158 Simula ng Palabas (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang nakapagpainis sa Emperador ay ang pagtayo lamang ni Jun Wu Xie ng walang salita. Kahit na hindi na niya binigyang pansin ang pagdating niya ng hindi manlang magbigay galang sa kanya sa pamamagitan ng pagyuko o kahit saludo, kahit simpleng pagbati lamang, hindi siya nagsalita! Ang kapal! Gayunpaman, wala siyang magawa kungdi magbigay ng isang ngiti hanggang sa kanyang makakaya.

Hindi maintindihan ng emperador kung saan nagkamali. Malapit na niya matanggal ang prinsipeng tagamana, at kahit hindi niya ikinabahala ang biglaang pag-galing nito, alam niya na ang suporta ng karamihan ay wala sa kanya. Matagal na siyang napapaisip, ngunit sa pagtingin sa dalawa na magkatabi sa harapan niya, nagsimula ang lahat nang mapalapit si Mo Qian Yuan at Jung Wu Xie!

Isang hindi kaaya-ayang maestro sa pabagsak na Palasyo ng Lin, at isang prinsipeng tagamanang hindi magampanan ng maayos ang kanyang responsibilidad at nalason ng malala….

Pag pinagsama ang dalawang tao na kaya niya na sanang mapaligpit noon, at ngayo'y nagsama at pinapahirapan siya, tila parang nilagay siya sa bitayan.

At nandito sila ngayon, sa loob ng pangunahing bulwagan ng Palasyo, ilang hakbang lamang ang layo sa kanyang trono.

Magwawala sana siya sa galit dahil sa kanilang pambabastos, pero napagtanto niya na ang sitwasyon ngayon ay di na tulad ng dati.

"Tumayo ka. Ginagawa mo lang naman ito lahat para sa kaharian, paano kita masisisi?" Sinabi ito ng emperador na nagiwan ng pait sa kanyang bibig.

"Ang anak mong ito ay walang alam sa medisina at mga lason kaya't dinala ko si Jun Wu Xie dito. Ang rason kung bakit nakaraos ang mga tao sa krisis ng paglason ay dahil sa kakayahan ni Jun Wu Xie." Sa labas ng lungsod, ibinigay ni Jun Wu Xie ang kredito kay Mo Qian Yuan para makuha niya ang suporta, pero sa loob ng Palasyo, ibibigay ni Mo Qian Yuan ang puri sa nararapat.

Nang marinig niya ito, nagulat ang emperor.

Ngunit sa tenga ni Bai Yun Xian, napakirot ito at di niya napigilan ang sarili niya kungdi magsalita ng pabalang "Kakayahan niya?" Walang mas may alam sa lason na ito maliban sa kanya. Sino si Jun Wu Xie para sabihing nagawa niyang ipawalangbisa ang lason?

Ang malamig na pagtitig ni Jun Wu Xie ay nabaling kay Bai Yun Xian, ang kanyang walang kaekspresyong mga mata ay nakapagpatayo ng balahibo ni Bai Yun Xian.

"Suffering, Deglaze, Mandela…" Inisaisa ni Jun Wu Xie ang mahabang listahan ng mahigit sampung pangalan ng dahong gamot. Iilan ang pangkaraniwan na damong-gamot ngunit karamihan sa kanyang mga binaggit ay wala ni isa sa bulwagan may alam tungkol dito.

Hindi sigurado ang iba sa mga sinasabi ni Jun Wu Xie, ngunit mapapansin ang pamumutla kay Bai Yun Xian habang binabanggit niya ang mga pangalan ng gamot na ito.

Paano niya nalaman?!

Hindi ito maaari!

Pinakinggan ni Bai Yun Xian ang lahat ng sinabi ni Jun Wu Xie. Lahat ng sangkap sa eksklusibong lason ng Qing Yun Clan, ang kumpletong listahan at walang kaibahan!

Ang Qing Yun Clan lang ang may alam sa timpla na ito, paano nalaman ni Jun Wu Xie ito?!

Matapos isa-isahin ni Jun Wu Xie ang mga pangalan ng gamot ng walang pagmamadali, ngumiti siya at tinitigan si Bai Yun Xie. "Wag mong ipahiya ang sarili mo sa isang larong pambata na tulad nito."

Nandilim ang mukha ni Bai Yun Xian at siyang nanginig sa galit habang nakatitig kay Jun Wu Xie.

Larong pambata?!

Nakita ni Mo Xuan Fei ang panginginig ni Bai Yun Xian, at siya'y niyakap ng mahigpit. Nang makita niya ang mga mata ni Jun Wu Xie, napatigil siya.

Ang mga mataong yun! Ang mga matang hinding hindi niya makakalimutan!

Nakita niya ang mga matang iyon sa gabi ng patayan. Nandun si Jun Wu Xie at ang kanyang mga mata'y nakatingin lamang sa dagat ng dugo, para bang isang demonyong nanggaling sa kalaliman ng impyerno para kunin ang lahat ng nabubuhay.

Sa isang tingin lamang, halos mahulog sa sahig si Mo Xuan Fei, pero dahil kay Bai Yun Xian na namumutla na parang papel, ipinilit niyang tumayo at humarap kay Jun Wu Xie.

"Jun Wu Xie, hindi kapatapatawad ito! Isang pinarangalang bisita si Yun Xian ng Kaharian ng Qi, at dapat siyang tratuhin ng may respeto!" Kailangan niyang protektahan si Bai Yun Xian! Hanggang sa makarating ang Qing Yun Clan para iligtas sila.

Tinignan ni Jun Wu Xie si Mo Xuan Fei na pinagtatanggol si Bai Yun Xian, ang kanyang ngiti'y lumaki.

Ang ngiting yun na ikinatakot ng lahat ng nasa pangunahing bulwagan, at ikinatindig ng kanilang mga balahibo.

avataravatar
Next chapter