301 Silver Lining (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi gaanong pinagtuunan ni Jun Wu Xie ng pansin ang Embellished Wooden Bead dahil ang alam niya ay ginagamit lang ito ng ring spirit at wala itong silbi sa kaniya.

Ngunit ngayong gabi ay may kakaibang reaksyon. Ang bead na madalas ay malamig ay nagsimulang uminit. Inilagay ni Jun Wu Xie ang bead sa kaniyang palad at sa sinag na dulot ng liwanag ng buwan nakikita niya ang mga hamog na nabubuo sa loob ng Embellished Wooden Bead. Malabo ang hamog na iyon at kailangan mo muna itong pakatitigan bago mapansin. Kumalat ang hamog sa herb bed malapit kay Jun Wu Xie at pa Unti-unting natakpan ang mga halaman.

Nagliwanag naman ang mukha ni Jun Wu Xie nang maramdaman niya ang pagtaas ng spiritual energy sa kaniyang katawan.

Kung ilalarawan niya ang spiritual energy na kaniyang na-absorb nang kaniyang i-cultivate ang Snow Lotus, ang enerhiya ng ibinibigay ng pangkaraniwang halaman ay parang isang sandok lang. Ang mga magagandang uri naman ng halaman ay magbibigay ng isang timba. Ngunit ngayon, ang pakiramdam ng spiritual energy na kaniyang naaabsorb ay dumoble.

Maaaring hindi katulad noong sa lawa, ngunit ang daloy nito ay mas mainam kumpara sa isang sandok o isang timba!

Nagpagulo sa kaniyang isip ang kaniyang nadiskubreng iyon kaya naman tinawag niya agad si Little Lotus.

Ang nag-alangang si Little Lotus ay nahihilo pa gawa ng pagkagising dito. Kinusot nito ang kaniyang mga mata at humikab habang nakatayo sa lupa.

"Mistress, kailangan mo ako?" Ang inaantok na si Little Lotus ay napakamot sa kaniyang ulo, mukha itong makakatulong muli anumang oras.

"Ano ang nangyayari sa Embellished Wooden Bead?" Itinulak ni Jun Wu Xie ang bead palapit kay Little Lotus. Nabuhayan naman si Little Lotus nang makita ang Embellished Wooden Bead at agad na nawala ang antok nito. Tinitigan muna nito ang bead bago ito maingat na kinuha. Malapad ang mga ngiti ng pinunas niya ang bead sa tiyan nito.

"Matagal kitang hindi nakita. Na-miss kita ng sobra." Ngumisi si Little Lotus ng kaniyang mulling tinignan ang bead.

Napaangat naman ang kilay ni Jun Wu Xie at inabot nito si Little Lotus na tuluyan na itong mali bang sa Embellished Wooden Bead.

"Magseryoso ka nga!"

Nagitla naman si Little Lotus at kinurap kurap ang mga mata kay Jun Wu Xie. Hindi niya maintindihan kung ano ang kaniyang mailing ginawa.

Kinalma muna ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili bago kwinento ang nangyari sa bead kanina. Mataman namang nakinig si Little Lotus bago nagsalita: "Normal lang iyon, ang Embellished Wooden Bead ay para talaga sa plant based ring spirit at ang plant based ring spirit ay kapahayagang galing sa mga halaman. Normal na iyon para dito na magkaroon ng reaksyon para sa mga pangkaraniwan halaman at bulaklak. Ngunit ang mga pangkaraniwan halaman at bulaklak ay walang taglay na spiritual strength at malay. Kung kaya naman ay hindi nila magamit ang kakayahan ng Embellished Wooden Bead para sa cultivation pero makakatulong pa rin naman ito para sila ay agad na lumaki."

Saglit na tumigil si Little Lotus at inangat ang Embellished Wooden Bead bago ito nagpatuloy: "Sa umaga, ang Embellished Wooden Bead ay mag-aabsorb ng enerhiya na galing sa mundo at kalangitan, sa gabi naman kapag hindi na-cultivate ang inabsorb nitong spiritual energy ay kakalat ito. Ang spiritual energy na inilabas ng Embellished Wooden Bead ay ang pinakamagandang maipapakain mo sa mga halaman."

Isang malaking sayang, napakaraming spiritual energy at "ipapakain" lang ito sa mga pangkaraniwang halaman.

Hindi lang alam ni Little Lotus ngunit ang kaniyang mahabang salaysay ay malaki ang epekto kay Jun Wu Xie. Kung ganoon talaga ang nangyayari sa Embellished Wooden Bead katulad ng sinabi ni Little Lotus, hindi lang ito magiging kapaki-pakinabang sa mga plant based ring spirit, sa halip ay mahihiram niya ang kakaibang kakayahan nito at magagamit sa mga halaman sa Hidden Cloud Peak para mapalago ang kaniyang sariling spiritual powers!

avataravatar
Next chapter