1001 Sinong Lulunok Sa Sino (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nahihirapan paniwalaan ng lahat na ang Guardian Grade Spirit Beast ay nagpalit anyo bilang

munting nilalang na nasa harapan na nila ngayon!

Sa mga sandaling iyon ay naintindihan na ng lahat. Ang Spirit Beast na mukhang mahina na tila

hindi magagawa na makayanan ang isang tira sa katotohanan ay hindi isang mababang uri ng

Spirit Beast na tulad ng iniisip nila, sa halip ay isang Guardian Grade Spirit Beast na itinatago

ang tunany na kapangyarihan at uri!!

Sinong mag-aakala na ang Guardian Grade Spirit Beast na naririnig lamang sa alamat ay

makikita nila sa ganoong anyo?

Sa wakas ay naintindihan na nila kung bakit lahat ng mababang uri ng Spirit Beast, sa isang

unga mula kay Lord Meh Meh, ay biglang nasisindak at nanginginig sa takot. Sa harap ng

dakilang kapangyarihan ng Guardian Grade Spirit Beast, ano nga ba ang magagawa ng mga

mababang uri ng Spirit Beast? Kahit ang pinakamalakas sa kanila, ang Six Armed Black Ape, ay

wala kung ihaharap sa ganoong kadakilaan!

Nakatayo sa tuktok ng kadena ng pagkain, ang Guardian Grade Spirit Beast ay magagawang

itumba ang isa at lahat sa ilalim ng Guardian Grade sa ilang segundo!

At kasama doon maging ang Devious Wyvern na isang baitang na lamang upang maging

Guardian Grade!

Si Lin Feng ay hindi pa rin makahuma habang nakatingin kay Lord Meh Meh na naglalakad

palayo sa mga basura, ang munting paa nito ay tumatapak sa mga bato. Ang mata niya ay

puno ng matinding hindi mapniniwala. Bakit hindi niya naisip na ang Spirit Beast ni Jun Xie ay

isa pala talagang Guardian Grade Spirit Beast?

Sa buong Thousand Beast City ay wala pang nakakagawa na magpaamo ng Guardian Grade

Spirit Beast ng walang impluwensiya sa labas, at kahit ang mga taong mayroong Beast Tamer

Bracelet ay hindi nagtataglay ng abilidad na gawin iyon. Sa buong Thousand Beast City, ang

tanging bagay na makakagawa upang magpasailalim ang isang Guardian Grade Spirit Beast ay

ang sagradong gamit, ang Spirit Taming Bone Flute!

Bilang Spirit Beast na nangunguna sa lahat, ang lakas at katalinuhan ng Guardian Grade Spirit

Beast ang naging dahilan kung bakit hindi sila nagpapasakop sa iba. Noong unang panahon, sa

kalagitnaan ng magulong labanan, isang Grand Chieftain ng Thousand Beast City ang noo'y

nag-uutos sa isang Guardian Grade Spirit Beast ngunit may tulong mula sa Spirit Taming Bone

Flute. at gamit ang Spirit Taming Bone Flute upang puwersahang baluktutin ang kamalayan ng

Guardian Grade Spirit Beast ay isang delikadong hakbang dahil sa isang maliit na pagkakamali

o kapabayaan ay puwedeng maging dahilan upang kalabanin ng Spirit Beast ang may gamit

niyon!

Hindi kailanman nakiring si Lin Feng na may taong nakagawa na makapagpasunod sa isang

Guardian Grade Spirit Beast gamit lamang ang sarili nitong abilidad…

Sa pagkakataong ito, si Lin Feng ay talagang nagdudusa sa patong-patong na kamalasan. Hindi

lang sa hindi niya nakita ang kaawa-awang iyak at hikbi ni Jun Xie, pati ang pinaka-iniingatan

ng kaniyang ama na Devious Wyvern ay pinatay at bigla ay nakaramdam ng pagkataranta si Lin

Feng.

Takot na tinitigan niya si Lord Meh Meh, pinanood niya si Lord Meh Meh sa bawat hakbang

nito palapit kay Jun Xie. Bawat isang hakbang ng paa nito ay tila tumatapak sa kaniyang puso,

bumabaon ito doon!

"Madaya! Nandaya ka!" sa takot ng namamanhid niyang utak, si Lin Feng ay biglang tumayo,

dinuro ng kaniyang daliri si Jun Xie habang malakas na sumigaw: "Ang Spirit Beast Arena ay

pinahihintulutan lamang ang mga mababang uri ng Spirit Beast sa laban! Isa kang tampalasan!

Inutusan mo ang iyong Guardian Grade Spirit Beast upang magkunwaring isang mababang

uring Spirit Beast upang makalahok dito sa laban! Iyan ay isang garapal na paglabag sa

patakaran ng Spirit Beast Arena! Kailangan mo sumunod sa patakaran! Nararapat lamang na

isuko mo ang iyong Spirit Beast!"

Ang mukha ni Lin Feng ay namumutla habang siya'y sumisigaw habang nagtatapang-tapangan.

Ang desperadong pagsisigaw ni Lin Feng ay nagdulot ng katahimikan sa lahat ng nasa arena at

nakaramdam sila ng kakaiba.

Bahagyang inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo, tumingin siya kay Lin Feng na sa tindi ng

bugso ng damdamin ay tinanggal ang mabigat na balabal upang ibunyag ang kaniyang

pagkakakilanlan sa harapan ng lahat.

[Dumating sa ganitong pagkakataon.]

"Mga guwardiya! Nilabag niya ang patakaran! Iyon ay isang pandaraya! Ilayo niyo sa kaniya

ang Spirit Beast niya!" galit na galit si Lin Feng, ang pagkawala ng Devious Wyvern ay hindi

lamang isang simpleng bagay na kaya niyang pangatawanan at kapag nalaman iyon ng

kaniyang ama, kahit na patawarin pa siya nito ay siguradong babalatan siya ng buhay!

Higit pa diyan, ang Devious Wyvern ay ilalaan para sa taong iyon at kung ang taong iyon ay

nalaman na ang dahilan ng pagkamatay ng Devious Wyvern ay dahil sa galit…

Hindi na nangahas pa si Lin Feng na ipagpatuloy ang kaniyang naisip!

avataravatar
Next chapter