1124 Sino ang Nangahas na Magsabi ng Isa pang Salita (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mapa ay nadiskubre sa silid ni Qu Xin Rui at ang layunin sa pagparito ni Jun Wu Xie sa

Thousand Beast City ay nakamit na. Ngunit hindi niya agad nilisan ang lugar at

pansamantalang naiwan.

Hindi na gumawa ng kahit ano si Qu Ling Yue upang patayin ang kaniyang sarili at ipinakita

niya iyon sa kaniyang mga kilos. Pinili niyang mabuhay, at nagmakaawa kay Jun Xie na gamutin

ang kaniyang ama.

Sa katunayan, kahit hindi hilingin ni Qu Ling Yue iyon, ay gagawin pa rin iyon ni Jun Wu Xie.

Ginamit ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute upang kontrolin si Lord Meh Meh at

tanging siya lamang ang makakapag-alis niyon, dahil kung mamamatay siya, ay hindi na

babalik sa normal si Lord Meh Meh.

Walang balak si Jun Wu Xie na patayin si Qu Wen Hao.

Ngunit sa mga sumunod na araw, bagama't si Jun Wu Xie ay nanatili sa loob ng Heavenly

Cloud Chambers, ay wala siyang pagkakataon na makita si Qu Ling Yue. Tila si Qu Ling Yue ay

pinagtataguan siya at kahit dinadalhan siya ng pagkain at inumin ng mga tao ay itatago niya

ito sa loob ng silid at bahagyang bubuksan lamang ang pintuan upang kunin iyon. At si jun Wu

Xie… sa oras na pupunta si Jun Xie sa silid ni Qu Ling Yue, ay ginagawa ni Que Ling Yue ang

lahat upang itago ang kaniyang sarili mula sa bata.

Hindi niya nais na makita pang muli si Jun Xie, hindi dahil sa poot, kundi dahil siya ay hiyang-

hiya na makita siya.

Tungkol sa katigasan ng ulo ni Qu Ling Yue, ay walang masasabi si Jun Wu Xie,

pinangatawanan lamang niya ang kanilang kasunduan na pagalingin si Qu Wen Hao.

Inilagay sa isang matinding pagkagulantang si Qu Wen Hao at ang kaniyang kamalayan ay

tuluyang bumagsak at nasira. Sa ganitong kondisyon, kung dadaan sa mga kamay ni Jun Wu

Xie ay isang bagay na hindi niya kayang pagalingin sa loob ng dalawa o tatlong araw. Ang

katawan ng tao, ang kaniyang kamalayan ang pinakamahina sa lahat.

Ilang beses na ring nagtungo sa Heavenly Cloud Chambers si Xiong Ba at Qing Yu ngunit hindi

sila nangahas na makipagkita kay Jun Xie, pinasabi lamang nila kay Qiao Chu at sa iba pa ang

lubos na pagpapasalamat ng mamamayan ng Thousand Beast City kay Jun Xie.

Matapos magdusa sa ilalim ng kaapihan sa loob ng sobrang isang dekada, ang Thousand Beast

City sa wakas ay nagkaroon ng bagong buhay at ang kanilang mga taona nabuhay sa ilalim

nang paghihirap sa wakas ay nakabalik na sa kanilang normal na mga buhay.

Ngunit…

Matapos ang suliranin, hindi magandang mga salita ang kumalat sa buong Thousand Beast

City.

Si Qu Wen Hao na Grand Chieftain ng Thousand Beast City ay nabaliw at ayon sa iba, ang

posisyon na Grand Chieftain ay dapat panasamantla na ibigay kay Qu Ling Yue ngunit tungkol

sa bagay na iyon, iba-ibang pananaw ang naglabasan.

Ngunit isiniwalat ni Qu Xin Rui sa lahat ng tao ng Thousand Beast City ang pinagdaanan ni Qu

Ling Yue ng araw na iyon. Masasabi na sa kasalukuyan ang Thousand Beast City ay alam ang

lahat ng mga kakila-kilabot na mga bagay na pinagdaan ni Qu Ling Yue.

At ang mga taong gumawa niyon kay Qu Ling yue ay ang mga lalaki na pinaboran sa Heavenly

Cloud Chamber. Matapos makuha ni Jun Xie ang Heavenly Cloud Chamber, ang mga lalaking

iyon ay pinalayas sa lugar at nagpagala-gala. Ngunit ang mga lalaking iyon ay nabuhay ng

matiwasay sa Heavenly Cloud Chamber at humiling sa kanila na mabuhay ng normal ng

ganoon lamang, paano nila babalewalain ang ganoon? Bukod pa doon, ang mga hambog

nilang kilos noong sila ay nasa Heavenly Cloud Chambers ay naaalala pa ng mga mamamayan

ng Thousand Beast City.

Ngayon na nagbalik na sila, sila ay nagdudusa sa hindi mabilang na mga mabagsik na tingin at

insultong mura at sa ilalim ng walang tigil na pang-aabuso, ay kinaldakad nila ang pangalan ni

Qu Ling Yue at sinasabing kung sila ay hindi patatawarin, paanong ang isang walang pag-asa na

lantang bulaklak na si Qu Ling Yue ay magkakaroon ng karapatan being humalili na Grand

Chieftain ng Thousand Beast City?

Ang mga salita ng taong iyon ay hindi magandang pakinggan at ang mga mamamayan na hindi

alam ang buong katotohanan ay nawalang ng simpatiya kay Qu Ling Yue dahil sa mga sabi-

sabi. Sinimulan nilang sabihin na hindi nila nanaisin na ang isang babae na nawala ang

kalinisang puri ang maging Grand Chieftain, dahil pakiramdam nila ay mapapahiya sila.

avataravatar
Next chapter