128 Simula Palang Ito (Pangalawang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagbalik sa Palasyo ng Lin, si Jun Xian, na tinatago ang kanyang mga sugat, ay bumagsak. Nagmadali si Long Qi na alalayan siya pabalik sa kanyang kwarto, at sumunod si Jun Qing.

"Tito Fu, kunin mo ang mga gamot ko." Inutos ni Jun Wu Xie nang may pag-aalala. Lumakas si Jun Xian sa mga ginawa niyang gamot at maingat na pagpapainom nito. Nang makita siyang bumagsak, nahuhulaan na niya ang lala ng mga sugat niya.

"Wu Xie….." Maraming tanong si Mo Qian Yuan para sa kanya.

Tinignan siya ng malamig ni Jun Wu Xie: "Sumunod ka sa akin kung nais mong mabuhay. Tumahimik ka o ako nalang ang gagawa."

". . . . ." Tahimik na sumunod si Mo Qian Yuan.

Nagmadali si Jun Wu Xie sa kwarto ni Jun Xian at tinignan siya. Nanlaki ang mga mata nang matapos.

"Lason." Kalmado ang boses ni Jun Wu Xie. Ngunit nalungkot ang ibang naroroon.

"Mabuti pa ako, wag kayong mag-alala. Nakabalik pa ako, diba?" Pinilit na ngumiti ni Jun Xian, pinagaan ang loob ni Jun Wu Xie.

Walang sinabi, kinuha ni Jun Wu Xie ang pilak na karayom mula sa kahon niya ng gamot na kinuha ni Tito Fu, at gumawa ng acupuncture sa iba't ibang pressure points. May tumulong maitim na dugo mula sa mga karayom at napunta sa kama. Namutla lalo si Jun Xian, at nangitim ang kanyang mga labi.

"Si ama ba ay…." Tinanong ni Jun Qing ng may pagaalala.

"Mabuti ang lahat." Nakayukong sinabi ni Jun Wu Xie, tinutuloy ang kanyang ginagawa.

Basta't buhay siya, kahit si satanas, ay hindi mababawi ang kanyang lolo mula sa kanya.

Ang maitim na dugo ay dahan-dahang nalabas at nawala ang pangingitim ng kanyang mga labi. Maputla parin siya, ngunit hindi na mukhang may malubhang sakit.

Naglabas si Jun Wu Xie ng mga gamot niya at binigay ito kay Jun Xian.

Nagkakulay muli si Jun Xian at nakalma ang kanyang noo, nagkaroon ng onting lakas.

Nang makitang gumaling ng onti si Jun Xian, nagbuntong-hininga si Jun Qing at tinanong: "Ama, ano ang nangyari ngayon? Sa kakayahan mo at mga gwardyang sumama sa iyo, kaunti lang sa Bayang Imperyal ang may kayang lumaban sa iyo."

Ang kalmadong Jun Xian ay nagalit, "Nalason si Lin Yue Yang! Nang makita ko siya, Nahihibang siya. May binubulong siya patungkol sa pagpatay sa kanyang pamilya at kung bakit siya inusig. Hindi niya ako nakilala sa simula, at inaway ang mga gwardya. Ayaw ko siyang saktan, at pinatulog lang siya. Maswerte akong may dala akong tabletang gawa ni Wu Xie. Binigyan ko si Lin Yue Yang ng isa at nagkaroon siya ng kaunting malay."

Kapag bumalik sa eksenang makikitan wala sa sarili ang tagapag-ampon ng mga Jun, kumikirot ang puso ni Jun Xian.

"Nang bumalik ang malay ni Lin Yue Yang, nagmadali siya at sinigawan ako, na umalis kami ng tauhan ko. May mga taong ginagamit siya para saktan ako. Namatay ang buong pamilya niya dahil sa kanila." Nanggigil si Jun Xian, ang tagapagligtas ng kanyang anak, ay namatay ng dahil sa kanya, ang buo niyang pamilya, walang natira, at siya ang dahilan.

"Bago siya matapos, nawala nanaman siya sa sarili niya, lumobo ang katawan niya, at sumabog. Pagkatapos ang pagsabog, nanghina kami, at isa-isang nahulog mula sa aming mga kabayo….."

avataravatar
Next chapter