199 Soul Calming Jade (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ipinag-utos ni Jun Wu Xie na iwan ang katawan ni Jun Gu sa bakuran. Dahil hindi niya mahawakan ang Soul Jade, ininspeksyon na lang niya ang pisikal na katawan ni Jun Gu.

Ang kaniyang nakita ay higit sa kaniyang inaasahan. Parang pinatigas muna ang katawan nito nang ito ay mamatay. Ang mga laman nito ay buo pa rin at wala siyang nakikitang organ failure.

Sampung taon hindi sampung araw, marahil dahil nga ito sa Soul Jade. Wala siyang ibang maisip na rason kundi iyon lamang.

Nalaman niya ito nang mahawakan niya ang Soul Jade na may kakayanang humigop ng hindi matatag na kaluluwa. Nang mamatay si Jun Gu, ibinalik ang katawan nito sa Lin Palace at agad na inilibing kinaumagahan. Ang kalahati ng Soul Jade na inilagay sa bibig nito ay inilagay nung araw ding iyon at nanatili doon magmula ng araw na iyon.

May magandang dahilan si Jun Wu Xie para maniwala na ang kaluluwa ni Jun Gu ay hindi pa tuluyang nawala. Baka nga totoong nakakulong lang ito sa Soul Jade.

Kung mahahanap niya ang kaluluwa ni Jun Gu, at ang katawan nito ay ganon pa din, hindi imposible ang resurrection.

Kaya lang mayroon siyang malaking problemang haharapin.

Hindi niya mahawakan ang Soul Jade, kung hahawakan niya ito maaaring kunin din nito ang kaniyang kaluluwa. Kaya naman hindi niya makita ang likod ng Soul Jade.

Tungkol din sa Soul Jade, walang magawa si Jun Wu Xie kundi ang tignan ito at manghula na lang. Dahil dito ay hindi siya makatulog ng maayos.

Lumapit naman si Little Lotus sa kabaong. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Jun Gu at Jun Wu Xie. Mayamaya ay bumilog ang mga mata nito.

"Mistress! Ang kuyang ito ay kamukhang kamukha mo!"

Nakita na ni Little Lotus si Jun Xian, Jun Qing at Jun Wu Yao. Nakita niya na ang lahat na maaaring kadugo nito. Ngunit ito ang unang beses niyang makakita ng malapit na malapit ang pagkakahawig kay Jun Wu Xie.

Kuya... Tumingin si Jun Wu Xie sa inosenteng mukha ni Little Lotus at inabot ang ulo nito para himasin: "Siya ang aking tatay."

Kuya...Tama na ang isa...

"Ama?" Tanong ni Little Lotus na nakatagilid ang ulo at nakatingin sa kaniya.

"Bakit ang ama ng aking Mistress ay may gamit na galing sa aking Spirit World?"

Umupo si Jun Wu Xie. "Gamit galing sa iyong Spirit World?"

Ngayon na lang niya ulit narinig si Little Lotus na nagbanggit tungkol sa Spirit World. Hindi niya alam kung anong klaseng lugar iyon. Ngunit ayon sa narinig niya kay Little Lotus, hindi mahirap sabihing doon nagmula ang mga contractual spirit.

Tungkol sa lugar na iyon kung saan namumuhay ang mga contractual spirit, tinanong niya dati si Jun Xian at Jun Qing tungkol doon nang una niya itong marinig kay Little Lotus. Pero wala naman silang alam tungkol dito.

Inaasahan niya na iyon. Kahit na maraming tao ang may contractual spirit, minsan ay spirit of weapons iyon at minsan naman ay spirit of animals. Sila ay magsasanib ngunit hindi sila mag-uusap. Si Little Lotus ay isang plant spirit ngunit kaya nitong magbago ng anyo. Ang abilidad nitong iyon ay lubos na nakakatulong kay Jun Wu Xie para kumalap ng impormasyon.

"Hindi ba't iyan ang Soul Calming Jade?" Tumalon si Little Lotus paakyat sa kabaong. Ang maliit nitong daliri ay itinuro ang Soul Jade na nasa bibig ni Jun Gu. "Ehh...ang Soul Calming Jade na ito ay basag. Bakit ito nahati sa gitna?" Nagtatakang tanong ni Little Lotus

avataravatar
Next chapter