1107 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Xiong Ba at ang mga tao ay biglang naligo sa malamig na pawis. Nais nilang pigilan ang atake

ngunit sa liit ng kapangyarihan na mayroon sila, napagtanto nilang maging ang tingnan ang

galaw ni Qu Xin Rui ay mahirap, at kinalimutan na nila ang pagnais na pigilan siya.

Subalit, sa parehong sandali na malapit nang maabot ni Qu Xin Rui si Jun Xie!

Ilang anyo ang biglang lumabas sa harapan ni Jun Wu Xie! Tinanggap nila buong lakas ng atake

ni Qu Xin Rui at ng kaniyang mga tauhan!

Kulay purple na spirit power ang biglang kumislap sa ere, at limang kabataan na may taglay na

purple spirit power na lumalabas mula sa kanilang katawan ang biglang nagpakita sa harapan

ng lahat!

Ang paglabas ng limang Purple Spirit nang sabay-sabay ay nagpatahimik sa buong Thousand

Beast City. Ang lahat ay gulat na nakatitig at ang mga bibig ay napanganga habang tinitignan

nila ang limang kaakit-akit na mga kabataan.

Lahat sila ay mukhang nasa edad na labing-pito o labing-walo ngunit ang spirit power na

nagliliwanag sa buong katawan nila ay gumulat sa lahat hanggang sa kanilang buto!

Si Qu Xin Rui at Shen Chi, kasama ang kanilang mga tauhan ay napilitang umatras. At nang sila

ay magbalik sa lupa ay saka lamang nila napansin na ang nagpatigil sa kanila ay pawang mga

kabataan lamang!

"Paanong nangyari iyon!?" hindi makapaniwala na nanlaki ang mata ni Qu Xin Rui! Ang

nakikita niya ay ang pamilyar na kulay purple na spirit power na nagliliwanag mula sa mga

kabataang iyon! Nang magsalpukan sila kanina ay nagawa niyang pakiramdaman ang

kapangyarihan ng mga kabataan. Ang kanilang spirit power ay hindi masasabi na sa isang

tunay na Purple Spirit ngunit nagawa nila ang pamamaraan na makikita lamang sa Middle

Realm, ang panasamantalang itaas ang kanilang spirit power upang makamit ang antas ng

Purple Spirit!

Ang kakaibang pamamaraan na iyon, ay nasaksihan lamang ni Qu Xin Rui sa Middle Realm, at

siguradong wala sa Lower Realm ang may alam na gamitin iyon!

"Lahat kayo ay mula sa Middle Realm!" bulalas ni Qu Xin Rui habang tinititigan niya ang kaakit-

akit na mga kabataan

"Maging kami man o hindi, wala ka sa posisyon na magtanong." sagot ni Qiao Chu habang

iwinawasiwas ang kaniyang braso upang kalagin ang kaniyang kalamnan, nakataas ang kilay na

nakatitig kay Qu Xin Rui. Nang isiwalat ni Qu Xin Rui ang tunay na dahilan sa pagtataksil ni Qu

Wen Hao kanina, ay hinangad na niyang gutay-gutayin ang masamang babaeng ito sa ilang

libong piraso!

Bagama't hindi siya gaanong malapit kay Qu Ling Yue, ngunit ang ilagay ang isang simple at

inosenteng batang babae sa isang nakaktakot at kakila-kilabot na karanasan, ay hindi niya

magawa na pigilan pa ang sarili!

Tinitigan sila ni Qu Xin Rui, ang mga mata ay puno ng matinding poot. Hindi sa kaniyang

panaginip na naisip niya na sa Lower Realm ay makakakita siya ng isang grupo ng kabataan na

nagtataglay ng abilidad na panasamantalang itaas ang antas ng kanilang spirit power!

Bagama't makukuha ang Purple Spirit sa ganoong paraan, hindi iyon maihahambing sa tunay

na Purple Spirit, ngunit sa isang sagupaan, ang pagnais na talunin sila sa maiksing oras ay

nangangailangan ng malaking dami ng pagsisikap mula sa kanila.

"Ito ay suliranin ng Soul Return Palace at kung ayaw ninyong madamay sa gulo, mas mabuti

pang huwag na kayong makialam!" saad ni Shen Chi habang nakasimangot na nakatitig kay

Qiao Chu at sa iba pa. Hindi siya naniniwalang ang mga kabataang ito ay nagmula sa Lower

Realm.

"At paano kung pilitin naming sumama sa gulo?" hamon ni Qiao Chu, naniningkit ang kaniyang

mga mata.

"Iniisp niyo ba na hindi namin nakikita ang abnormalidad sa inyong kapangyarihan? Sa isang

labanan, paanong ang limang tulad niyo ay papantay sa amin!?" sabi ni Shen Chi sa naniningkit

na mata. Ang mga bagay ay humigit na sa estado ng kanilang inaasahan. Hindi nila alam kung

saan nagmula ang mga kabataang iyon at kung bakit nasa panig ito ni Jun Xie.

Hindi alam ni Shen Chi, ngunit ang lahat ay malinaw kay Xiong Ba at Qiao Chu na nakatayo sa

karamihan!

Nakatayo sa harap ni Jun Xie ay ang limang disipulo ng Zephyr Academy na kanilang ipinadala

sa Capital City ng Fire Country upang lumahok sa Spirit Tournament!

Ang mga kabataan na iyon ay sumama kay Jun Xie patungo sa Thousand Beast City, ngunit

pansamantalang nnaghiwa-hiwalay bago pumasok sa loob ng siyudad. Alam ni Xiong Ba na

ang mga kabataang ito ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan, ngunit… kahit bugbugin

siya hanggang kamatayan, ay hindi niya naisip na ang kapangyarihan ng mga kabataang iyon

ay umabot na sa antas ng Purple Spirit!

avataravatar
Next chapter