1000 Sinong Lulunok Sa Sino (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang malapad at malawak na Spirit Beast Arena sa isang iglap ay nadurog ng may lumabas na

higanteng Spirit Beast. Ang ilang tao na malapit sa battle stage na sa sandaling lumapag ang

Spirit Beast ay namatay agad sa puwesto nila!

Isang malakas na alingasaw ng dugo ang biglang humalo sa hangin sa Spirit Beast Arena,

habang ang mata ng lahat ay nanlaki dahil sa hindi makapaniwala, nakatitig sa Spirit Beast na

may siyam na buntot!

"Isang Guardian Grade Spirit Beast… Isa iyang Guardian Grade Spirit Beast!" sa matinding

katahimikan na iyon, isang sigaw ang narinig, habang malakas na pagsinghap ang narinig sa

mga tao!

Walang nakaisip na sa Spirit Beast Arena ng Thousand Beast City, isang Guardian Grade Spirit

Beast na nabubuhay lamng sa alamat ang biglang magpapakita!

Kalmadong tiningnan ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh na ibinunyag na ang totoo nitong anyo,

at ibahagya siyang napangiti.

Nagtatago sa karamihan ng tao at handa ng maaliw sa magandang palabas na dapat

mangyayari, si Lin Feng ay natigagal rin sa lahat ng kaniyang nakita. Ang mata niya ay nanlaki

sa matinding pagkagulat, hindi makapaniwalang nakatitig sa Devious Wyvern na nakabaon sa

ilalim ng paa ng Guardian Grade Spirit Beast, hindi makapaniwala sa nakikita ng kaniyang

mata.

Ang nagmamakaawang iyak ng Devious Wyvern ay nakarating sa kaniyang tainga, ang tunog

ng matinding pagmamakaawa na puno ng takot at kilabot!

"Hindi!" gulat pa rin, isang pagbabanta ang biglang umusbong sa puso ni Lin Feng. Itinapon

niya lahat ng pag-iingat habang hinahawi ang mga tao na nasa harapan niya, nagmamadali

siya sa direksyonkung nasaan ang Devious Wyvern.

Subalit, sa sandali ring iyon, ibinuka ng malaki ni Lord Meh Meh ang kaniyang bibig at nilunok

niya ang kumakawag at namimilipit na Spirit Beast sa ilalim ng kaniyang paa diretso sa

kaniyang tiyan!

Ang Devious Wyvern na kasinglaki ng isang maliit na bundok ay nilunok ng buong-buo at hindi

man lang nginuya!

Sa sandaling nakalabas na si Lin Feng mula sa dami ng tao, ay nakita niya ang dulo ng buntot

ng Devious Wyvern na nawala sa bibig ni Lord Meh Meh pati ang aktong paglunok ni Lord Meh

Meh. Naramdaman ni Lord Meh Meh na lahat ng dugo sa kaniyang katawan ay hinigop

palabas sa kaniya, habang ang buong pagkatao niya ay nanghihinang sumalampak sa lupa.

[Paano nangyari ito?]

[Paano nangyari ito?]

[Paano nangyari na ang Devious Wyvern ay nalunok ng buo?]

Ang walang tigil na batingting ay umusbong sa isip ni Lin Feng, habang tumatanggi siyang

paniwalaan na ang nakita ng kaniyang mga mata ay totoo!

Ang Devious Wyvern dapat ay ihahandog bilang regalo ng pagbati ng kaniyang ama na

maingat niyang hinanda para sa taong iyon!

Ngunit ngayon ay lihim niyang inilabas ang Devious Wyvern at naging dahilan upang malunok

ng isang Guardian Grade Spirit Beast na biglang lumabas ang Devious Wyvern, at hindi nag-

iwan miski isang kaliskis man lang…

Takot at kilabot ang sumabog sa loob ng dibdib ni Lin Feng, nagsimula sa walang tigil na

pagsasalita habang nakaupo sa malamig na lupa, ang katawan niya ay naging kasing lamig ng

yelo.

Sa sandaling ang Devious Wyvern ay nilunok ng buo ni Lord Meh Meh papunta sa tiyan nito,

ay matindi ang kagustuhan na naframdaman ni Jun Wu Xie na umalis na at hindi mag-iwan ng

kahit anong bakas. Ngunit bakas sa mukha ang pagtataka nang mapansin niya ang pag-iiba ng

kaniyang emosyon.

Ang buong Spirit Beast ay nagkakagulo. Ang pagpapakita ng isang Guardian Grade Spirit Beast

ay niyanig ang katinuan ng karamihan sa kanila. Humagulhol at nag-iiyakan habang takot na

umatras, dahil ang tanging emosyon na nararamdaman nila sa presensiya ng isang ganap na

Guaradian Grade Spirit Beast ay takot!

Nalugod na dinilaan ni Lord Meh Meh ang kaniyang bibig habang ang malagkit na pakiramdam

sa isa sa kaniyang paa ay nagbigay ng pakiramdam ng hindi konportable. Sa isang iglap ay

nagpalit ulit ito ng itsura sa isang bolang liwanag at pinaliit ang sarili, mula sa higanteng anyo,

unti-unti ay nagbalik sa maliit na mabalahibong bola.

Nang mawala ang liwanag, mula sa mga tambak ng basura ng battle platform, isang kaakit-akit

na munting tupa ang biglang nagpakita.

"Meh?" tinitigan ni Lord Meh Meh ang kalat sa paligid, nakatingin sa nadurog na battle

platform na naging basura, at sa isang kumpol ng dugo at katawan sa isang sulok na ginawa

nito nang "aksidenteng" matapakan niya ang mga ito. Muli itong umunga, ang tunog ay tila

nagtatanong.

At sa isang unga na iyon, ang kaguluhan na sumira sa Spirit Beast Arena ay biglang tumahimik

muli!

Lahat ng mata ay nakatitig at hindi makapaniwala sa nakatayong si Lord Meh Meh sa gitna ng

basura. Hindi kailanman sa panaginip nila na naisip nila na ang nagdala ng nakakatakot na

bangungot na ito sa kanila ay ang "mababang uri ng Spirit Beast" na hinamak nila!

avataravatar
Next chapter