1104 Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ha ha! Mukhang hindi mo alam ang tungkol doon. Nang mabihag ko ang munting batang

iyon, ang tanging iniisip niya ay ikaw! Nang siya ay dinudungisan, siya ay umiiyak at tinatawag

ang iyong pangalan! Ha ha, isang nakakaawang nilalang, walang dumating upang sagipin siya."

sumimangot ang mukha ni Qu Xin Rui at nabahiran ng kaunting galit, habang nakatitig ng

masama kay Jun Xie, pakiramdam niya'y agrabyado.

"Huwag mo akong sisihin na maging matigas ang puso. Sino ang nagsabi sa iyo na tanggihan

ang mga ibinibigay ko ngunit magiliw sa malanding iyon. Anumang tinanggihan ko, hindi

makukuha ng iba."

Tila nais ni Qu Xin Rui na ipaalam sa lahat ang pinagdaanan ni Qu Ling Yue dahil ang boses nito

ay kumalat sa labas ng tarangkahan ng Thousand Beast City.

Lahat nang nakatayo doon ay narinig nang malakas at malinaw ang pinagdaanan ni Qu Ling

Yue!

Nanlaki ang kanilang mga mata at hindi makapaniwala, hindi sila makapaniwala sa

katotohanan na ang kanilang Young Miss ay pinakitunguhan ng ganoon ni Qu Xin Rui!

Ang kalinisang-puri na iniingatan ng isang babae ay walang awa na sinira niya dahil lamang sa

munting inggit ni Qu Xin Rui!

Wala na sa sarili si Qu Wen Hao. Hindi na niya naririnig ang anumang salita na sinasabi ni Qu

Xin Rui, tahimik lamang itong nakaupo sa lupa, lumuluha ng dugo, lahat ng liwanag sa mata ay

naglaho na.

Nangalit ang mga ngipin ni Xiong Ba at Qing Yu at sila ay yumuko.

Noon, nang ninais ni Qu Wen Hao na gamitin ang Spirit Taming Bone Flute upang kontrolin si

Lord Meh Meh, ay handa silang protektahan si Lord Meh Meh, kahit pa sabihin na umalis sila

kasama si Lord Meh Meh ay hindi nila ito pagsisihan kahit kaunti.

Ngunit nang sabihin sa kanila ni Qu Wen Hao ang nangyari kay Qu Ling Yue ay pumayag na rin

sila matapos nilang makahuma sa matinding gulat.

Hindi sana sila papayag kung pianhirapan lang ni Qu Xin Rui si Qu Ling Yue, ngunit ginamit niya

ang isang pamamaraan na hindi matatagalan ng isang babae sa mundo, durugin ang dignidad

at kaluluwa nang paunti-unti.

Nang mga panahong iyon, kinuha ni Shen Chi si Qu Wen Hao sa Heavenly Cloud Chambers at

puwersahang ipinakita na ang pinakamamahal niyang anak ay dinungisan ng isang grupo ng

kalalakihan na mas masahol pa kaysa hayop. Nanlaban siya at nagmakaawa ngunit hindi siya

tutumbas sa kapangyarihan ng isang Purple Spirit. Hindi niya rin magawa na ipikit ang

kaniyang mga mata upang maiwasan na makita ang nakakadurog puso na eksena.

Nag-uto si Qu Xin Rui ng mga lalaki na puwersahang ibukas ang mga mata niyo, pinilit na

ipakita sa kaniya ang buong proseso…

Hindi lubos maisip ni Xiong Ba at Qing Yu ang uri ng pinsala na dinulot niyon kay Qu Wen Hao

at Qu Ling Yue, at wala silang magawa nung mga panahon na iyon kundi ang sumuko.

Nagtatago sa karamihan ay si Qiao Chu na bakas sa mukha ang matinding gulat. Dahil sa

kataksilan ng Thousand Beast City ay nawala ang kaniyang tiwala sa siyudad at pakiramdam

niya na ang ginawa ni Qu Wen Hao ay hindi katanggap-tanggap…

Ngunit hindi talaga sumagi sa kaniyang isip na magagawa ni Qu Xin Rui ang ganoong kalseng

kalupitan at nakakasuklam na paraan upang mapasuno si Qu Wen Hao!

Wala sa sarili na napatingin kay Jun Wu Xie si Qiao Chu…

Nakatitig lamang si Jun Wu Xie, nakatuon ang pansin kay Qu Xin Rui, ang mga mata ay tila

nanigas sa sandaling iyon.

Sinubukan niyang hulaan ang dahilan sa pagtataksil ni Qu Wen Hao, at iyon ay dahil ginamit ni

Qu Xin Rui si Qu Ling Yue upang puwersahin na mapasunod si Qu Wen Hao. Ngunit, hindi

kailanman niya naisip na magagawa ni Qu Xin Rui na gumawa ng isang baliw at napakasamang

gawain!

At lahat ng iyon… ay konektado sa kaniya!

Dahil sa pagtanggi niya kay Qu Xin Rui at pagkausap kay Qu Ling Yue, ay nagawa ni Qu Xin Rui

ang isang bagay na nagpagalit sa mga mortal at diyos!!

Mayroong naramadaman si Jun Wu Xie na hindi maipaliwanag na apoy na biglang sumiklab sa

kaniyang puso. Palagi niyang hinahamak at kinasusuklaman ang sinumang umaapis at

nagpapahiya sa kababaihan. Maging sa kaniyang mga kaaway, hindi kailanman niya naisip na

gumawa ng paraan na dudungis sa kapurihan ng isang babae.

avataravatar
Next chapter