201 SOUL CALMING JADE (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa takot sa mahahabang kuko ni little black, nanatili sa sulok si Little Lotus na umiiyak at yakap ang kaniyang mga tuhod.

Kinarga naman ni Jun Wu Xie si Little Lotus na hinahabol ang hininga dahil sa matinding pag-iyak. Niyakap naman ito ni Jun Wu Xie para pakalmahin ito.

"Maaari mo bang siguraduhin na iyon nga talaga ang Soul Calming Jade?" Talagang binabalot ng kuryosidad si Jun Wu Xie sa Soul Jade...o sa Soul Calming Jade ayon kay Little Lotus. Kung ang kalahating iyon talaga ang Soul Calming Jade ng Spirit World, totoo nga ang abilidad nitong humigop ng kaluluwa.

Ang Soul Calming Jade ay ginagamit para protektahan at gamutin ang isang kaluluwa, gumagana lang ito sa mga hindi pa buong kaluluwa. Gayunpaman, pag hinahawakan ito ng normal na tao, wala itong epekto dito.

Sa kaniyang kaso, siya at si little black cat ay pinag-isa ang kanilang kaluluwa at napunta sa ibang edad kaya napunta siya sa katawan ni Jun Wu Xie. Hindi pa gaanong nag-harmonize ang kaluluwa niya sa katawan ni Jun Wu Xie kaya nalaman ng Soul Calming Jade na hindi pa kumpleto ang pag-iisa ng katawan at kaluluwa nila. Kung kaya naman ay nagawa nitong higupin ang kaniyang kaluluwa para sana pagalingin ito.

"H...Hindi ako sigurado, ang alam ko lang ay kamukhang kamukha non ang nasa litratong nakita ko sa Spirit World." Tumigil na sa pag-iyak si Little Lotus dahil sa pagpapakalma ni Jun Wu Xie. Tinignan nito si little black at nakitang masama pa rin itong nakatingin sa kaniya, kaya bigla naman nitong isiniksik ang kaniyang mukha sa mga bisig ni Jun Wu Xie.

Bad Kitty!

Appearance at energy. Napatunayan iyon ni Little Lotus. Nabigyang liwanag si Jun Wu Xie nang ipaliwanag ito lahat ni Little Lotus ngayon ay alam na niyang iyon nga talaga ang Soul Calming Jade.

Artifact ng Spirit World? Paano iyon napunta sa Qi?

Ano ba talaga ang Spirit World? Gustong-gustong makuha ng Qing Yun Clan ang Soul Calming Jade. Alam kaya nilang ang Soul Jade at ang Soul Calming Jade ay iisa?

Ang isang kapirasong Soul Jade ay nagbigay ng maraming palaisipan kay Jun Wu Xie at hindi siya makaisip ng konklusyon tungkol doon.

Kung ang Soul Jade ay ang Soul Calming Jade, at nasa kaniya iyon, may kakayahan siyang ibalik si Jun Gu.

Ang tanging nasisiguro niya lang sa mga oras na iyon ay hindi niya ibibigay ang Soul Calming Jade sa Qing Yun Clan. Kailangan niya ring kunin ang kalahati na nasa kamay ni Mo Qian Yuan!

Buo na ang kaniyang desisyon kaya naman hinanda na ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili para magpunta sa Imperial Palace.

"Gabing-gabi na, saan ka pupunta?" Tanong ni Jun Wu Yao na nakasandal sa hamba ng pintuan at nakatingin kay Jun Wu Xie. Nasulyapan din nito ang bukas na kabaong na nasa loob ng silid ni Jun Wu Xie.

Nagtaka siya. Naglagay ito ng kabaong sa loob ng kaniyang silid?

Nasurpresa naman siyang makita si Jun Wu Yao, ngunit ngayon, wala ang kaniyang madalas na malamig at walang emosyong ekspresyon sa mukha.

"Sumama ka sa akin." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ngayon ay si Jun Wu Yao naman ang nagulat.

T...tama ba siya ng pagkakarinig?

Sumama sa kaniya?

Parang kani-kanina lang ay nagpakita ito ng kabaitan sa kaniya, ngayon naman ay gusto siya nitong isama?

Talaga namang lubos niya itong ikinatuwa at abot-tenga ang kaniyang ngiti.

Lumapit siya sa tabi ni Jun Wu Xie malamlam ang kaniyang mga tingin.

"Kahit saang lupalop pa ng mundo yan, saan tayo pupunta?"

Tinignan muna ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao at sumagot: "Imperial Palace."

"...."

"Mabuting nandito ka. Sa iyong galing, hindi ka mapapansin ng Qing Yun Clan at maipapasok mo ako agad sa Imperial Palace. Napakaliit na lang na bagay sa iyo noon." Seryosong saad ni Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung bakit nandito si Jun Wu Yao.

avataravatar
Next chapter