1125 Sino ang Nangahas na Magsabi ng Isa pang Salita (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang ilang Clang Chiefs ay nagpulong upang pag-usapan ang sitwasyon ng Thousand Beast

City, ang paksa ay tungkol sa pagiging Grand Chieftain ni Qu Ling Yue, at iyon ay mainit na

pinagdebatehan.

Kinalampag ni Xiong ba ang kaniyang kamao sa lamesa at nakipagtalo sa ibang Clan Chief. At

sa huli ay galit siyang umalis palabas ng Heavenly cloud Chambers.

"Wow, anong klaseng mukha ang nakita ko doon, namumula sa matinding galit." nakaupo si

Qiao Chu sa Heavenly Cloud Chambers at kumakain ng mansanas nang makita niya si Xiong ba

na galit na galit, hindi niya maiwasang magsalita ng sarkastiko.

Marahil ay ang tunay na paghingi ni Xiong Ba at Qing Yu kaya pakiramdam ni Qiao Chu at ng

iba pa na sila ay sinsero, at dahil doon ay tuluyang naglaho ang hinanakit sa kanilang puso,

ngunit… bagama't nawala na ang poot, ang pagtanggap nuli sa kanila bilang kaibigan ay

imposible.

Bakas sa mukha ni Xiong Ba na ito'y nahiya hang kinakamot ang kaniyangulo at sinabi: "Young

Master Qiao, pakiusap huwag mo akong pagtawanan."

"Anong nangyari? Nakita kong galit na galit ka kanina. Naikulong na ninyo si Qu Xin Rui,

kamusta na? Gumagaling na ba ang bruhang iyon sa ngayon?" tanong ni Qiao Chu.

Nang matanong iyon ni Qiao Chu, biglang naalala ni Xiong Ba ang kasalukuyang hitsura ni Qu

Xin Rui. Ang nakakdiring alaala na makita ang tao na nahihirapan sa kaniyang tadhana na

mabulok ang balat at pagkatapos ay tutubong muli ay nagpatigagal maski sa isang tulad ni

Xiong Ba na matigas kung saan ang kaniyang anit ay namanhid nang makita iyon. Doon niya

napagtanto kung bakit nais ni Jun Wu Xie na buhay si Qu Xin Rui. Ang mabuhay ng ganoon ay

tila hindi isang tao o multo ay mas mahirap kaysa kamatayan. Sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall,

araw-araw na maririnig ang hiyaw ni Qu Xin Rui, tila isang sigaw mula sa isang mabangis na

multo sa kailaliman ng impiyerno.

Nang makita ang reaksyon ni Xiong Ba, alam ni Qiao Chu na ang hitsura ni Qu Xin Rui ay

"nakakaaliw at magandang" pangitain.

"Magsalita ka. Anong kailangan mo ngayon dito?" tanong ni Qiao Chu.

Ibinuka ni Xiong Ba ang kaniyang bibig at asiwang nagsalita: "Ngayon… Narito ako… upang

hanapin si Young Master Jun."

Tumaas ang kilay ni Qiao Chu. Magsasalita pa lamang siya ng isang malamig na tinig ang

umalingawngaw.

"Bakit mo ako hinahanap." saad ni Jun Wu Xie habang naglalakad pababa sa hagdan, ang

nakakakilabot niyang sulyap ay dumako sa anyo ni Xiong Ba na nanigas na nakatayo sa may

pintuan.

Ang ilang ulit na pagpapakita at pagpunta ni Xiong Ba sa Heavenly Cloud Chambers upang

ihayag ang kaniyang pagsisisi at kabutihan ay hindi lingid sa kaniya, ngunit hindi siya

nakipagkita dito kahit kailan.

Tumingin si Xiong Ba kay Jun Xie na tuliro. Simula nang mabihag si Qu Xin Rui, ay hindi niya

nakita simyla noon si Jun Xie. Ang biglang pagkikita nila tulad niyon ay halos magpalundagsa

puso niya palabas sa kaniyang lalamuna.

"Ako… Ako… hindi ako, aish! Young Master Jun, sa totoo ay… ilang Clan Chief at Elders ang

nagusap-usap tungkol doon. Katatapos lamang ng suliranin ng Thousand Beast City ngunit ang

Grand Chieftain ay naging ganoon… at nawalan ng mamumuno sa mga dragon, kaya… iniisip

nila… kung pwedeng ikaw… ikaw muna ang kumha pansamantala sa posisyon na Grand

Chieftain…" Habang nagsasalita si Xiong Ba, ay ,mayroong takot sa kaniyang puso. Sa totoo

lamang, ay itinapon niya ang kaniyang mukha sa pintuan nang magpunta siya doon upang

makipagkita kay Jun Xie.

Si Jun Xie ay Emperor ng Fire Country, at bagama't hindi ganoon kahina ang Thousand Beast

City, sa mata ni Jun Xie sila ay wala.

"Dahil lahat sa iyo kaya naisalba ang Thousand Beast City, sa buong siyudad, ang lahat ay

tingin sa iyo ay isang tagapagligtas, at kung papayag ka na pansamantalang tumayo sa

posisyon na Grand Chieftain, naniniwala ako… ang lahat ay sasang-ayon." saad ni Xiong ba

habang kinakabahan na nakatingin kay Jun Xie. Ang Thousand Beast City ay magulo ngayon

dahil sa walang mamumuno at sila ay desperado na kailangan ang isang tao upang tumayo at

kalamahin ang sitwasyon.

Bahagyang tumaas ang kila ni Jun Wu Xie.

Nagulat si Qiao Chu at ang mga mata ay nanlaki. Kahit bugbugin siya hanggang kamatayan,

hindi kailanman niya naisip na ang mga tao ng Thousand Beast City ay nanaisin si jun Wu Xie

na maging Grand Chieftain nila!

avataravatar
Next chapter