200 Soul Calming Jade (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Soul Calming Jade? Hindi Soul Jade?" Tumingin si Jun Wu Xie kay Little Lotus. May dagdag sa pangalan kung tawagin ito ni Little Lotus.

Kumurap naman ang mga mata ni Little Lotus at nag-aalinlangang sumagot: "Ano ang Soul Jade? Hidi ko pa iyon naririnig. Nakakita na ako ng litrato ng Soul Calming Jade sa Spirit World at ganitong-ganito ang itsura non. Sa loob niyan, may soul energy itong taglay na galing sa Spirit World."

"Ano ang soul energy?" Mas lalong naguguluhan si Jun Wu Xie. Marami itong ginagamit na salita na nanggaling sa Spirit World.

Tumingin si Little Lotus sa naguguluhang itsura ni Jun Wu Xie at ito ay ngumiti. Tumalon ito pabalik sa damuhan at inilagay ang kamay nito sa kaniyang likuran. "Mukhang wala masyadong alam ang aking Mistress tungkol sa spiritual domain. Pero sige, ipapaliwanag ko sa'yo."

"Ang soul energy sy ang kapangyarihang nakukuha ng contractual spirits pagkatapos ng pagsasanay at cultivation. Kilala din ito sa tawag na spirit energy. Kaming mga contractual spirits ay kaluluwa at ang aming kapangyarihan ay bahagyang bumubuo sa aming kaluluwa. Ang Soul Calming Jade ay isa sa seven treasures of the Spirit World. May kakayahan itong protektahan at pagalingin ang isang kaluluwa. Kahit gaano pa katigas ang ulo ng kaluluwang ito, sa kapangyarihan ng Soul Jade, napapakalma niya ito. Ngunit... Hindi ko pa nasasaksihan ang tunay na kakayanan nito. Narinig ko sa iba na ang seven treasures ay nawala sa giyera at ang tanging natira lamang sa Spirit World ay larawan ng mga iyon. Ang Panginoon ng Spirit World ay maraming inutusang contractual spirits para hanapin ang seven treasures."

Matapos ang kaniyang mahabang paliwanag, nagmamalaki siLittle Lotus kay Jun Wu Xie at nginisian niya ito.

"Hindi ko inaasahang maswerte kong mahahanap ito--ang Soul Calming Jade! Kung ibabalik ko ito sa Spirit World, bibigyan ako ng napakalaking pabuya." Masayang kinakausap ni Little Lotus ang kaniyang sarili. Hindi niya namalayan ang nandidilim na anyo ni Jun Wu Xie.

Ang malokong contractual spirit, masayang sinasabi na gusto nitong ibalik ang kaniyang 'Mistress' treasure' sa harap niya mismo.

Para itong nakikipaglaro sa kamatayan.

[Mistress, pwede ko na ba siyang pisain?] Masama ang tingin ng itim na pusa kay Little Lotus.

Natauhan naman si Little Lotus at nabura ang ngiti.

"Ikaw...Lumayo ka dito..."

[Tanga ka ba? Hindi sana ako lalapit kung wala kang pakinabang. Pero ngayon ay pinagkakainteresan mo ang aking Mistress' treasured artifact. Inggrata! Hindi ka naman nakakatulong. Mabuti pa sigurong kainin na kita!] Si little black ay sumila na ng contractual spirit noon madali na lang ito sa kaniya ngayon.

Mas lalong nagiging tanga ang bulaklak na ito habang tumatagal!

Nanigas naman si Little Lotus at blanko ang ekspresyong tumingin sa pusa. Sa mga sumunod na sandali nalaglag ang mga luha nito. Inabot nito ang laylayan ng damit ni Jun Wu Xie at pinunas sa kaniyang luha. "Hindi...Hindi naman ako seryoso don eh...Hinding hindi ko kukunin ang gamit mo! Ang.... Ang ibig kong sabihin, pagkatapos mo itong gamitin, ibabalik ko na ang Soul Calming Jade."

Siya ay tapat na bulaklak, hinding hindi siya magnanakaw sa kaniyang Mistress!

Mas lalong nagdilim ang anyo ni Jun Wu Xie.

Mula sa kagustuhan nitong kumupit sa kaniyang Mistress, ang bulaklak na ito ay parang sinusumpa pa siyang mamatay ng maaga.

Inilabas naman ni little black ang kaniyang mga kuko at tumalon palapit sa bulaklak.

Sa oras na iyon, ang amoy ng bulaklak ng lotus ay kumalat sa paligid kasama ang iyak ni Little Lotus.

Hinilot naman ni Jun Wu Xie ang kaniyang noo nang makita niya ang bulaklak at pusang itim.

Makukuha niya kaya anv mga sagot sa tanong niya?

avataravatar
Next chapter