1127 Selos (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang lalaking iyon ay lumipad palabas ng pintuan, at marahas na bumagsak sa lupa at ito'y

sumuka ng dugo. Pinilit niyang itaas ang kaniyang ulo at naguguluhan na tumingin kay Jun Xie,

tuliro ang mata.

"Young Master Jun… May… Nasabi ba akong mali… Bakit ka…"

"Tumahimik ka." sigaw ni Jun Wu Xie sa malamig na boses.

Si Xiong Ba na halos gagalaw na upang suntukin ito ay natigilan sa isang sulok, hindi niya

inaasahan na mas mabili si Jun Xie sa kaniya. Dapat sabihin na nang makita ang matandang

Clan Chief na sinipa ng ganoon palabas ay lubos na nagpakalma sa namumuong galit sa

kaniyang puso!

"Young Mas…"

"Pakinggan mo itong mabuti." bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.

"Tatlong araw mula ngayon, pakakasalan ko si Qu Ling Yue sa Thousand Beast City. Kung

mayroon pa akong maririnig na hindi magandang salita tungkol sa kaniya, ay babaliin ko

mismo ang leeg ng tanong iyon." ang tono ng boses ni Jun Wu Xie ay napakalamig, ang mga

salita niya ay puno ng galit .

"Ano!!' matapos marinig ang sinabi ni Jun Wu Xie, hindi na kailangang banggitin ang tungkol

sa matandang Clan Chief, maging si Xiong Ba at Qiao Chu ay hindi makapagsalita, ang mata

nila ay halos lumuwa sa kanilang mga ulo.

Sobrang nagagalak si Xiong Ba na halos manginig ang buo nilang katawan. Alam niyang may

namuong damdamin si Qu Ling Yue kay Jun Xie, ngunit si Jun Xie ay walang ginawa na kahit

ano upang gantihan iyon. Matapos ng mga pinagdaanan ni Qu Ling Yue, maging si Xiong ba ay

naramdaman na wala ng maaaring mangyari sa pagitan ni Qu Ling Yue at Jun Xie. Ngunit… sa

sandaling iyon ay nasabi ni Jun Xie na kaniyang papakasalan si Qu Ling Yue!!

Nablanko ang utak ni Xiong Ba.

Malakas na napasinghap si Qiao Chu at hindi makapaniwala na nanlaki ang mata.

[Pakakasalan ni Little Xie si Qu Ling Yue?]

[Anong kalokohan ito!?]

[Walang alinlangan na ang paghihirap ni Qu Ling Yue ay kaawa-awa, ngunit… Little Xie, ikaw ay

isang babae alam mo yan! Ikaw ay isang tunay na babae noon pa man! Paano mo pakakasalan

ang isang babae!]

Lahat ng naroon ay matinding nabigla, sa malamig na boses sinabi ni Jun Wu Xie sa tigagal na

Clan Chief: "Ngayon layas!'

Agad itinayo ng Clan Chief ang kaniyang mga paa at takot na tumakbo.

Hindi nagtagal ay nagawang bawiin ni Xiong Ba ang kaniyang sarili at magsasalita sana nang

madako ang kaniyang tingin sa likod ni Jun Xie. Bigla siyang nanginig at dali-daling tumakbo!

"Little Xie, tungko dito, hindi ba dapat…" kabubukas pa almang ni Qiao Chu ng kaniyang bibig

upang sabihin ang matinding gulat sa kaniyang puso nang eksakto paglingon niya ay bigla

siyang nanigas sa kaniyang puwesto.

"Big Brother Wu Yao!!"

Nanigas ang katawan ni Jun Wu Xie at alangan na lumingon at nakita si Jun Wu Yao, hindi alam

kung kailan ito lumabas sa kaniyang likuran. Sa mukha nito ay may mala-demonyong ngiti na

sobrang pamilyar sa kaniya, ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kaniyang mata at sa

itim na mga matang iyon ay mababakas ang isang kislap na kulay lila!

"Pakaksalan ni Litlle Xie ang babaeng iyon?" dahan-dahang tanong ni Jun Wu Yao, kasing gaan

ng balahibo ang boses, na humaplos sa puso ng isang tao.

Napanganga si jun Wu Xie. Napagdesisyunan na iyon ngunit hindi niya alam kung bakit, nang

makita ang ginaw sa mata ni Jun Wu Yao, hindi niya magawang masabi iyon kahit anong gawin

niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakita niya ang matang iyon ni Jun Wu Yao.

"Big Brother Wu Yao, nagbibiro lang si Little Xie. Siya ay isang babae, kaya imposibleng

pakasalan niya si Qu Ling Yue?" Kahit na ang hindi kapan-paniwalang si Qiao Chu ay

naramdaman ang kakaibang nginig na nagmumula kay Jun Wu Yao, at gumawa siya ng dahilan

para kay Jun Wu Xie.

"Layas." isang salita lamang ang sinabi ni Jun Wu Yao ngunit napakalamig niyon, ang sulyap

niya ay hindi gumagalaw.

Mabilis na nawala si Qiao Chu sa silid.

[Nkakatakot ngayon si Big Brother Wu Yao!]

Sa unang palapag ng Heavenly Cloud Chambers, tanging Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ang

naiwan.

Mabagal na naglakad si Jun Wu Yao patungo sa harapan ni Jun Wu Xie, ang kamay niya ay

inabot si Jun Wu Xie sa baba nito, at bahagyang itinaas ang kaniyang mukha.

"Gusto mo siyang pakasalan? Hmm?"

avataravatar
Next chapter