikap nito para sa sarili, hindi makakailang hindi naman masama tingnan ang kanyang katawan.

"Soul... Mmmph." Di alintana sa mukha ni Jun Wu Xie ang hindi pagiging komportable sa sitwasyon. Gusto nyang lumapit dito para pag uusapan maigi ang tungkol sa Soul Jade, ngunit may nagtakip sa kanyang mga mata.

Pagtataka ang nangibabaw sa mukha ni Mo Qian Yuan sa lalakeng nasa likod ni Jun Wun Xie at nakita nya ang mayabang nitong awra na nagsasabing hindi pa sila magkakilala.

May gulat at takot sa mga mata ni Mo Qian Yuan.

"Hindi kaaya-aya sa paningin" bulong ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie ngunit ang mata nya ay nakatitig kay Mo Qian Yuan na para bang tinutusok nya ito at tila bang gusto nyang gutay gutayin ang katawan nito. Kung ga ano ka hinahon ang boses nito pagbulong kay Jun Wu Xie ay sya namang kabaliktaran nito ang pagtitig nya kay Mo Qian Yuan.

Hindi manhid si Mo Qian Yuan para hindi maintindihan ang mga titig nito sa kanya. Agad nyang isinuot nang maayos ang kanyang damit na dapat ay huhubarin na. Nang nasuot nya na ito ay di pa rin sya makampante.

Doon lang tinanggal ni Jun Wu Yao ang pagtatakip nya sa mata ni Jun Wu Xie.

Nang nakakita na si Jun Wu Xie wala syang kaalam alam sa nangyari. Tiningnan nya si Jun Wu Yao ngunit wala syang nakuhang reaksyon dito. Hinayaan nya na lang at nagpatuloy pa rin sya sa mas importanteng pakay nya. Naglakad sya agad patungo sa silid pahingahan ng hari upang pag-usapang maigi ang tungkol sa Soul Jade.

avataravatar
Next chapter