999 Sinong Lalamon Sa Sino (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi malaman ang dahilan kung bakit ngunit ng masilayan ang Devious Wyvern, ay

nakaramdam si Jun Wu Xie ng hindi maipaliwanag sa kasiyahan na umuusbong sa kaniya, isang

malakas na kagustuhan na kumukuha sa kaniyang kamalayan!

Isa iyong pakiramdam na hindi pa naramdaman ni Jun Wu Xie kahit kailan. Ang malakas at

hindi mapaliwanag na tukso ang naging dahilan upang kunutin niya ang kaniyang kilay habang

nilalaban iyon, ang kulay ng mukha niya ay nag-iiba na.

Sa eksaktong sandali ay aksidenteng napatingin si Lin Feng kay Jun Xie at mabilis niyang

napansin ang pagbabago sa kulay nito.

Nang makita ang pamumutla ng mukha ni Jun Xie, ang mga kila na nakakunot, ay natuwa ang

puso ni Lin Feng dahil pinakahihintay niya ang eksena kung saan si Jun Xie ay umiiyak at

luhaan!

Sa battle platform, ang Devious Wyvern ay nakatingin kay Lord Meh Meh na ang mga mata ay

napuno ng kagustuhan pumatay.

Medyo nasorpresa si Lord Meh Meh ng ilang sandali ng makita niya ang Devious Wyvern,

tinitigan ang napakalaking hayop na nasa kaniyang harapan!

Ang batingaw para sa pagsisimula ng laban ay tumunog na!

Sa ilalim ng utos ng bata ay ibinukas ng malaki ng Devious Wyvern ang kaniyang bibig, ang

itaas na bahagi ng kaniyang katawan ay nakatuon direkta kay Lord Meh Meh na parang sa

isang tirador!

Ang kilos nito ay singbilis ng kidlat, at nagdulot iyon ng malakas na singhap mula sa mga

manonood!

"Masyadong mabilis!"

Pumutok ang hiyawan at sigawan. Nang akala ng lahat na ang tupang Spirit Beast ay

mapapatay na, isang munting puting anyo ang biglang lumundag pataas, pataas sa battle

platform!

Kumilos ito na tila isang puting liwanag ng kidlat, ang kilos ay hindi pahuhuli sa Devious

Wyvern!

Ang mata ng lahat ay gulat na gulat nang makta nila ang munting anyo ni Lord Meh Meh na

kasalukuyang lumilipad sa ere. Ito ang unang pagkakataon na nakita nila ang tupang Spirit

Beast na gumalaw mula sa kinatatayuan nito sa arena battle platform, at ang bilis na ipinakita

nito ay nagpatigagal sa lahat ng ilang saglit.

Habang si Lord Meh Meh ay nasa ere, ang mga mata nito ay natuon pa rin sa Devious Wyvern

na nasa battle platform, at sa pares ng malaki at malinaw na mga mata, isang matinding

kagustuhan ang biglang nagpakita!

Nagmintis ang unang atake ng Devious Wyvern at mabilis nitong inikot ang kaniyang ulo at

pinuntirya si Lord Meh Meh na kasalukuyan pa ring nasa ere, ang bibig nito ay malapad na

nakabuka at handa ng kagatin ang pain. Dahil sa mabilis na pagkilos ng napakalaki nitong

katawan, isang malakas na hangin ang sumipa sa apat na sulok ng battle stage!

Ang mga tao na malapit sa arena stage ay nilipad sa lupa sa lakas ng daluhong ng hangin na

iyon!

Ang mata ay matinding nanonood at sa sandaling iyon ang Devious Wyvern ay lulunukin na si

Lord Meh Meh na ngayon ay unti-unti nang nahuhulog mula sa ere. Ang munting puting

mabalahibong bola na nasa ere pa rin ay biglang naglabas ng nakakabulag na liwanag!

Ang nakakasilaw na bolang liwanag na tila sa liwanag ng araw ay nagsimulang lumaki sa ilang

saglit lamang!

"Meh!!"

Isang pamilyar na unga ang narinig mula sa nakakabulag na liwanag. Ang mga tao ay inaninag

at tinakpan ang kanilang mga mata habang sinusubukan nila ang lahat upang makita kung

anong nangyayari sa arena battle platform. Subalit, nang mawala ang nakakabulag na liwanag

ay binati sila ng isang malakas na pagbagsak! Isang higanteng anyo ang biglang lumabas sa

Spirit Beast Arena!

Isa iyong gahiganteng laki na Spirit Beast na naglalabas ng malamlam na liwanag sa buong

katawan nito, ang siyan na buntot nito sa likod ay kumakaway sa hangin!

Ang Devious Wyvern na masiyadong palalo at mapaniil kani-kanina lamang, ngayon ay nasa

battle platform at nasa ilalim ng paa ng higanteng Spirit Beast!

Ang battle stage ay maingat na nilinang sa bakal at ginawa itong matibay at matatag. Ngunit

sa isang malakas na padyak ng gahiganteng Spirit Beast, ang buong battle stage ay biglang

naging abo sa isang kisapmata!

Ang Devious Wyvern ay nagbigay ng nakatutulig at makapunit taingang iyak. Nang makita ang

sarili na nasa ilalim ng paa ng higanteng Spirit Beast at madiing tinatapakan, ang Devious

Wyvern ay nagpumiglas, ang iyak nito ay puno ng takot at kawalan ng pag-asa!

Ang higanteng Spirit Beast ay naningkit ang mata at tumingin sa Devious Wyvern na

nagpupumiglas sa ilalim ng paa niya at ang mapulang dila nito na nakalabas upang sakim na

dilaan ang bibig.

Sa mga sandaling iyon, ay walang maririnig na kahit ano mula sa Spirit Beast Arena. Walang

nakakaalam kung saan nagmula ang higanteng Spirit Beast na iyon…

avataravatar
Next chapter