1126 Sino ang Nangahas na Magsabi ng Isa pang Salita (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie. Ang kaniyang katahimikan ay nagpakaba kay Xiong Ba. At nang

maramdaman ni Xiong ba ang matinding kaba at tatalikod na upang tumakbo palabas ng

pintuan, isang Clan Chief ng Thousand Beast City ang sumunod kay Xiong Ba.

"Young Master Jun!" mas matanda ang Clan Chief na iyon at nakasalamuha na si Jun Xie noon,

ngunit iyon ay noong sinusubukang bihagin ni Qu Wen hao si Lord Meh Meh.

Nang makita ni Xiong ba ang Clan Chief, ang dibdib niya ay biglang hindi makahinga at tila may

nais siyang sabihin ngunit ang makipagtalo sa lalaki sa harap ni Jun Xie at Qiao Chu ay hindi

tama, kaya nangalit ang kaniyang ngipin at pinandilatan ito.

"Young Master Jun, ikaw ang tagapagligtas ng Thousand Beast city. Ngayon na ang Grand

Chieftain ay wala sa tamang pag-iisip, kailangan ng Thousand Beast City ng tao na

pansamantalang kukuha sa posisyon sa Thousand Beast City. Young Master Jun, ang Thousand

Beast City ay iyong iniligtas at ang matandang ito ay walang pagpipilian kundi ang magpunta

dito, kinapalan ang mukha at nagmamakaawa kay Young Master Jun na kami'y muling

tulungan, upang maging aming pansamantalang Grand Chieftain." ibinigay ng Clan Chief ang

kaniyang respetong pagbati kay Jun Xie, ang kaniyang mga tinuran ay malinaw hindi tulad ng

kinakabahang si Xiong Ba.

Lihim na pinandilatan ni Xiong Ba ang matandang lalaki, hiniling na mapaslang niya ito sa

pamamagitan ng isang sampal.

Tungkol sa bagay na kung sino ang tatayo sa posisyon na Grand Chieftain, ang matandang iyon

ang nakipagtalo sa kaniya ng matindi. Ang lalaki ay tapat sa Thousand Beast City ngunit ang

hindi mabali at makitid na utak ang gumalit kay Xiong Ba nang matindi at ninais ni Xiong Ba na

hamunin ito sa isang pisikal na labanan.

"Anong kinalaman ng bagay na iyon sa akin?" sagot ni Jun Wu Xie, bahagyang naningkit ang

mata.

Natigilan ang Clan Chief. Alam niyang pinutot ni Jun Xie ang kaniyang koneksyon sa Thousand

Beast city ngunit sa pinakakritikal na oras ng Thousand Beast City, ay tinulungan sila ni Jun Xie

at itinulak ang kalaban, na nagbigay ng pag-asa. Kaya siya ay natigagal nang tanggihan ni Jun

Xie iyon na hindi man lamang pinag-iisipan.

Ang nanonood na si Qiao Chu sa isang sulok ay hindi na makatiis. Nakialam si Jun Wu Xie dahil

mayroon siyang kailangan kay Qu Xin Rui at wala iyong kinalaman sa Thousand Beast City.

Nasagip na sila dahil doon at hindi pa iyonsapat, talagang wala silang hiya at may lakas pa sila

ng loob na magpunta dito at gawing Grand Chieftain si Jun Xie!? Ang kakapal!

"Sino ang matandang ito? Ikaw ba ay nababagay na magsalita dito? Ang Grand Chieftain ng

inyong Thousand Beast City ay maaaring nawala sa katinuan, ngunit ang anak niya ay narito at

buhay. At dahil naghahanap kayo ng bagong Grand Chieftain, ang tamang pagpilian ay si Qu

Ling Yue! Bakit narito kayong lahat at ibinibigay ang trabaho sa aming Little Xie!? " tanong ni

Qiao Chu, nandilim ang kaniyang mukha.

Maaari pa siyan maging magiliw kay Xiong Ba. Ngunit dito sa makapal ang mukhang

matandang Clan Chief na ito, wala siya kahit bahagyang pagkagusto na maging magalang.

Sinong nakakaalam. Nang banggitin ang pangalan ni Qu Ling Yue, ang mukha ng Clan Chief ay

nalukot.

"Sa bantog na reputasyon ng aming Thousand Beast City na nanganganib, bakit namin

hahayaan ang isang kahiya-hiya at imoral na babae na maging Grand Chieftain namin? Kapag

kumalat ang balitang iyon, kami ay magiging katawa-tawa!"

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at malamig na tinitigan ang matandang Clan Chief, lahat ng

init sa mata ay naglaho ng ilang saglit.

"Siya ay nagtataglay ng hindi malinis na katawan at kung magiging Grand Chieftain siya ng

Thousand Beast City, paano niya makukumbinsi ang mga tao? Isang maruming babae, kung

siya ay magiging isang karaniwan, maaari itong balewalain. Ngunit ang pangunahan niya ang

karangalan ng buong siyudad…" nagbuhol ang kilay ng matandang Clan Chief, bakas sa mata

ang pangungutya.

Ginalit si Xiong Ba ng mga salitang iyon at nanginig siya sa matinding galit. Sa mga nagdaang

araw, ay marami na siyang anrinig tulad ng mga salitang iyon, at ang puso niya ay pumuputok

na sa galit, hinihimok siyang maglakad palapit upang bigyan ang matandang Clan Chief ng

isang suntok sa mukha.

Ngunit mayroong mas naging mabilis kaysa kay Xiong Ba!

Katatapos pa lamang magsalita ng matanda ng ang anyo ni Jun Wu Xie ay biglang lumitaw sa

kaniyang harapan sa isang iglap, at sa isang pitik ng kaniyang binti, ang matanda ay lumipad

palabas ng Heavenly Cloud Chambers!

avataravatar
Next chapter